Sunod-sunod na gabi na kaming nagpupunta ng casino. Si Hunter para maglari, ako naman ay para nag-obserba. Malakasan ang laro sa table nila Diether at Hunter. Habang ako'y pasikot-sikot lang. Si Dwight ang nagmo-monitor sa CCTV. Habang ako naman itong naglalagay ng mga spy camera sa mga perpektong angulo. Bakit lalagyan kahit may CCTV? Pagpatak kasi ng 5 am. Naka-off na rin ang mga CCTV sa establishment na ito. Ang weird, 'di ba? Inilalagay ko sa perpektong lugar kung saan bihirang malinisan. Habang umiikot-ikot ako'y may kanina pa rin sunod nang sunod sa akin. Tinatanong ako kung pwede ba n'ya akong tikman. Kanina pa ako nagtitimpi. Kapag hindi pa ito tumigil ay tiyak kong mababali ko na ang leeg nito. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang mapansin nakasunod pa rin, nagtungo na ako sa

