"May chance pa bang maitago ang ngipin, doc?" sinisipat-sipat kasi ng doctor ang ngipin ni Makisig. Oo, ipapa-brace ko siya. Nakahuli ba naman ng tilapia, eh. "Oo naman, medyo matagal lang ang proseso. Pero tiyak kong maiaayos natin iyan." Confident naman iyong doctor. "Tulungan n'yo po siya, doc!" "Sige. Asawa mo ba itong binata?" kahit wala naman akong kinakain at iniinom pero nasamig pa rin ako. "Doc, mukha ba akong mahilig sa exotic?" "Hindi ba? Pasensya na." "Wala pong magkakagusto d'yan. Masama po ang ugali." Kung i-cancel ko kaya ang pagpapa-brace rito? "Naku! Sa panahon ngayon, kahit masama ang ugali basta maganda, pwedeng-pwedeng magustuhan. Saka mukha namang mabait itong kasama mo." Nagpapungay pa ako ng mata dahil sa narinig kong papuri. "Honestly, Doc. I'm real

