ZiON POV's
Pag katapos kong sabihin kong sino ako bigla na Lang syang namutla, hindi ko alam kong bakit! Nakita ko nalang na may luhang namumuo sa mga mata nya at tuluyan na nga syang napaiyak. Bigla naman akong nataranta, hinawakan ko ang kamay nya ng bigla syang nag salita
"Ikaw ang nag iisang anak ng pamilya Sebastian?" Utal utal nyang sabi, nakikita ko ang takot sa mga mata nya. Lalo akong nainis.
Kilala kasi ang pamilaya namin sa pinaka maimpluwensyang tao sa buong pilipinas kaya siguro ganon na lang ang takot nya. Pero mababait naman si dad at mom, katunayan nga nyan gusto na nilang mag ka apo, dahil matanda na daw ako eh mag 30 palang naman ako haha.
"honey kong natatakot ka sa pamilya ko. Don't worry ako ang bahala sa kanila . Wala silang magagawa kasi mahal kita, kong hindi ka nila matatanggap lalayo tayo okay. Pero sigurado akong hindi nila magagawa yun" malambing kong sabi sabay halik sa noo nya.
"Nakakarami kana ah, kaylangan mo pa din akong ligawan no kahit na mag papakasal na tayo" naka ngusong sabi nya. Haha ang cute nyang tignan.
"Stop pouting you look like a duck" sabi ko ng bigla syang umiyak,
"Shh honey stop crying" pag papatahan ko sa kanya
Napaka sensitive naman ng mahal ko,
Pero sa totoo lang naTutuwa ako pag naiisip kong ikakasal na kami.
**
LiRA POV's
B*sit na yun sabihan ba naman ako ng mukang pato. Sa ganda kong to.
PASS FORWARD
Habang tumatagal na mag kasama kami ni zion napapamahal na ako sa kanya. Nakikita kong nag sisisi sya sa ginawa nya sakin, pinaalam kona din kay nanay ang ng yare at sinabi kona sa kanya na mag papakasal kami ni zion. Sang ayon naman sya,
Basta daw sundin ko kong anong mararamdaman ko. Nakikita din naman daw nya na pursigido talaga si zion. At sa araw araw na ginawa ng dios ramdam ko kong gaano nya ako kamahal.
Na kwento nya rin sakin na sya daw ang palaging nag bibigay ng bulaklak at chocolate sa trabaho at sa bahay noon. Pati na yung pag hintong panliligaw ni dion sya pala ang dahilan.
Duon ko napatunayang mahal nya ko kasi nag bayad sya ng malaking halaga.
napatawad ko na din sya.
Pero hindi ko pa sinasabing na buntis nya ako nong gabing yon, natatakot ako, kinakabahan ako hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya
Na kilala ko na din yung mga magulang nya mababait pala sila kahit sobrang napakayaman. Sabi pa ng mommy at daddy nya bigyan na daw namin sila ng apo. Lihim naman akong natawa nung sinabi nila yun kasi meron naman na talaga eh hindi ko nga lang sinabi sa kanila
3months
3months na akong buntis kami pa lang ni nanay ang nakakaalam.
Siguro sa araw na ng kasal namin saka ko sasabihin sa kanya surprise ko sa kanya!
Sa susunod na linggo na ang kasal, yung pakiramdam ko malungkot na masaya
Habang nag mumuni muni ako biglang dumating si zion
"Zion parang gusto ko ng mc'flote yung walang coke ha" sabi ko sabay puppy eyes
"Okay honey wait me here bibili lang ako" malambing nyang saad Before he left, he kissed my forehead first
Makalipas ang ilang minuto dumating sya
"Here" sabi nya sabay abot ng pinamili nya sakin
"Ayaw ko na pala neto honey!" Sabi ko nakita ko naman syang napatalon sa tuwa at biglang lumapit sakin. Sira na ata ulo ng isang to imbis na mainis natuwa pa haha
"Honey say it again" sabi nya ako naman inulit ko
"Sabi ko honey away kona neto" dun ko napag tanto kaya pala. Bigla nya kong pinupog ng halik
"Ngayon mo lang ako tinawag sa endearment ko sayo. Ang sarap sa pakiramdam honey. Feeling ko unti unti mona akong natatanggap. Mahal kita palage" maluha luhang sabi nya.
"Malapit na ang kasal natin zion may surprise ako sayo sana magustuhan mo!" sabi ko
"me too honey, i have a surprise to you i hope you love it" sabi nya Love? ano naman kaya yun.?