ZiON POV's
Eto na...
Eto na ang araw na pinaka hihintay ko, ang aming pag iisang dibdib,
Nandito nadin ang mga totoong magulang nya at ang daddy nyang mula pag kabata hindi nya nakita, pinahanap ko talaga ang daddy nya. Nalaman ko na hinahanap din pala sya ng totoong daddy nya, subalit itinago sya ng mama nya kaya pala hindi nito mahanap ang anak nya.
Nag kapatawaran na ang lahat, napatawad na nila ang isat isa kaya naman sa araw ng kasal namin gusto ko masaya lang sya, ayaw kong nakikitang umiiyak sya,
Pero sigurado ako malungkot sya ngayon bakit? Kasi ang alam nya wala ang mga magulang nya. Pero hindi nya alam pati yung daddy nya nandito din.
Yan ang isang surprise ko sa kanya, alam kong gusto nyang makilala ang ama nya. Kahit hindi nya sinasabi sa akin nakikita ko sa mga mata nya ang pangungulila sa ama
Nandito na kami sa simbahan kong saan gaganapin ang aming kasal. Na ka pwesto na ang lahat, pati na yung mga magulang nya at ang nanay nyang kumopkop sa kanya.
"Kuya kinakabahan ka ano? Sabagay madali pa naman mag bago ang isip ni ate baka hindi na pumunta yun haha" pabirong sabi ng kapatid ni lira. Yung kabang nararamdaman ko lalong na dagdagan sa sinabi ni mari
"Naku pogi wag kang kabahan darating yun kilala ko yun mahal ka ng batang yon. Hindi ka papakasalan noon kong hindi ka mahal" Pang aalo naman ng kaibigan nyang si rhea, isang pilit na ngiti lang ang sagot ko, dahil sa sinabi nya nabawasan ang kabang aking nadarama.
Naiinip na ako ang tagal nya. Sunduin ko na kaya, saktong tatayo na ako ng pigilan ako ng nanay nya, makahulagan nya kong tinignan, na parang sinasabi 'relax ka lang darating din si lira'
NG biglang bumukas ang pinto ng simbahan
Habang unti unti syang nag lalakad papalapit sakin nakikita ko kong gaano sya kaganda sa soot nyang white gown. Bakit parang lalong lumaki ang hinaharap nya 'sh*t' mura ko sa aking isip, ako lang dapat ang nakakakita non.
Ng makalapit na sya sakin nakita ko ang pag ka bigla sa muka nya. Nag tataka siguro sya kong bakit nandito ang mga magulang at kapatid nya,
Saglit nya akong tinitigan at ngumiti
PASS FORWARD
(BASTA TAPOS NA ANG KASAL DIKO ALAM KONG PANO UN EE HAHA)
"Honey yan ang surprise ko sayo pinahanap ko ang magulang at ang daddy mo, nalaman ko na matagal kana din palang hinahanap ng daddy mo ngunit tinatago ka ng mama mo" mahinahong sabi ko nakita ko naman na malapit na syang maiyak 'f*ck bakit ba ang ganda ng asawa ko kahit na umiiyak.
"Iha ako si DON RAFAEL RiVERA ako ang papa mo patawarin mo ako kong ngayon lang kita nakita. Inilayo ka sakin ng mama mo" madamdaming sabi ng daddy nya.
Mas lalo lamang itong umiyak, nakikita ko ang saya sa mukha nya.
"Pinapatawad ko na po kayo, ang mahalaga nakadalo kayo sa araw ng kasal ko, yung akala kong mag isa lang ako, nandito pala ang buong pamilya ko" ma iyak iyak nyang sabi habang nakayakap sa daddy nya, bigla naman nag salita ang mama nya
"Lira, anak patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo! Sa mga masasakit na ginawa at nasabi ko sayo,. Patawarin mo ako sa pag layo ko sayo sa tunay mong ama" sabi ng mama nya habang umiiyak na din.
"Ma matitiis ko ba kayo? Syempre hindi. Hindi naman po ako nag tanim ng sama ng lood sa inyo eh mahal ko po kau" sabi nito sabay yakap sa ina
Maayos na ang lahat ng biglang mag salita si DADDY
"OH siguro naman mabibigyan nyo na kami ng madaming apo sa lalong madaling panahon, alam nyo na tumatanda na gusto ko pang makita ang mga apo ko," nakangiting sabi Nya
"Oo nga naman matanda na kami gusto ko bago ako pumanaw makita ko pa ang mga apo ko," sabi naman ng daddy nya,
Bigla naman tumayo si Lira, nag taka naman ako.
"ZiON naalala mo paba ang surprise na sinabi ko sayo?" Tanong nya habang nakangiti
"Yes honey, iniisip ko nga kong ano yun eh pero wala naman akong maisip haha" natatawang sabi ko, ngumiti syang muli at nag salita
"ZiON im 4months pregnant" sabi nya
Hindi agad rumihistro sa utak ko ang sinabi nya, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Dahil don bigla ko syang hinapit palapit sakin at siniil ng halik. Hindi ko na naisip ang mga matang nakatingin sa amin. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang narito.
Malaya na akong yakapin at halikan sya, ng mag hiwalay ang mga labi namin. 'I LOVE YOU HONEY' Bulong ko sa kanya?
ibig sabihin...
ibig sabihin magiging daddy na ako. Napatalon at napasigaw ako sa sobrang tuwa..
"Really honey? Im going to be a father soon?" sabi ko ng tumango lang sya,
Hindi ko alam kong bakit iba ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na ito salamat honey