CHAPTER 5.
Dear Babe Diary,
Alam mo ba kanina halos atakihin nako dahil sa gulat! Paano ba naman kasi biglang dumating si Edmon!
Buti nalang talaga at Smart akong tao. Hindi ako Globe!
Kanina kasi nagulat kami ni Eduard! Gising pa pala si Edmon. Muntik na kaming maguli. Buti nalang at nagdahilan ako.
“Bakit gising pa kayo?” 'Takang tanong ni Edmon.
“Nagpasalamat lang ako doon sa binili niyang Spongebob sakin!” Ang sabi ko.
“Ahh ganun ba!” Ang sabi niya “Oh ngayon ka lang ba umuwi Eduard?”
“Hindi kanina pa yata yan ng konti!” Ang sabi ko. Hindi ko pinasagot si Eduard baka kasi mahalatang lasing siya.
“Oh sige na matulog na kayo!” Ang sabi niya.
“Ikaw din!” Sabi ko at sinara na ni Eduard ang pintuan niya ako naman ay naglakad palayo. Lumingon ako muli kay Edmon. “Good Night!” Ang sabi ko.
Napansin ko naman na napangiti siya Babe Diary!
Ayun nga yung nangyari kanina Babe!
Kinakabahan parin ako para bukas Babe! Hindi ko kasi alam kung anong gagawin sakin ni Eduard pag nalaman niyang nadulas ako at nasabi kong nagbubulakbol at nambabae siya.
Pag pray moko Babe, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko! I think I'm gonna die! Jk.
Matutulog nako Diary at ire-ready ko pa ang sarili ko sa posibleng mangyari bukas.
Stress but still pretty. yourlabs, Inday #Dyosa Since 1998
-
Parang hihimatayin talaga ako kanina paano ba naman kasi itong si Edmon biglang sumulpot! Buti nalang talaga at matalino akong tao, kung hindi lagot talaga kaming dalawa ni Eduard.
Hindi ko alam kung anong mangyayari bukas. Sana naman ay sa kabila ng mga tinulong ko kay Eduard ay mabawasan ang posibleng maging galit niya sakin kapag nalaman na niya bukas na nasabi ko sa Mother Earth niya na nag bubulakbol at nang chi-chx lang siya.
Sana ay mahulog si Tita Orieta sa kama niya at mauntog ang ulo niya tapos magkaroon ng amnesia si Tita Orieta at makalimutan niya ang nasabi ko. Pwede naman yun diba?
Bahala na nga bukas, masyado akong maganda para magpa stress kailangan ko ngayon mag beauty rest.
Tumagilid ako ng higa at sinimulan ko ng matulog.
-
“Hindi kita mapapatawad Inday! Walang hiya ka! Nag deal na tayo diba? Bakit mo parin ako sinumbong!” Malakas na sabi ni Eduard. May hawak siyang kutsilyo ngayon. Hinahabol niya ako sa loob ng bahay nila.
“Hindi! Nadulas lang ako Eduard! Maniwala ka! Wag mokong papatayin!” Ang sabi ko at patuloy lang ako sa pagtakbo.
Halos tumalon ang puso ko sa kaba, takot at tensyon na nararamdaman ko. Para akong nasa isang horror movie na ako yung bida. Diko ini-expect na magagawa sakin ito ni Eduard.
“HAHAHAHAHAHA! Huli ka ngayon!” Malakas na sabi ni Edward “Patay ka sakin!”
Nagsisigaw naman ako at agad niyang tinaas ang hawak niyang kutsilyo at hakmang sasaksakin ako.
“WOAAAAAAAAAHH!!!” Sigaw ko.
-
“INDAY!!!”
Napabalikwas ako ng bangon sa malakas na sigaw na nanggagaling sa labas ng kwarto ko.
Habol-habol ko naman ang hininga ko dahil sa napanaginipan ko. Akala ko totoo na. Bumalik ulit ang takot ko ng bigla kong maalala na umaga na pala!
Parang ayokong lumabas ng kwarto. Feeling ko ay paglabas ko ay makikita ko si Eduard na may sungay at may hawak na panaksak. Ayoko! Ayoko! Ayoko lumabas.
“INDAY!!!”
Dinig kong sigaw ni Hetti. Parang hindi sigaw dahil sa sobrang liit ng bosis niya.
“INDAY!!!” Malakas niyang sabi.
Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa pintuan ng kwarto ko at dahan-dahan kong binuksan.
Bumungad sakin si Hetti na may hawak na walis habang nag po-pokemon Go nanaman.
Nilibot ko ang paningin ko sa labas ng pintuan, buti naman at wala si Eduard. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
“Bumaba kana 'dun!” Maarteng sabi ni Hetti “Baka nakakalimutan mo katulong ka hindi ka Prinsesa dito!”
“K”
(CHAPTER 5 CONTINUATION)
Hindi ko alam kung bababa ba ako o hindi. Pero dahil katulong ako kailangan kong bumaba. Hindi naman ako Prinsesa dito no. Hm mukang Prinsesa lang pero hindi.
Bumaba na nga ako. Nakita ko agad si Tita Orieta na nakaupo sa isang upuan sa tapat ng mahabang mesa at may maraming pagkain na nakahanda. Lumapit naman ako sa tabi niya para pagsilbihan siya habang siya kumakain.
Pumasok naman sa isipan ko si Eduard kung nasabi naba ni Tita Orieta yung nasabi ko sakanya o hindi pa?. Nasaan na kaya si Eduard? Malamang tulog pa iyon. Sana lang makalimutan na ni Tita Orieta yung nasabi ko sakanya tungkol kay Eduard.
Napansin ko naman si Edmon na palabas ng kwarto niya tanging boxer short lang ang suot niya kaya naman napalunok nanaman ako dahil sa sobrang titig sa katawan niya. Ewan ko ba tong sarili ko normal na yata sakin iyong napapalunok sa tuwing nakakakita ako ng hot na katawan.
“Kumain kana ba Inday?” Tanong ni Edmon. “Kung hindi pa sumabay kana samin”
Umupo siya sa kabilang upuan magkatapat sila ngayon ni Tita Orieta. Nagbabasa naman si Tita Orieta ng diyaryo ngayon habang nagkakape.
Ang bait talaga ni Edmon. Sana lang ay siya nalang si Eduard siguro kahit malaman niyang may kasalanan ako sakanya baka hindi siya magalit sakin ehe. Wish ko lang na sana ganun nga. Kaya lang sadyang baliw lang siya. Lahat naman sila mga baliwag eh.
“Ay Sir, mamaya nalang po, mauna na kayo” Nahihiya kong sabi. Pero sa totoo lang gusto ko ng kainin yung Jumbo hotdog sa tabi niya. Uy wag kayong green! Yung hotdog na mekeni ah!
“Hmm, wag muna akong tawaging Sir” Saad niya “Kakain ka dito o magagalit ako?” Ang sabi niya.
“Hmm ang sarap!” Ang sabi ko. umupo ako sa tabi niya at agad kong sinubo yung hotdog niye este yung hotdog sa lamesa.
“Oh Inday! Andiyan ka pala hindi ka man lang nagsasabi!” Gulat na sabi ni Tita Orieta.
Grabe naman, akala ko alam niyang nandito ako sa tabi niya hindi pala.
Napatingin naman ako sa bandang itaas sa kwarto ni Eduard napansin kong dahan-dahan siyang palabas ng kwarto at napansin ko din na nasa likuran niya si Maria. Bigla naman sumenyas si Eduard na wag daw akong maingay.
Pababa na sila ng hagdan ngayon.
“Ano bang tinitignan mo dun Inday?” Tanong ni Edmon. Habang nakatingin parin sakin. “Kumain ka nalang nga diyan”
Kailangan kong gumawa ng paraan para di sila mahuli. Kailangan kong magpalakas kay Eduard.
“Ah wala-wala” Ang sabi ko.
Lilingon sana si Edmon.
“Aray-aray!” Pag iinarte ko.
“Oh anong nangyari?”
Napansin ko naman na nakalabas na sina Eduard at Maria.
“Ah wala napuwing lang” Pagsisinungaling ko.
“Sigurado ka?” Tanong nito “Naku baka may masakit na sayo ah, sabihin mo lang”
“Wala ah! Ano kaba Sir!” Ang sabi ko.
“Tawagin mo pa akong Sir wala ka ng trabaho mamaya!” Ang sabi niya.
“Mamaya talaga? Hindi pa ngayon Sir— este Edmon?” Pagbibiro ko.
“Haha hindi nakakatawa!” Ang sabi niya.
Tumawa na nga siya hindi pa daw nakakatawa. Baliwag talaga.
Napansin ko naman na nakapasok na ulit ng bahay si Eduard. Pawis na pawis naman siya dahil siguro sa kaba. Nag thumbs-up naman siya at kinindatan ako. Kaya naman halos mag kanda duling-duling ako sa kilig.
Napalingon si Edmon. Napansin niya sigurong may tinitignan ako. Nakita ko naman na napasibaktong ng muka si Edmon.
“Ow Eduard! Bakit parang pawis na pawis ka yata?” Tanong ni Edmon.
“Ah- eh kasi”
“Nag jogging siya! Kanina nakita ko siya nag jo-jogging siya!” Palusot ko. Yes another One Point Inday. Ang tali-talino ko talaga!
“Hm” Ang sabi ni Edmon at nagpatango-tango nalang siya.
Napalunok ulit ako ng mapatitig nanaman ako sa katawan ni Eduard naghubad kasi siya ng suot niyang sando. Tanging boxer short lang ang suot niya ngayon. Umupo naman si Eduard sa tabi ko. Napansin ko naman na napakanuot ng noo si Edmon.
Bakit kaya ganun mag react si Edmon? Hm.
Hindi ko naman alam kung kikiligin bako o kakabahan dahil magkaharap na si Tita Orieta at Eduardo.
Paano kung sabihin ni Tita Orieta yun! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Huhuhu! Kung kailan nagiging mabait na sakin si Eduardo doon naman masisira ang nakapaganda kong image kay Eduardo. Sana lang ay maka-
“Eduardo!” Sigaw ni Tita Orieta. Halos tumalon naman ang puso ko sa kaba nahagis tuloy yung kinakain kong hotdog sa mukha ni Tita Orieta.
“Sorry po Tita!” Ang sabi ko.
“It's okay!” Nakangiti niyang sagot.
“Mama?” Kinakabahan na sagot ni Eduardo. Nagkatinginan kaming dalawa. Pero agad ko din binaling ang tingin ko sa iba. Tumayo ako at tinungo ko ang kusina. Baka kasi mapatay ako ni Eduardo.
Busit naman oh! Bakit kasi ang daldal ko at nasabi ko pa yon! Kahit kailan talaga Inday may pagka bobita ka!. Halos tumalon na ang puso ko sa kaba. Patago naman akong nakatingin sakanila at nakikinig.
“Akala ko ba nagbago kana huh?!” Sigaw ni Tita Orieta. Malayong malayo siya ngayon sa inaakala ko dahil ibang Orieta ang nakikita ko ngayon parang isang monster na may sampung sungay. Bigla ko naman naimagine na ganun ang itsura ni Tita Orieta. Napangisi naman ako. “Nyiii!” bulong ko.
“What do you mean Ma?!”
“By Justine Bieber?” Sabat ni Edmon. Baliwag talaga.
“Shut up!” Sigaw ni Tita Orieta habang nakatingin kay Edmon. Seryoso talaga si Tita Orieta. Kaya lalo akong kinabahan. Napansin ko din na takot na takot si Eduard.
Natahimik naman si Edmon at sumbo ng Ham.
“Akala ko ba nagbago kana huh?! Bakit may nalaman nanaman ako na puro babae ang inaautapag mo?! At balita ko pa hindi kana naman pumapasok?!” Malakas na sabi ni Tita Orieta.
Galit na galit talaga siya as in kulang nalang umusok ang ilong niya sa galit. Nakaramdam ako ng matinding konsesya lalo na kapag tinitignan ko si Eduard na halatang takot na takot.
“Kahit kailan talaga wala kang kwenta!” Malakas na sabi ni Tita Orieta.
Hindi na sumagot si Eduard. Nakita kong tahimik lang siya at malungkot halatang nag dadamdam siya sa mga sinasabi ni Tita Orieta halatang may mabigat siya na problema. Mas lalo akong nakonsensya dahil 'don.
“Bakit hindi mo gayahin si Edmon! Masipag, mabait at masunuring anak hindi katulad mo na-
“Walang kwentang anak! Siraulo! Tamad! At puro pambabae ang inaatupag!” pinagpatuloy ni Eduard ang sinasabi ng Mama niya. After niyang sabihin 'yun ay padabog siyang nag walk out.
Susundan sana siya ni Tita Orieta pero pinigilan siya ni Edmon. “Hayaan mo muna siya Ma” Ang sabi ni Edmon.
Lumabas naman ako ng bahay para sundan si Eduard napansin ko kasi na pumunta siya sa garden.