bc

Maid for the Twins

book_age18+
2.4K
FOLLOW
12.2K
READ
badboy
goodgirl
comedy
bxg
humorous
witty
enimies to lovers
school
punishment
seductive
like
intro-logo
Blurb

Simula nang mamatay ang ama ni Inday ay naging mag-isa na siya sa buhay dahil nagkaroon na ng bagong pamilya ang kaniyang Ina at mas pinili ni Inday na mamuhay na lamang mag-isa, hanggang sa makilala niya ang isang babae na nagngangalang Mrs. Orieta, in-offeran niya ito ng trabaho, siya ay magiging katulong at aalagaan niya ang dalawang kambal na anak nito. Ang hindi alam ni Inday ay demonyito ang isa sa anak ng kaniyang magiging amo, makayanan niya kayang magtrabaho rito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
 Dear Babe Diary, Alam mo ba no’ng namatay ang Papa sa sakit na TV? Hindi ko alam kung ano‘ng channel basta sakit na TV. ‘Wag na natin problemahin ‘yon Babe, hindi yan ang iku-kuwento ko sa ‘yo! Ito kasi 'yon, no’ng namatay ang papa ko sa sakit na TV, todo iyak ang Mamabels ko may pasabi-sabi pa siya ng "Rudolfo asawa ko! ‘Wag mo akong i-iwan! Sasama ako!" Ginawa ko naman, diary tinulak-tulak ko siya, buti nalang at pinigilan ako ng mga kaibigan ko, grabe talaga kung maka-hagulgol ng iyak. ‘Tapos ito na, babe, ang Mamabels ko after one week may bago na agad! Kaloka ‘di ba? Ano ‘yon? Move on agad-agad? ‘Di ba ang taray! Mas mabilis pa siyang naka moved on sa ‘kin! Samantalang ako Babe nasa puso ko pa rin si Gretz mylabs! Pero huwag na natin pag-usapan ‘yon, Babe dahil pepe ko lang naman habol ng hayop na iyon! ‘Yon na nga Babe, dahil agad-agad naka moved on ang Mamabels ko, nainis ako Babe. Hindi ako sumama sa kaniya, ang ginawa ko naghanap ako ng trabaho. At ito na nga Babe mamaya na ang first day ko, sana babe may gwapong nakatira roon no? Para naman makalimutan ko si Gretz! Hanggang dito na lang muna Babe, susulatan kita mamaya, kapag may nangyari na sa First day ko sa pagiging katulong! Ganern. Ako parin to Babe, Inday Yourlabs Dyosa Since 1998. - Bumuntong hininga ako matapos maalala ang mamabels ko, kaloka talaga! Nilagyan ko pa ng signature si Babe Diary. Oo Babe ang tawag ko sa kaniya, itong diary na ito ang lovelife ko. Wala naman sigurong problema roon ano? Nakasakay ako ngayon sa isang pampasaherong Jeep. Dala-dala ko ‘yong mga gamit ko sa lilipatan kong bahay, may nabili na kasi akong bagong bahay, mga ten million ‘yong halaga. Pero joke lang ‘yon, dahil hindi naman sa ‘kin bahay ‘yon. Pupunta kasi talaga ako sa bahay na pagta-trabahuhan ko bilang katulong, oh yes! Bagay talaga ang name ko bilang katulong ‘di ba? Inday! Very common! Siguro sinadya nilang ipa-pangalan sa akin iyon no? Pero wag kayo ah, Dahil napakaganda kaya ng Real name ko. Lindsay Erolina Masuksok. Don‘t mind my last name! Exempted naman ‘yon! "Manong para!" sigaw ko na halos lumabas na ang litid ko.  "Ay jusko po!" sigaw nu‘ng babae, nagulat yata siya dahil sigaw ko. "Grabe ka naman maka para parang ikaw lang ang tao dito ah?" reklamo nito na akala mo‘y kontrabida sa pelikula. "Ayyy!" medyo malakas kong sabi. Muli siyang nagulat. "Bakit?" tanong niya. "‘Yong palda ko po, naupuan niyo hindi ako makababa!" irita kong sabi. Kaloka! "Hmm!" iritiang sambit nito at tumayo siya. Bahagya akong natawa nang mauntog siya dahil sa pagkakatayo niya. Buti nga sa kaniya! Binitbit ko naman ‘yong mga dala ko at bumaba na ako ng Jeep. Nakita ko naman ‘yong mga nakasakay ng Jeep na napatakip ng ilong. Hindi ko alam kung bakit? Basta ang alam ko maiksi ang suot kong palda at bagay na bagay sa ‘kin. Hanggang makababa na nga ako ng Jeep. "Orescano Subdivision!" basa ko sa nakasulat sa malaking pader. Ito na nga yon, dito nga nakatira si Mrs, Orieta Orescano. Taray nila no? Sila ang may-ari ng subdivision! Gano'n sila kayaman! Naglakad na ako papasok ng subdivision. Agad akong hinarang ng Guard. Tiningnan ko naman siya Mula ulo mukhang Paa! Charrot! Nakuha ko lang ‘yong line na yan kay Avah, Taray ‘di ba? Oh yes idol ko si Avah sa kasupladahan. Char lang mabait naman ako, but don't you dare to mess with me! "Bawal ang mga tindera dito, Ms!" nakangising saad ng guard. "Kung gusto mo ako nalang pabilhan mo niyang mga paninda mo, ano ba 'yan mga paninda mo ah? Pagkain ba ‘yan? Pabilhan mo nalang ako kanina pako nagugutom eh." "Excuse me!" ang sabi ko. I rolled my beautiful eyes ``I'm the one and only daughter of Mr&Mrs Orescano.'' biro ko sabay crossed-arms. Tinignan naman niya ako mula ulo mukhang dyosa. Tumawa naman siya nang tumawa "Are you kidding me?" sambit nito habang nakataas ang kilay, taray englishero. "Maghanap ka ng maloloko mo! Walang anak na babae sina Mr&Mrs Orescano at sa itsura mong ‘yan, hmmm malayong anak ka nila, parang sampung araw ka ng ‘di naliligo eh!" "Hoy Manong! Walong araw lang ah! Grabe ka naman!" Inis kong sabi. "Oh sige aamin na ako! Little Mer MAID nila ako, ano happy?" "Ayown! Kung kanina mo pa sana yan sinabi ‘di sana pinapasok na kita, kanina pa! May pa One and only daughter kapang nalalaman!" reklamo nito habang napapangiwi pa. "Wala kang pake!" irita kong sabi at binitbit ko ulit 'yong mga dala kong gamit. Napaka judger, samantalang nakakapagtaka nga kung bakit siya naging guard e, parang isang pitik lang kasi siya.  Naglakad na ako papasok ng subdivision. Tinignan ko naman ‘yong text ni Mrs, Orieta kanina upang maalala ang kaniyang bilin.  Mrs, Orieta: Hanapin mo ‘yong bahay namin, sa Teresa Teresa St. O mas kilala bilang TT Street. Taray ng pangalan ng street nila no? Ang bastos! TT street. Sino naman kaya ang pagtatanungan ko rito? Grabe huh! Ang tahimik sa lugar na ito walang chismakers, walang mga batang naglalaro ng Pakpak Ganern Ganern! Nage-enjoy paba ang mga tao rito sa kanilang buhay? Sabagay mapepera sila panigurado puro travel ang ginagawa nila para makapag-enjoy sila sa kanilang mga buhay. Kapag ako yumaman gusto ko pumunta ng Baguio, gusto ko kasing pumunta ng Lapresa! Hahanapin ko si Sander / Xander? Whatever basta si Mylabs! Querien. "Miss? Bago ka rito?" Boses palang alam kong isa siyang #Butterfly agad ko siyang nilingon pagharap ko naka ponytail siya at ang make-up pak na pak! Naka-pekpek short pa at ‘yong suot niyang t-shirt fit na fit sa kanya may susobels pa siya na halata namang peke. Hindi ako nagkamali isa nga siyang paro-paro! "Hi Mother!" masayang sabi ko. "FC? Wag mo akong tawaging Mother hindi kita anak!" mataray na saad niya na kinataas ng napakaganda kong kilay.  Napahinto naman ako at tumingin ako ng masama sa kanya. Taray ah mala Avah Chen lang ang peg ni Bakla! "Charrot! Ginagaya ko lang si Avah," paliwanag nito at tumawa siya nang tumawa. "Hmm! Wag kang tumawa-tawa riyan hindi kita close!" bawi ko habang naka crossed-arms at nakataas ang kilay. Huminto naman siya sa pagtawa at tinignan ako nang mabuti. "Char!" sabay naming sabi at tsaka kami nagtawanan. Feeling ko ay magiging close ko itong si Bakla. Napaka kalog niya kasi eh, bagay siya bilang kaibigan ko. Qualified siya, bukod sa mayaman siya kuha rin niya ang pagiging mataray ko, char! "I'm Avahdane!" nakangiting sambit niya at inabot nito ang kaniyang kamay. "Ano? Abadeng?" pagbibiro ko sabay ngisi ng bahagya. "Gaga! Avahdane!" Inis niyang sabi. "Oh ikaw ano‘ng name mo? Bago ka rito?" "Ahh! I'm Lindsay Erolina Masuksok" napangiti naman siya. "Hmm!" "Ang haba naman ng name mo Girl!" "Inday for short, Happy?" sambit ko at napangisi. Tumawa naman siya. "Ang ganda ng name mo tapos Inday for short?" malakas niyang sabi habang patuloy lang siya sa pagtawa. "Avanzano Danilo Bonifacio Jr!" sigaw ng isang babae na nakatayo sa tapat ng isang gate ng malaking bahay.. "Ahahaha Avahdane pala ah!" malakas kong sabi tsaka tumawa ako nang tumawa. "Bakla ‘yong sinaing mo, naku masusunog nanaman ‘yon!" malakas na sabi no’ng babae. "Oh sige baks, aalis na ako ah nagagalit na kasi ang tiyahin kong dragon!" inis na sambit ni Avahdane. "May sinasabi ka ba Avanzano Dani--" "Wala, ito na papunta na!" iritang sagot ni Avahdane. Natawa na lang ako sa kaniya. "Bakla saglit ituro mo muna ako kung saan dito ‘yong TT Street!" kunot-noong tanong ko. "Ay pak! Ikaw ba ‘yung bagong katulong ng Orescano Family?" tanong nito.  "Yes!" mabilis kong sagot. "Naku Girl! Ang swerte-swerte mo naman! Sana ako rin!" nakangiting sagot nito habang kinikilig-kilig pa. "Bakit naman?" tanong ko. "Basta Girl malalaman mo rin kung bakit!" sambit nito at napanguso. "Nga pala lumiko ka rito ‘tapos may mababasa ka na Teresa Teresa Street at ‘yong malaking kulay maroon na bahay 'yon! 'Yon ang bahay ng mga Orescano!" malakas na sambit nito. "Avanzano Dani--" "Oo na, ayan na!" nakangising sabi niya. "Oh sige na girl ah, ingat ka! Hm, ang swerte mo girl!"  "Salamat baks, seeyou again!" nakangiting sambit ko at naglakad na ako palayo sa kaniya. Grabe ang baklang ‘yon ang Hyper! Mukhang yayamanin din ‘yong baklang ‘yon. Naka-iphone eh. Yes, nakita ko ‘yung hawak niyang iphone! Napansin ko rin si Pen pineapple niya nakabukol. Hindi yata naipit ng maayos. Ang gwapo ng baklang ‘yon kung naging lalaki lang ‘yon. panigurado maraming iiyak na babae roon sa gwapo niyang iyon. Pero malabo na ‘yon mangyari dahil sa postura niya, parang siya na ang umiiyak sa mga lalaki eh. Naglakad naman ako papunta sa sinabing lugar ni Bakla. Kung nasaan ang TT Street.   Habang naglalakad ay napasigaw ako sa sakit nang biglang... "Aray!" Para namang akong nakakita ng twinkle-twinkle little star dahil sa tumamang bola sa ‘kin. Kinuha ko naman ‘yung bolang tumama sa ulo ko. "Ano ba yan? Hindi nag-iingat sa paglalaro ng basketball! Hindi ka naman pala marunong mag-shoot bakit kapa nagba-basketball ah!" irita kong sabi sa lalaking nakatalikod sa ‘kin. Dahan-dahan naman siyang humarap sa ‘kin, slow motion pa. "Ano?!" dinig kong sambit niya. May gigil sa pagkakasabi niya. Bigla naman siyang lumingon sa akin at dali-dali akong napatitid sa kaniya... "Aruy jusqo! A B C D E F G!" mahinang sabi ko habang titig na titig ako sa katawan niyang pawisan. May anim na pandesal siya sa tiyan niya! As in sobrang hot. Napahawak ako sa bibig ko at nilagay ko sa mukha ko ang hawak kong bola habang titig na titig sa kaniya. Sino ba naman di masho-shock sa kaniya? Nakasuot lang siya ng basketball short na kulay violet, My favorite color , itim na sapatos at kulay itim na mahabang medyas. "Hoy! Tinatanong ko kung ano‘ng sinasabi mo?" inis na sambit niya. ‘Di ko siya sinagot. "Hindi mo ba alam na Varsity Player ako?! ‘Tapos sasabihin mong hindi ako marunong at ‘wag na akong mag basketball?" malakas niyang sabi. "Kilala mo ba ako huh?! Matuto kang lumugar na panget ka ah!" mayabang niyang sabi. Nagising naman ang ulirat ko dahil sa sinabi ng mokong na ‘to! "Hoy mayabang na lalaki hindi porket gwap-- wala nevermind!" inis kong sabi. "Ikaw na nga ang nakatama sa ‘kin ng bola ikaw pa ‘tong mayabang ah! Akala mo kung sino ka!" "Sino ako? Gusto mo bang ipakilala ko ang sarili ko sa ‘yo?! Huh! Sandali lang!" sagot nito at naglakad siya palapit sa ‘kin. Habang palapit siya sa ‘kin hinagis ko sa kanya ‘yong bola, sakto naman na tumama ang bola sa Junjun on that beat niya. "s**t!" napamura siya at napasigaw, na halatang nasaktan dahil sa pagkakahagis ko.  Agad naman akong nagmadaling tumakbo. Dahil sa takot. Nabasag ko yata ang eggplant niya. Halatang nasaktan talaga siya sa paghagis ko. Well, hindi ko naman sinasadya eh, dapat ipapasa ko lang sa kaniya kasalanan talaga ‘yon ng bola. "Hoy panget bumalik ka rito, hindi pa tayo ‘tapos!" sigaw niya na halata sa boses niya na nasasaktan pa rin siya. "Ayaw ko na! tigilan mo na ako! Ayaw ko na sa ‘yo!" malakas kong sabi habang patuloy lang ako sa pagtakbo. Hingal na hingal naman ako. Para akong isang runner sa olymsics o olymkicks? Basta para akong runner sa sobrang bilis kong tumakbo kaya hiningal ako ng sobra. "Teresa Terasa Street," basa ko sa nakasulat sa isang poste habang nakahawak sa magkabila kong tuhod at habol-habol ang hininga. Ito na nga iyon, malapit na ako sa bahay nila Mrs, Orieta Orescano.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook