Dear Babe Diary,
Alam mo ba ang nangyari kanina no’ng First day ko bilang katulong, ganito, Babe! Iku-kwento ko sa ‘yo.
Pinindot ko ‘yong doorbell sa bahay nila Mrs, Orieta agad naman binuksan ni Manong Guard. Buti na lang, Babe mabait ‘yong Guard. Feeling ko magiging close kami no‘n.
"Ms. tuloy ka kanina kapa hinihintay ni Mrs. Orieta," nakangiting sabi ni Manong Guard nang mapansin niya ako sa tapat ng bahay.
‘Tapos, Babe pagdating ko sa loob parang nasa palasyo ako, hindi pa pala sa loob ng bahay ‘yon, Babe sa labas palang, labas palang kasi puwede ng tirahan. May swimming pool, may garden.
And guess what?! ‘Yong kinaiinisan kong lalaki naroon sa pool, Babe!
"Grabehan! What is the meaning of this?!" kunot-noong tanong ko sa sarili ko, babe. Ang bilis naman niya kasing nakauwi. Grabe? May shortcut ba siya mula roon sa basketball court?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hirap na hirap sa bitbit kong mga gamit.
Nang umahon siya galing sa swimming pool ay muli akong napatitig sa katawan niya Babe! Grabe naman kasi pak na pak ‘yong abs niya Babe! ‘Tapos naka boxer short lang siya kaya bakat na bakat ang Junjun on the beat niya.
Nang mapansin niya ako, agad siyang ngumiti, Babe! Grabe talagang kinilabutan ako, babe akala ko katapusan na ng edsa ko!
Nabitawan ko ‘yong dala kong gamit, babe! Take note, slow motion pa! Sabay napayakap ako sa aking sarili. Pakiramdam ko‘y sa gitna ng madilim na paligid ay mawawala ang pinaka-iingatan kong p********e.
"Wag! Alam ko naman may kasalanan ako sa ‘yo! Pero wag mo naman akong gawan ng masama! I'm sorry!" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya, habang nakatitig ako sa basa nitong katawan na patuloy na naglalakad palapit sa akin.
"Huh?"
"Anong Huh? Alam ko nabasag ko yata ang eggplant mo kaninang hinagis ko ‘yung bola sa ‘yo! Pero hindi ko naman sinasadya eh! Kaya patawarin mo na ako!" ang sabi ko at lumuhod pa ako.
"Tumayo ka nga riyan, aha!" natatawang saad nito.
"Ano?" nagtatakang tanong ko.
"I said, stand up!" sumersyo siya at naging suplado nanaman ang boses.
"Sorry na, please! Please!" pagmamakaawa ko at hinawakan ko ‘yong kamay niya. "Please, please!"
"Hmm!" sambit nito habang nakataas ang kilay.
"I will do anything, everything, thing, thing! Para lang mapatawad mo ko!" pakiusap ko, hindi ko naman alam na rito pala siya nakatira sa pagtatrabauhan ko what a smallnes world.
"Anything?"
"Yes anything!" kumpyansa kong sagot.
"Tumayo ka muna riyan," nakangiting sabi niya. Tumayo naman ako. "Sing!" .
"Sing?" kunot-noong tanong ko.
"Yes, sing!” mabilis niyang tugon.
Hindi ko alam kung ano’ng kakantahin ko, babe kaya nagkanta nalang ako ng tatlong bibe, Babe.
"May tatlong bibe akong nakita--
"Wait! Wait!" Pagpigil niya sa ‘kin "Lagyan natin ng twist! Sing and dance!" utos niya.
Napataas ako ng kilay at napangiwi. Pinaglalaruan na ako ng lalaking ito Babe! Pero sige pa rin ako, baka kasi mawalan ako ng trabaho dahil sa kaniya. Kaya sinunod ko nalang ang gusto niya.
"May tatlong bibe akong nakita! Mataba, mapayat mga Bibe!" Patuloy lang siya sa pagtawa habang pinapanuod ako. "Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa"
"Stop it!"
Napalingon ako sa nagsalita.
"Woah!" sigaw ko. Pinalit-palit ko pa ang tingin ko sa kanilang dalawa pero sadyang dalawa talaga ang nakikita kong mokong!
Akala ko Babe, minumulto na ako.
"Stop! Stop!" inis na sabi ng isang mokong. Pinapatigil niya ako sa pagsigaw.
"Ikaw?!" malakas na sabi no’ng isang mokong na nakasuot ng basketball short, may jersey na nakasukbit sa braso niya at may hawak na bola.
"Ikaw?!” naguguluhang sabi ko. "Sino to?" tanong ko at tinuro ko ‘yong mokong na nagpa-sing and dance sa ‘kin. Tawang-tawa naman ito.
"He's my twin!" malakas na sabi no’ng mokong.
"I'm Edmon," pagpapakilala ng lalaking nagpasayaw sa ‘kin.
Edmon pala ang name niya Babe. Inis na inis talaga ako, kasi naman pina-sing and dance ako, hindi naman pala siya ‘yong nagawan ko ng kasalanan! Grabehan!
"And I'm Eduardo, Eduard for short!" sambit no’ng isang mokong na basketball player. Nakataas pa ang isang kilay niya sa ‘kin. #EyebrowsOnFleek "Ako lang naman ang binato mo ng Bola!" reklamo niya.
"Hoy, for your information!" tiningnan ko ang abs niya at lumunok muna ako bago ulit ako nagsalita. "Ikaw ang unang nakatama sa ‘kin ng bola!" malakas at irita kong sambit.
"Oh ‘yon naman pala eh, ikaw naman pala ang unang nakatama ng bola sa kaniya Eduard!" singit naman ni Edmon.
Taray ang bait naman ni Edmon no, babe? Nabighani siguro siya sa kagandahan ko! Pero nakakainis pa rin siya! Kasi naman pinag-sing and dance ako.
"Shut up!" malakas na sabi ni Eduard habang nakatingin kay Edmon.
Nagkatinginan naman silang dalawa at muling nagsalita ang isa.
"Eduard! Accept your fault! Lagi ka nalang bang ganiyan?! Hindi mo matanggap na mali ka?! Ah!" makatwirang saad ni Edmon.
"Wow! bakit kaba nakikialam ah? May gusto ka ba sa pangit na 'to?" supladong sabi ni Eduard at tumingin siya sa ’kin. "Don't tell me ganito na ang taste mo sa babae! Ang hina mo naman Bro!" nakangising sambit nito.
Halos pumanhik lahat ng dugo ko sa mukha ko, babe! Parang sasabog ako sa galit dahil sa yabang niya.
"Eduard, sumusobra kana ah!" malakas na sabi ni Edmon at tinulak niya si Eduard.
Agad naman bumawi si Eduard tinulak niya rin si Edmon. "Oh ano!" maangas na sabi ni Eduard.
"Ssheda!"
Lahat kami ay natigilan sa mga ginagawa at napatingin sa bagong dating.
Taray no’ng umeksen, babe! Parang taong encantadia! Lakas maka-Pirena.
Napalingon kaming lahat sa nagsalita Babe. Namukhaan ko naman siya. Nakasuot siya ng kulay Violet na dress at may hawak na pamaypay at may malaking kulay itim na ribbon pa siya sa kaniyang ulo, pak na pak ang make-up at feel na feel niya ang labi niyang may lipstick na kulay itim.
"Mrs, Orieta Orescano!" sigaw ko.
"Avisala Inday!" Ang sabi ni Mrs, Orieta. "Anong kaguluhan 'to? Mga pashnea!" Malakas na sabi ni Mrs. Orieta.
"Ma! Stop acting na parang isa kang encantada!" inis na sabi ni Edmon.
"Kokorni niyo!" iritang sambit ni Eduard at nag walk-out siya.
"Bumalik ka rito Eduard!" sigaw ni Mrs. Orieta. Pero hindi siya pinansin ni Eduard "Pashnea!" sigaw niya.
"Krung krung inamers!" sigaw ni Eduard at nagpatuloy lang siya sa paglakad palayo sa amin.
Taray nila no Babe? Ang saya nila. Mayaman lang pala sila pero pamilya sila ng mga baliw. Joke lang hehez.
"Pagpasensyahan muna ang anak ko Inday, gan‘yan talaga ‘yan may pinagmanahan!" paumanhin ni Mrs. Orieta. "Oh Edmon tulungan mo si Inday magbuhat ng mga gamit niya at pumasok na kayo sa loob," utos nito.
Agad naman akong tinulungan ni Edmon, Babe! Pagpasok namin sa loob. Parang nasa palasyo ako myghad!
"Ang laki naman ng bahay niyo, ang ganda-ganda!" masayang sabi ko.
"Talaga ba?" nakangiting tanong ni Edmon.
"Of course!" masayang tugon ko.
"Ako nag-design nito!" mabilis nitong sabi habang nakangiti.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes!" nakangiti niyang sagot.
"Hmm!"
Napalingon naman ako sa nag Hmm! Babe isang katulong na mukhang clown ang nakita ko. Akala ko ay may killer clown na rito sa loob ng bahay nila.
"Woaaaaah!" sigaw ko. "Ano ba naman yan ba‘t ka naman nanggugulat Hetti!" iritang sambit ko.
Paano ba naman kamukha niya si Hetti, ‘yong blush on niya pak na pak ‘tapos ‘yong buhok niya naka tali na parang kay Hetti Spaghetti
"Hindi ako si Hetti! Ako si Fetty!" inis na sambit nito.
"Sino ang nagsalita?" Tanong ko. Parang boses dwende kasi, ang liit ng boses niya.
"Bastos ka! Ako 'yon!" sigaw niya.
"Ay ikaw ba 'yon, akala ko may duwende na rito eh!" kuno‘t-noong paliwanag ko.
‘Di ko napansin na wala na pala sa tabi namin si Edmon.
"Oh ano bang kailangan mo sa ‘kin?" tanong ko. "Tsaka ano nga ulit ang pangalan mo?"
"I'm Fetty!" Nakangiting sabi niya. Boses duwende talaga siya.
Taray ng name niya Fetty, ang lakas maka #Fettywapchallenge
"Baby what you give, is what you get, talk to me, forget the rest nobody's better" kanta ko.
Bigay todo naman siya sa pagsayaw. Taray talanted talaga si Hetti este Fetty.
"Ssheda!" sigaw niya. Taray ume-ecancatada zone rin siya. "Sumunod ka sa akin!" utos niya.
Sumunod naman ako sa kaniya habang hirap na hirap ako sa bitbit kong gamit, babe.
Dinala niya ako sa isang kuwarto at binigyan niya ako ng mga damit. Suotin ko raw mamaya. Pero sabi niya matulog daw muna ako. Taray niya no Babe? Understanding naman pala si Hetti, alam niyang pagod ako sa biyahe at sa pagbubuhat ko ng mga gamit ko.
‘Yon palang naman ang nangyayari Babe! Mamaya susulatan ulit kita ah. Matutulog lang ako saglit. 1:30 PM na Babe. Magpapahinga lang ako saglit ah, babalitaan kita agad mamaya.
Your one and only Inday Mylabs #Dyosa since 1998
-
"Ayan may sulat kana ulit!" ang sabi ko kay Babe at binitiwan ko siya sa isang lamesa malapit sa kama ko.
Yes! May sarili akong k‘warto napakaganda nga ng kwarto na ito kumpara sa bahay namin.
Nga pala kamusta na kaya ang Mamabels ko? Hmm. Ano kayang ginagawa no‘n! Siguro enjoy na enjoy ‘yon sa Jowabels niya! Buti nalang talaga at nakilala ko si Mrs. Orieta kung hindi no choice ako, sasama ako sa Mamabels ko.
Naalala ko pa no’ng nakilala ko si Mrs, Orieta.
*Flashback*
Isang araw habang naglalakbay ako sa isang masukal na lugar may nakita akong isang Ale.
Charrot! Masyadong malalim hehe.
Ganito kasi talaga ang nangyari. Isang araw pinuntahan ko si Papabels ko sa sementeryo. Syempre todo iyak ako. Namimiss ko na kasi si Papabels.
‘Tapos napansin ko ‘yong babaeng naka-upo sa tabi ko. Nakatitig siya sa ‘kin. Alam ko naman nagandahan siya sa ‘kin pero gusto ko parin malaman kung bakit siya nakatitig sa ‘kin. Alam kong bukod sa nagandahan siya sa ‘kin ay may iba pang dahilan.
"Ms?" ang sabi ko. Ako na agad ang unang gumawa ng move. Gano’n naman lagi eh, ako lagi ang nauuna, ako lagi ang nag e-effort pero nasasayang lang. Charrot! "May problema po ba?" tanong ko. Sabay singa ko sa sipon ko sa hawak kong tissue.
Napansin kong napangiwi siya sa ginawa ko.
"Tatay mo?" tanong niya.
"Hindi po boyfriend ko!" pagbibiro ko. "Jk" Ang sabi ko at ngumiti ako "Opo tatay ko"
"Palabiro ka pala" ang sabi niya. "Close na close mo no?" nakangiting sabi niya "Hmm nakita ko kasi sa iyak mo"
"Opo sobra, siya nalang po kasi ang meron ako, ang Nanay ko po kasi laging wala 'yon" ang sabi ko "Hindi ko nga po alam kung paano na ako ngayong wala na siya" naiiyak kong sabi.
"Gusto mo ba ng trabaho?" tanong niya
"Manager ka po ba? Magiging artista na ba ako?" masayang tanong ko.
"Hindi" ang sabi niya.
"Hmm! Baka photographer? Gagawin niyo ba akong model?" tanong ko. "Oh baka naman gagawin niyo akong manager sa kumpanya! 'Yon? 'Yon po ba 'yon?" tanong ko.
"Hindi aha!" ang sabi niya "Umalis na kasi ‘yong isa naming katulong, kung gusto mo ikaw ang pumalit"
"Ayoko po!" sagot ko.
"Okay! sayang naman ‘yong 12k na sweldo a month, free wifi, may pa iphone, may sariling kwarto naka aircon at may masasarap na pagkain!" ang sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko sa mga sinabi niya.
"KAILAN PO AKO MAG START?!" malakas kong sabi.
*End of Flahback*
Doon ko nga nakilala si Mrs, Orieta. Sa sementeryo. Akala ko nga aswang siya nun kasi naman nakasuot pa siya ng itim na balabal. Hindi naman matanda si Mrs. Orieta Orescano. Sobrang ganda niya at parang bata pa ang itsura kaya lang parang may ibang trip yata siya sa buhay.
No’ng nakita ko kasi siya sa sementeryo para siyang isang mangkukulam. Kanina naman para siyang taong encantadia.
Sana kasing bait ni Edmon si Eduard no? Kanino kaya nagmana si Eduard? Siguro sa tatay niya. Ano kaya ang itsura ng tatay nila? Hmm.
Gumilid ako ng higa at sinimulan ko ng matulog. Gigising pa kasi ako. Baka nakakalimutan ko katulong ako dito. Kailangan ko pang maglinis at magluto mamayang paggising ko.