Chapter 3

2575 Words
Dear Babe Diary, Alam mo ba kanina paggising ko. Agad akong naligo at lumabas ng kwarto suot-suot ang uniform na pangkatulong feeeling ko ay isa akong prinsesa na nasa isang palasyo. Kasi naman, babe! Ang ganda-ganda no‘ng mga damit pangkatulong, ibang-iba roon sa mga normal na uniform pang little Mer Maid. Tapos ‘yon nagluto ako Babe. Sabi nga pala ni Hetti paborito raw ng kambal ang adobong baboy. Kaya ayon ‘yung niluto ko. Sarap na sarap naman 'yung dalawang kambal sa niluto ko. Wala pang gaanong nangyari ngayong araw na ito Babe. Mamaya susulatan ulit kita ah, kasi aalis pa kami ni Mrs, Orieta. Your one and only Inday Yourlabs #Dyosa Since 1998   - Wala naman akong gaanong sinulat kay Diary. Kasi naman wala pang gaanong nangyari ngayong araw. May pasok pa kasi sa school ‘yung kambal tapos malinis naman kanina kaya wala naman akong dapat linisin dito sa bahay.  Sabi pala ni Mrs, Orieta maggo-grocery raw ako kasama siya. Nga pala binigay na niya yung pa iphone. Akala ko talaga nagbibiro lang si Mrs, Orieta pero may pa iphone talaga siya. Taray ‘di ba? Hindi ko naman alam gamitin, pero kahit papano nagagamit ko naman siya pang f*******:. Nag take ako ng picture nang naka pouty lips ako at nakaharap ako sa salamin. Kitang-kita ‘yung little mer MAID uniform ko. Pagkatapos ay in upload ko na sa f*******: ko. CAPTION: Mas mabuti ng mag WORK kesa mag WALK #FirstDayOfWork At agad ko iyon pinost sa f*******: ko. Ilang minuto lang ang lumipas may mga amerikano, arabo at kung ano-ano pang lahi ang mga nag comment sa picture ko. ARABO 1: GORGEOUS ARABO 2: BEAUTIFUL ARABO 3: I LIKE YOUR t**s! Tinigil ko yung pagbabasa ng comments! Ang bastos naman no‘ng arabo na ‘yon! "Inday!!!" Sino ‘yun? Ang boses parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Naalala ko naman si Hetti este Fetty. Baka siya ‘yung tumatawag. "Yes?" ang sabi ko at naglakad ako palapit ng pinto at binuksan ko ito. "Woah!" sigaw ko halos himatayin ako sa gulat. Paano ba naman kasi may cream sa mukha si Hetti. Sino bang ‘di magugulat, nagmukha siyang white lady! "Anong sinisigaw-sigaw mo riyan?" nakangiwi niyang sabi. "Bumaba kana ro'n aalis na raw kayo ni madam!" "Okay! Bababa nalang ako Hett—" pinutol ko ‘yung tawag ko sa kaniya para asarin siya.. Sumimangot naman siya "Joke lang Fetty! Baby what you give is what you get, talk to me, nobody's better!" kanta ko.  Sumasayaw naman siya habang paalis sa harapan ng pintuan ng kuwarto ko. Taray! Ano kayang susuotin ko? Kailangan ko bang suotin ‘yung pinaka maganda kong damit? ‘Yung damit na pinamasko ko? Sa tuwing pasko lang kasi ako nagkakaroon ng bagong damit eh. O baka ‘di ko na kailangan magbihis? Ganito na susuotin ko? Little Mer-MAID Uniform? Lumabas ako ng kuwarto ko at dumungaw ako sa hagdan kung saan makikita mo yung baba. Napansin ko naman na nakaupo sa sofa si Mrs, Orieta. "Mrs Orieta!" sigaw ko mula sa itaas.  Nakita ko naman na halos maatake si Mrs, Orieta sa lakas ng sigaw ko. ‘Di ko naman alam na may sakit pala siya sa puso. Todo naman ang pag asikaso sakanya ni Hetti, buti nalang at lagi siyang nasa ibaba ng bahay at palakad lakad habang hawak ang iphone niya, nakita ko kasi  siya kanina nag PO-POKEMON GO. Buti nalang at nabigyan niya agad ng tubig si Mrs, Orieta kung hindi "Errk!" Patay si Mrs. Orieta! "My gosh Inday! Papatayin mo ba ako sa gulat?" inis na sambit ni ni Mrs. Orieta habang habol-habol ang hininga niya. Nag peace sign naman ako at ngumiti. "Oh ano pa‘ng ginagawa mo riyan! Tara na!" sigaw nito. "Mrs. Orieta! Ganito na lang po ba ako o magpapalit pa ‘ko ng damit?" malakas kong sabi. "Hays, kung gusto mo mag-gown ka!" Agad naman akong pumunta sa loob ng kwarto ko at hinanap ko ‘yung pinaka maganda kong damit na kulay pulang dress at kaagad itong isinuot. Nag lipstick din ako na kulay red at kaunting foundation. ‘Di naman kasi ako marunong mag ayos. Basta tao ako okay na yun. Natural beauty ika nga. Kinuha ko rin ‘yung four inches high heels ko at sinuot ko ‘yun. Bumaba na ako. Napansin ko naman na nashock si Mrs. Orieta at Hetti sa itsura ko. Feeling ko ngayon, isa akong prinsesa na pababa ng hagdan. "Ladies and Gentlemen please welcome the daughter of Mr&Mrs Orescano Lindsay Erolina Orescano!" Sabay palakpakan ng mga tao. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa imagination ko! "Busit!" "My gosh! Inday, ba‘t ganyan ang itsura mo?" ‘takang tanong ni Mrs, Orieta. "Eh sabi mo po kasi mag Gown ako!" pangangatwiran ko. Nakita ko naman si Hetti na tawa nang tawa. "Hmmm!" Ang sabi ko at pinandilatan ko siya ng mata. Natahimik naman siya. "Jusko po Inday! Mamatay yata talaga ako sa ‘yo!" iritang sabi ni Mrs. Orieta habang napapahawak sa kaniyang noo.  "Naku bago po kayo mamatay riyan! Halina na po kayo!" nakangiti kong sabi at hinila ko siya palabas para maka alis na kami. "Pashnea!" sigaw ni Mrs. Orieta. "Kruk kruk!" sagot ko. *** Grabe nasa Mall kami ni Mrs, Orieta. Grabe ‘yung mga pinamili niya ang mamahal. Isang display lang ‘yun nag hahalaga na ng fiftheen thousand pesos! Grabe mas malaki pa ‘yung plato sa pang display na binili niya. Akala ko mag go-grocery lang kami pero nag shopping din pala siya. Kpop style si Mrs. Orieta ngayon kaya bawat makausap niya ay sinasabihan niya ng  'Ano‘ng sa ‘yo!' ‘Di ba dapat sila yung magtatanong no‘n kay Mrs. Orieta? Kasi itatanong nila kung ano‘ng bibilhin ni Mrs. Orieta. 'Ano‘ng sayo?' Pumila na sa counter si Mrs. Orieta. Ako naman naglibot-libot muna ako. Habang malayo pa siya sa cashier.  Nilibot ko naman ‘yung bilihan ng mga stuffed toys. Nakita ko naman si Spongebob! Nacu-cute-tan talaga ako kay Spongebob! Kaya paborito ko siyang cartoon character. Inamoy amoy ko pa siya at niyakap-akap. "Baby, ito ‘yung gusto ko!" pabebeng sabi no‘ng babae. Habang naka akbay sa boyfriend niya. Hawak-hawak niya ‘yung Hello Kitty na stuffed toy. Nakatalikod ‘yung boyfriend no‘ng babae. Paatras naman siya ng paatras kaya di niya napapansin na matatamaan niya ako "Oh! Oh! Woaaah!" Medyo malakas kong sabi. Natumba ako dahil na out of balance ako, dahil narin sa suot kong four inches na heels. "Ano ba ‘yan! ‘Di kasi tumitingin sa dinadaanan eh! Parang tanga!" nakasibangot kong sabi at tumayo ako "Edmon!" Malakas kong sabi. "Eduard!" teka? "Edmon!" Hindi. "Eduard!" sino ba kasi ‘to? Si Eduard o Edmon? ‘Di ko alam kung sino siya sa dalawa kasi naman magkamukha talaga sila.  "Oh, Inday!" malakas na sabi ni Eduard or Edmon. "Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong niya. "Teka nga? Hmm!" napataas ako ng kilay. "‘Di ba dapat ako ang nagtatanong sa ‘yo niyan?" nag-cross arms ako. "Ano‘ng ginagawa mo rito? ‘Di ba dapat nasa school ka?" "Hmm… ehe wag kang maingay kay mama ah!" pakiusap nito habang nagkakamot ng ulo.  "Pareng Ed…" Napatingin ako sa paparating na lalaki, sa tingin ko ay kaklase niya ito. Moreno ito at matangkad. Pansin kong pinandilatan siya ng mata ni mokong na kambal.  "Edmon!" malakas na sabi no‘ng lalaking kasama niya. "Oh, pareng Arvy!" nakangiting sambit ni Edmon daw. Pero feeling ko talaga hindi siya si Edmon. Kasi halatang mayabang eh. Si Edmon kasi mabait. "Kasama ko ang Mama mo! Gusto mo bang isumbong kita sak kaniya Eduard?!" malakas kong sabi. "No! No! Please! Oo na ako ‘to si Eduard" pakikiusap niya, feeling ko tuloy napakaganda ko. "Please huwag mo akong isusumbong!" "Baby sino ba ‘yan? Ang baduy naman niyang manamit!" singit no‘ng babae na mukhang harina. "Wow!" nakataas ang kilay na sabi ko. "Shut up! Maria!" inis na sabi ni Eduard. "Huwag ka magsasalita Maria!" singit naman ni Arvy. "Baduy pala ah! Pwes isusumbong kita sa ama mo na hindi ka pumapasok sa school at nakikipag-date ka lang sa babaeng mukhang clown na ito!" malakas kong sabi. Kinuha ko yung iphone ko at pinicturan ko sila. "Ayan may ebidensya na ako!" "Huwag please! please!" halos lumuha naman siya sa pagmamakaawa. "Gagawin ko lahat huwag mo lang ako isumbong Inday!" Gagawin lahat? Bigla naman akong may naisip dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya at may binulong ako. "Oops! ‘yan ang una mong gagawin! Pero ito ‘yung pangalawa!" mahinang sabi ko. Binulungan ko ulit siya. "Okay?" "Okay, deal!" sagot niya. Iniwan ko na sila at pinuntahan ko na si Mrs. Orieta. Ang tagal sa counter ni Mrs. Orieta hindi na yata ma kwenta ‘yung halaga ng pinamili niya. Grabe naman kasi mamili si Mrs Orieta.  Napansin ko naman ‘yung Maria, girlfriend yata ‘yon ni Eduard. Pumunta na siya sa counter. "Baby! Bayaran mo lahat ‘tong pinamali natin ah, alam mo naman wala pa si Daddy, hindi pa me nakakuha ng Allowance!" maarteng sabi niya. Patuloy lang sa pag-compute ‘yung sa counter. "Baby ba‘t ang tahimik mo riyan, may problema ba?" tanong ni Maria na nakatingin lang  sa counter. "Eighteen thousand eight hundred pesos po mam!" sambit no‘ng kahera.  "Baby, nasaan na ba ‘yung card mo?" pa-sweet na sambi nito.  Natatawa na lang ako sa kaniya, mukha siyang tanga haha! "Ms. sino bang baby kinakausap mo riyan? May kasama ka bang bata?" kunot-noong tanong no‘ng kahera at tumingin pa sa ibaba ni Maria habang tinitingnan kung may kasama ba siya. "Wala naman." "Ano ba Ms?" Nakangiwing sabi ni Maria. "Sino pa ba‘ng tinutukoy kong Baby? Edi siya—” Napahinto naman siya sa pagsasalita nang namalayan niyang wala na si Eduard at Arvy sa likuran niya. Haha! Napangiti naman ako. Bagay nga sa kaniya. Deservedt! Napatingin siya sa ‘kin at sumimangot. Pahiyang pahiya naman si Clown dahil wala siyang pambayad. Pinagtitinginan at pinag-uusapan na rin siya ng mga tao sa paligid niya. Habang pulang-pula na ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Sabi ko naman eh Don't you dare to mess with me! "Hahahaha!" bahagya akong natawa. Buti naman at tapos na si Mrs, Orieta. Binitbit ko naman ang mga pinamili niya hindi naman masyadong mabigat ang mabigat yung presyo.  *** Kanina pa ako rito sa loob ng bahay, palakad-lakad walang magawa. Paano ba naman kasi ang linis-linis naman ng bahay. Nagluto na rin ako. Wala pa rin sina Eduard at Edmon. Si Eduard ‘di ko alam kung bakit hindi pa umuuwi. Siguro nag inuman pa sila no‘ng Arvy no? Bulakbol pala tong si Eduard. Si Edmon naman halatang masipag mag-aral, mabait at masunuring anak. Judgemental ako sa part na ‘to, pero that's what I observedness. Kanino kaya nagmana si Eduard? "Dad ayaw ko! Dito lang ang anak ko!" Dinig kong sabi ni Mrs, Orieta. Nakita ko naman ang kausap niya isang matandang lalaki na sa palagay ko ay nasa Sixty na ang edad. "Orieta! Ikaw na ang may sabi na laging nag-aaway ang kambal!" malakas na sabi no‘ng matandang lalaki. "Mas makakabuti siguro kung sa akin na muna titira si Eduardo!" "Dad ayoko! Alam kong kukunsintihin niyo lang ang apo niyo sa gusto niya! Mas magiging loko-loko ang apo niyo! Kapag nasa inyo siya!" tutol ni Mrs. Orieta.  "Oh, no!" pangungumbinsi ng matanda "Promise tuturuan ko ng magandang asal ang apo ako! Pagbalik niya rito better Eduardo na siya!" dagdag pa  ng matanda. "Naku EROSENYO ALFREDO ORESCANO!" mahabang sabi ni Mrs Orieta habang naka cross-arms. "Ilang beses ko na narinig sa 'yo ‘yan! Alam ko kung nandito lang si Edizon hindi rin ‘yon papayag dad!" Napatingin naman silang dalawa sa akin kay nagkunwari naman akong naglilinis ng figurine. "Sino siya?" tanong ng matanda. "‘Yan ang bagong katulong dito Dad, umalis na kasi si Jeniffer!" paliwag ni ni Mrs. Orieta habang nakatingin sa akin. "Alam muna Dad!" dagdag pa ni Mrs. Orieta, habang nakangiwi at nakataas ang kilay.  "Dahil nanaman ba kay Eduardo kaya umalis si Jennifer?" tanong ni Mr. Alfredo. Tumango naman si Mrs, Orieta. Nakaramdam naman ako ng pangangamba dahil sa tinuran ni Mrs. Orieta. Bakit kaya umaalis ang mga katulong nila? Dahil daw kay Eduardo? Baka pinagsasamantalahan niya? Naku huwag naman sana. Hindi pa handa ang Bataan ko.  "Oh see?" saad ni Mr. Alfredo habang nakatingin nang seryoso kay Mrs. Orieta "Kaya dapat talaga sa akin muna ang apo ko na si Eduardo!" "Dad, no!" malakas na saabi ni Mrs Orieta. Tiningnan ako ni Mrs. Orieta. "Inday igawa mo nga kami ng kape," utos ni Mrs. Orieta. Agad ko naman siyang sinunod. Agad akong nagtimpla, nang matapos ay kaagad ko rin naman binigay sakanila. "Ito na po, Mr Alfredo at Mrs, Orieta!" nakangiti kong sambit. "Masyado ka naman formal," Nakangiting sabi ni Mr. Alfredo. "Tawagin mo nalang akong Lolo Alfredo!" "Nakakahiya naman po!" ang sabi ko at umupo ako sa tabi nila, ‘di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at umupo ako sa tabi nila at humigop pa ‘ko sa kape ni lolo Alfredo raw. "Hahaha nakakatuwa ka naman Inday" nakangiting sabi ni lolo Alfredo. "Sorry po, Mr Alfredo!" paumanhin ko.  "Oh ‘di iba sabi ko, Lolo Alfredo itawag mo sa akin?" kunot noong sabi niya. "Isa pang tawag mo ng Mr. Alfredo sesanti kana!" biro niya "Joke lang!" Kalog rin pala 'tong si lolo Alfredo. "Opo Mr. este lolo Alfredo," nakangiting sabi ko. "Ayan good!" masayang sambit nito.  "At Inday wag mo na rin akong tawaging Mrs. Orieta ah! Ang itawag mo sakin! Madam Baby!" biro niya. "Hahahahaha!" Nagtawanan kami. "Hindi biro lang ang itawag mo sa akin simula ngayon ay Tita Orieta." "Okay po Madam Baby este Tita Orieta!" natatawang sabi ko. Tumawa naman kami. "Alam mo Lolo Alfredo kamukhang kamukha mo ‘yung kambal! Siguro no‘ng kabataan mo madaming umiyak sa ‘yo na babae no?" ang sabi ko habang hinahampas ko pa braso niya. "siguro sayo nagmana si Eduardo ng pagiging bulakbol at babaero no Lolo Alfredo?" walang preno kong sambit. "Ahaha! Ikaw talaga palabiro ka!" malakas na sambit ni Lolo Alfredo habang walang tigil sa pagtawa.  "Talaga babaero at bulakbol si Eduardo?" tanong ni tita Orieta. "Ay opo kanina sa Mall may kasama siyang bab… Shocks! bigla naman akong napahinto sa sinasabi ko. Lagot ako nito nasabi ko. My gosh, help me! Halos tumalon ang puso ko sa kaba at tensyon na nararamdaman ko. "Akala ko pa naman nagbago na itong si Eduardo! Lagot siya sa Papa niya! Paniguradong makakarating ito sakanya! Humanda siya pag-uwi ni Edizon!" malakas na sabi ni Tita Orieta. "Babawasan ko rin ang allowance niya!" dadag pa nito.  Mas natakot ako sa pwedeng magawa sa akin ni Eduardo kapag nalaman niyang ako ang nagsabi kay tita Orieta. Paano na ito?! "Huwag naman gano‘n Orieta! Grabe ka naman sa apo ko, bata pa naman s‘ya kaya okay lang ‘yan!" Ang sabi ni Lolo Alfredo. "Oo nga po!" saad ko.  "Hindi! Humanda siya sa ‘min ng papa niya!" Malakas na sabi tita Orieta. Ano‘ng gagawin ko? Patay ako kay Eduardo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD