ANG DIARY NI INDAY.
Written by Supermcluna
CHAPTER 9.
Dear Babe Diary.
Oh myghad Babe! I miss you so much! It's been a long time without you mylabs! Echos!
Babe! Madami akong ke-kwento sayo namiss kasi talaga kita!
Alam mo ba na nag-aaral na ako Babe? Oh myghad! Taray no? Ang bait-bait kasi ni Tita Orieta eh. Pinag-aral niya ako Babe. Basta raw bantayan ko ang kilos ni Eduard.
Alam mo ba yung nangyari kanina sa school babe? Syempre hindi. Wala ka naman 'dun eh aha.
Ganito kasi, nung pumasok ako nagpakilala muna ako Babe. Tapos napansin ko si Eduard busy sa phone niya habang naka earphones. Grabe talaga yung lalaking iyon! Nasa school naka earphones tsk! Pero mabait pako babe kaya hindi ko na siya isusumbong. Tapos may lalaking nantrip sakin. Pina-upo ba naman ako 'dun sa sirang upuan. Kaya ayon natumba tuloy ako. Hanes daw yung name nung lalaking satanas na yun.
Tapos babe tumayo si Eduard. Nilapitan niya yung si Hanes.
Satanas Vs. Demonyo.
Ganun ang peg nila Babe. Sabi ni Eduard 'dun kay Hanes. "Piliin mo din ang babanggahin mo Hanes!"
Ang taray diba Babe?
Nagpasalamat naman ako kay Eduard dahil sa pagtatanggol niya sakin. Pero sabi niya wag raw ako mag thank you. Dahil ganun daw talaga kapag pogi at gentleman.
Duh! May gentleman bang ganun? Pagkatapos niya akong pagsabihan ng mga hurting words sasabihin niya gentledog siya? Duh!
Tapos Babe sabi niya pa. Magkita raw kami sa labas ng school sa may park. Syempre babe pagkakataon ko na yun para makapag higanti HAHAHAHA!
Bahala siya 'dun Babe. Bahala siyang maghintay. Dahil hindi ko siya sisiputin. Hahaha!
Ngayon 8pm na kaninang 6pm pa kami umuwi ni Edmon. Kasabay namin si AvahDane umuwi gamit ang kotse ni Edmon.
Wala parin sa bahay si Eduard dalawang oras na ang nakakalipas Babe. Siguro naman hindi naman siya maghihintay 'dun diba Babe?
Hindi naman siguro siya ganun katanga para hintayin ako 'dun ng dalawang oras. Baka nga wala pang 30 minutes eh umalis na 'yun at nambabae na.
Lagot siya kay Tita Orieta kapag nalaman niyang nambabae siya. Para tuloy gusto ko siyang puntahan Babe. Para mahuli ko na nambabae siya. This time isusumbong ko na talaga siya aha!
I missyou babe! Love you mwah! :*
Inday Yourlabs #Dyosa since 1998
-
"Hays." napabuntong hininga ako.
Pinatong ko si Babe Diary ko sa mesa dito sa tabi ng kama ko. Kakatapos ko lang siyang sulatan ng nangyari kanina.
Bigla ko naman naalala si Eduard. Hmm siguro nambabae na 'yun kaya wala pa siya dito. Bahala siya. Tutal tapos narin naman ang trabaho ko bilang tagabantay niya kaya wala na akong pake kahit mambabae pa siya.
Kanina kumain kami nila Tita Orieta. Tinanong niya kung ano daw ba nangyari kanina sa school. Sinabi ko na okay naman si Eduard.
Hindi ko na siya sinumbong about 'dun sa pag e-earphones niya sa klase. Masyado naman akong strict kung pati iyon ay 'susumbong ko pa.
Tinanong niya kung bakit wala pa si Eduard. Pero wala naman akong masagot. Pero baka magalit siya kasi trabaho ko na bantayan siya tapos, hindi ko alam kung nasaan siya?
Tapos naalala ko 'din na makikipag kita pala ako dapat kay Eduard kaya wala pa siya. Kaya nung tinanong ni Tita Orieta kung nasaan si Eduard ay sinabi ko nalang na may ginawang activity.
Tiningnan ako 'nun ni Edmon. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto niyang sabihin na 'wag akong magsinungaling sa Mama niya.
Hindi ko naman sinabi kay Edmon na dapat ay magkikita kami ni Eduard. Pero sinabi ko kay AvahDane.
Pinagalitan nga ako ni AvahDane. Sabi niya. 'Lagot ka!' Tas sinapok niya ako. Kaya lang di na siya nakapag salita kasi tiningnan kami ni Edmon. Nasa loob kasi kami ng sasakyan ni Edmon ng kinwento ko yung nangyari. Yung about sa pagkikita namin ni Eduard. Kaya mahina lang ang bosis ko kanina habang nag ke-kwento kay AvahDane. Baka kasi marinig kami ni Edmon.
Hays. Andami namin ginawa kanina. Buti nalang talaga at nakakaintindi ako about sa pinag-aaralan namin. Dahil nag e-enjoy talaga ako sa mga topic.
Kanina namangha sakin si Eduard kasi nakakasagot ako kahit first day ko palang. Todo bulangan naman mga classmates namin na kesyo 'Pasikat' , 'Mapapel' , 'Epal' ganun, ganyan. Hindi yata nila matanggap na bukod sa maganda ako ay matalino pako pagdating sa course namin.
Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa mesa. Tinignan ko yung mga nagtext. Agad akong napatingin sa isang unknow number. May 67 messages siya.
Unknown Number: Inday si Eduard ito. Nasa Park na ako.
Unknow Number: Nasaan kana?
Unknown Number: Hoy!
Unknown Number: Hintayin kita ah.
Unknown Number: Are you okay?
Unknown Number: Inday!
Unknown Number: Hoy Inday!
Unknown Number: Lindsay!
Unknown Number: Masuksok!
Unknown Number: Lindsay Erolina Masuksok! -_-
Unknow number: Hihintayin kita!
Yung mga sumunod niyang text puro 'Hoy!' , 'Nasaan kana!' , 'Hihintayin kita!' Yung last text niya 10 minutes ago palang. Ibig sabihin nasa park parin siya ng ganitong oras? Baliw ba siya!
Hindi naman ako mapakali simula ng mabasa ko mga messages niya. Nababaliw naba siya? Untill now nandun padin siya sa Park?
Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya! Hindi ko kasi alam kung nandun ba talaga siya sa Park! Oh baka pinagti-tripan lang ako ng demonyitong ito!
Lumabas naman ako ng kwarto para tignan kung may tao pa ba sa labas. Pero nang makalabas na ako ay wala ng ni isang tao. Baka nasa loob na sila ng kani-kanilang kwarto.
Nagpalakad-lakad naman ako sa sala. Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba si Demonyito or hindi!
"Paano kung nandun pa siya?"
"Diba dapat natutuwa ako!" bulong ko sa sarili ko. "Bakit parang concern ako!"
Tama dapat natutuwa ako kasi nakapag higanti na din ako sakanya!
Pero nangingibabaw parin ang kabaitan ko. Paano kung nandoon siya? Yan kasi ang hirap sakin eh. Nagpapatalo ako sa emosyon ko.
Dahan-dahan akong lumabas ng bahay at buti nalang at wala si Manong Guard ngayon. Kaya malaya akong nakalabas ng gate.
Nang makalabas na ako ay agad akong naglakad palabas ng Orescano Subdivision. Wala ng gaanong sasakyan kaya nag tricycle nalang ako papunta sa school. Since malapit lang naman ang school dito sa amin.
"Manong Para!" tawag ko sa tricycle driver. Agad akong sumakay. "Sa Arseño University po!"
Agad naman niyang pinaandar yung tricyle.
"Bahala na!" bulong ko sa sarili ko.
Pinuntahan ko na si Demonyito. Para kasing tanga eh! 'Bat kailangan niyang maghintay dun! Hindi ba niya naisip na hindi ako pupunta! Tsk!
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat ng Arseño University. Binayaran ko si Manong at sabi ko ay hintayin niya ako. Umoo naman siya at hinintay niya ako sa tapat ng school.
Ngayon ko lang napansin ang suot ko naka panjama lang pala ako at naka sando na damit. Bahala na nga!
Agad akong naglakad papunta sa park. Pero tanging mga ingay lang ng insekto ang narinig ko at tanging mga rebulto sa park ang nakita ko na naiilawan ng mga ilaw sa poste.
Sabi ko na nga ba eh! Ang tang-tanga mo talaga Inday! Kahit kailan! Napaka paniwalain mo!
Hindi kana nadadala! Ang tanga-tanga mo talaga! Feeling ko ay namumula na ang mga mata ko. Saglit kong tinungo ang ulo ko para pigilan pumatak ang mga luha ko.
Nanghina ang mga tuhod ko. Feeling ko ay ang tanga-tanga ko. Napaka uto-uto ko talaga kahit kailan. Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.
Naramdam ko naman na may humawak sa balikat ko.
"E-Edua-
Napahinto ako ng hindi si Eduard ang nakita ko. Si Manong Driver pala. Napansin niyang umiiyak ako. Pinunasan ko yung luha ko gamit ang kamay ko.
"Miss? May problema ka ba?" tanong ni Manong.
"Bakit may ganun klase ng tao Manong?" tanong ko. Muling pumatak ang mga luha ko. "Bakit nagagawa nilang manloko ng tao? Bakit na-aatim ng konsensya nila na manloko ng tao? Bakit. . . bakit kaya nila?"
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang si Manong ay nakatitig sakin. Pansin kong nakaramdam siya ng awa sakin.
"Minsan may mga bagay talaga na hindi maipaliwanag sa mundo. Pero ito ang tandaan mo Miss, lahat ng bagay sa mundo may dahilan." tumingin sa malayo si Manong. "Hindi mo man ngayon malalaman ang dahilan, pero darating yung oras na malalaman mo yung dahilan sa mga bagay na hindi mo maintindihan"
Napa-isip ako sa sinabi ni Manong. Pero anong dahilan ni Eduard? Dahilan niya na niloko niya ako? Masaya siyang lokohin at paglaruan ako? 'Yun ba?. . . 'yun ba ang dahilan niya? Ang sakit naman. Ang sakit-sakit.
"Ang tanga ko no? Manong!" ang sabi ko. "Nagpa paniwala akong hihintayin ako 'nung taong may ayaw at may galit sakin!"
Tumawa ako habang umiiyak.
"Hindi ka tanga!" ngumiti si Manong. "Mabait ka lang."
Hindi ko siya sinagot. Napa-isip nalang ako sa sinabi niya. Oo siguro mabait lang ako. Mabait na tanga!
"Pero kailangan mo 'din matuto." ang sabi niya. "Hindi sa lahat ng oras kailangan mabait ka. Minsan sa sobrang bait mo aabusuhin na ng ibang tao. Kailangan mong matutong mag balance, yung 'wag mong ibigay lahat. Magtira ka sa sarili mo"
Tama talaga ang mga sinasabi ni Manong. Iniisip ko tuloy kung tricycle driver ba talaga siya o isang Guidance Councilor aha.
Dahil sa mga advice ni Manong, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Niyaya na din niya akong umuwi.
May dahilan daw ang lahat kung bakit ganito ang nangyari sa gabing ito.
Hinatid na niya ako sa Orescano Subdvision. Dinagdagan ko yung bayad ko kay Manong Driver dahil ramdam kong isa siyang mabait na tao at dahil natutuwa ako sa kagaya niyang tao.
"Oh sige hanggang dito nalang-
"Inday po." pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.
"Inday, salamat ulit"
"Walang ano man ho." ngumiti ako.
Nag-ngitian kami pagkatapos ay pinaandar na niya ang kanyang tricycle. Naglakad naman ako papasok ng bahay.
Hindi ko parin makalimutan ang ginawang panloloko sakin ni Eduard. Sinisisi ko parin ang sarili ko dahil nag pa uto ako. Dahil nagpa-paniwala nanaman ako.
Dahan-dahan akong pumasok sa gate. Napansin kong nakatulog si Manong Guard. Malaya nanaman akong nakapasok sa loob.
Dahan-dahan akong naglakad para pumasok na ng bahay.
"Inday?"
Nagulat ako ng may tumawag sa likuran ko. Kilala ko na ang bosis na iyon. Hindi nga ako nagkamali si Demonyito nga ang nakita ko. Agad akong namula dahil sa galit. Muli akong nainis at nakaramdam ng matinding galit. Hinarap ko siya at agad ko siyang sinampal.
Natulala siya sa ginawa ko sakanya. Maski ako ay 'di ko inaasahan na magagawa ko yun. Pero dahil sa galit ko kaya siguro nagawa ko iyon. Hindi ako nakaramdam ng awa. Ang nararamdaman ko ngayon ay galit.
"Putangina naman Eduard! Alam kong katulong lang ako! Pero sana naman ituring mo ako bilang tao!" naramdaman kong namumula nanaman ang mga mata ko at pakiramdam ko ay tutulo nanaman ang mga luha ko. Tinungo ko ang ulo ko para pigilan umiyak. "'Wala naman sanang gaguhan! 'Wag mo naman sana akong gawing tanga! Ang sakit kasi, e. Ang sakit-sakit."
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Nakatulala lang siya sakin. Wala man lang akong makitang kahit anong emosyon sakanya! Demonyo siya! Manhid siya!
Padabog akong naglakad palayo sakanya.
"Inday sandali!"
Narinig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pagpasok ng bahay. Patuloy lang ako sa pag-iyak, hindi ko na kasi mapigilan kailangan ko ng mailabas.
Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay doon na ako humagulgol ng iyak. Sobrang sakit sa tuwing iisipin kong niloko niya ako. Na pinagmukha niya akong tanga! Feeling ko ay ako na ang pinaka tangang tao sa buong mundo.
Humiga ako sa kama at nagdasal ako. Ganito ang ginagawa ko kapag may problema ako. Umiiyak nalang ako at nagdadasal. Wala naman kasi akong masasabihan ng problema. Sobrang hirap kapag mag-isa ka nalang sa buhay. 'Yung kahit may Nanay ka hindi mo naman masasabi sakanya problema mo. Dahil parang hindi ka naman nag e-exist sa buhay niya.
Umayos ako ng higa at sinimulan ko ng matulog.