Naglakad ako palapit kay Eduard. Tinapik ko 'yong balikat niya pero 'di man niya ako tinignan. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Nilagok niya 'yong hawak niyang isang bote ng alak. "Ba't 'di ka pa natutulog?" tanong ko sakanya. "Hindi ako makatulog" walang ganang sambit nito. Habang malayo parin ang tingin niya. Napatingin ako sa kalangitan. Puno ng mga bitwin at bilog na bilong ang buwan. Huminga ako ng malalim at lumapit ako sakanya. Pinatong ko ang kamay ko sa may bato dito sa terrace. Muli akong napatingin sa langit. "Sabi ni Papa kapag nami-miss ko siya, tumingin daw ako sa langit at isipin ko 'yong mga magandang alaala namin. Isipin ko daw na nasa tabi ko lang daw siya. Alam mo kapag ginagawa ko 'yon gumagaan ang pakiramdam ko" "Hm, ba't mo sinasabi sa 'kin 'yan?" tanong niya.

