ANG DIARY NI INDAY Written by, Supermcluna CHAPTER 20. - Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Kailangan ko na talaga makalabas ng classroom kaya lang isa't kalahating oras pa bago matapos ang klase ko kay Ma'am Volcan. Kailangan ko na talaga gumawa ng paraan. Okay may naisip na ako, buti nalang talaga at matalino ako. Hehez. “Ahhhh!!!” sigaw ko. Nagulat naman si Mauiarte. Ang arte talaga nitong babaitang 'to, pandak naman. Pero mabait at maganda si Maui, 'wag mo lang titignan sa mukha. Napatingin lahat sa akin ng mga classmates ko at pati si Ma'am Volcan. Nagulat silang lahat ng makita nilang, namimilipit ako dahil nagkukunwari akong masakit ang tiyan ko. Para mas convincing ang arte ko ay napapapikit pa ako. “Lindsay?! What happened?!” sigaw ni Ma'am Volcan. Nataranta siya a

