CHAPTER 35 - Umuwi muna sina Tita Orieta at Lolo Alfredo dahil may a-asikasuhin daw silang importante. Ano pa ba‘ng bago? Si Eduard ang naiwan kay Edmon, para bantayan siya. Si AvahDane naman ay kasama ko. Lumabas muna kami ng hospital dahil bibili kami ng pagkain. Napakabait ni AvahDane masaya ako dahil nakakilala ako ng kaibigan na kagaya niya. Handa siyang tumulong kahit sa ‘di niya kadugo. Pumasok na kami ni AvahDane sa isang Market na malapit lang dito sa hospital. Agad kaming kumuha ng mga pagkain. Dinamihan ko ‘yong cup noodles dahil paborito ko ‘yon at paborito rin ni Eduard. Batchoy ang paborito niya, bulalo naman ang sa‘kin. Nang matapos na kami mamili ng mga pagkain ay pumila na kami ni AvahDane sa counter. “Baks, ang pogi no‘n ow,” mahinang sambit ni AvahDane. Gaga

