Rr pov.
"Diba doon din yung section ni Veniz? Yung ex ni Jenia? "
Naglalakad na ako papuntang classroom habang buhat buhat tong mga pagkain nung mga bakulaw, pero habang naglalakad ako hindi parin maalis alis sa isipan ko yung narinig ko kanina.
Sino kaya yung tinutukoy nilang mag ex na Jenia at Veniz? Bakit parang gusto kong malaman? Nacucurious kasi ako hindi ko pa kasi sila kilala at ang sabi nila nasa classroom daw namin yung Veniz na yun? Sino ba kasi sila?
"INEEENG!, INNEEENG! "rinig kong may sumisigaw pero hindi ko yun pinansin dahil baka iba ang tinatawag baka sabihan pa akong assuming ni ateng hindi ko alam dahil naka talikod lamang ako.
"Ahhhhhh, pu*ang in*ng palaka" sigaw ko nung biglang may kumalabit saakin.
"Goshhh dhay kabata bata mo pa nagmumura ka na, idagdag mong dalaga at babae ka pa"panenermon saakin nitong baklang kasama din atang nagtitinda sa canteen.
"Ahhyyy sorry po sir"hinging paumanhin ko dito,napansin kong biglang kumunot ang kanyang noo pagkatapos kong sabihin yon.
"Goshh dhay!!, sa ganda kong toh?! Sir ang tawag mo?!, grabe ka ha, mas kailangan ko pa atang mag dagdag ng oras para sa beauty rest ko" exagerated nyang sabi habang patuloy sya sa kadadada sa harapan ko, ako naman ay naka yuko na dahil sa kahihiyang sinasapit ko ngayon dahil dito sa baklang echoserang palaka.
Ano ba naman toh?! Sya na nga nagtawag sakin, sya pa may ganang magalit at sumigaw sigaw bwisit.
"Sorry po, ma'am pala hindi sir, pero pwede na po ba akong umalis? Nakakahiya na po kasi heheheh" sabay peace sign.
Bigla naman syang tumingin saakin ng pagkasama sama sabay harap ng daliri nya.
"Alam mo dhay, kung pwede lang kitang bigwasan sa pagtawag mo saakin ng sir ehh baka kanina ko pa ginawa,pero dahil nga nasa section ka ni crush pagbibigyan nalang kita kaya pwede ka ng gomora hahahh"sabay tulak nya saakin.
"Ahh gurl ito nga pala nakalimutan mo,tapos next time pag friends mo na lahat ng mga papa sa section mo hwag mo kong kakalimutang ienform dahil rarapein ko silang lahat at ikaw ang sasabihin kong may pakana, sige bavush gora ka na rin at baka hinihintay kana ng mga prince charming ko hahhh... Char"at saka lumakad na papalayo saakin.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang pugad ng mga demonyo ay sari-saring mga bulong bulongan ang mga naririnig ko mula sa mga studyanteng walang ginawa kundi magpaganda araw-araw dahil sa mga walang kwentang bagay.
"Bat ang dami nyang dalang pagkain? "
"Yan ba ginagawa nya? Sinusuhulan yung nga classmate nya para maging mabait sila sakanya? "
"Ano ba naman yan,grabe paalila si gurl"
"Pabebe naman, kulang atah yan sa pansin kaya sa mga classmate nya nagpapapansin"
" Nakakahiya ka girl"
"Grabe ka gurl"
"Baka nga"
"Suhol pa gurl"
WTF? Ano daw? Suhol baka sila ikaw kaya ibully tapos uutusan ka nila para maging mabait lang, pakain ko pa sainyo yang mga sinasabi nyong gwapo, mga demonyo naman mga pag uugali.
Huhuhuhu sige Push nyo yan hindi ko dinidibdib
"Bakit ba parang ang layo layo ng room name?...bwisit kang Sammy ka ipapakain ko lahat to sayo mamaya huhuhu"bulong ko dahil hindi ko ma carry yung mga tinginan at bulungan ng mga tao dto.
Nakarating na ako sa room at nakita ko si naman si Veniz(yung kumausap sakanya nung first meeting nila ni Alfee) na naka abang sa pintuan at nung makita nya ako ay agad syang tumakbo sa loob ng room.
"Guyyssss!! Meron na yung foodss"sigaw nito sa mga kaklase namen nagulat naman ako nung nagtakbuhan silang lahat saakin hindi pa ako nakakapasok sa loob ng room.
Biglang hinablot nung isa naming kaklase yung box na hawak ko at agad naman nya itong binukasan.
"San yung sakin? "Tanong ni classmate no. 1
"Pati rin yung saamin"dagdag naman nina classmate 2 at 3.
"Hinay hinay lang pwede?mahina ang kalaban, meron pang isa babalikan ko pa lang, ayaw nyo naman akong tulungan"saka naglakad na papalabas ng room hindi na pinansin ang sasabihin sana nila.
Mahabang pila ang bumungad saakin pagkapasok ko ng canteen pero imbes na pumila ay nagduretso na ako sa counter kung saan nakapatong yung iba ko pang binili.
"Hoy pumila ka naman"
"Ate yung binili ko po"sigaw ko dahil wala pang tao na lumalabas.
"Ate mahiya naman ohh"
"Hoy kanina pa kami dito"
Napangiti ako nung may naaaninag akong palabas galing sa loob nung cateen pero agad din naman nawala nung yung bakla na naman pala kanina ang lumabas
"Well, well, well who is this girl standing straight in my front of me? Huh?" bungad ulet sakin nitong baklang sakit lang ng ulo ang dala, tinuturo turo nya pa ako.
"Like duh, kukunin ko lang naman po ang iba ko pang inorder ma'am... Kasi yung mga naggwagwapuhang mga demonyo ay ayaw akong tulungan so excuse me paharang ka sa daanan ko"maarte ko namang sabi sakanya tinuturo turo ko pa sya tulad ng ginawa nya saakin.
"Hmpp, toh naman masyadong highblood, ohh eto tutulungan nalang kita may dalawa pa kasing box tag isa tayo"binigay nya saakin yung isa at kinuha nya din naman yung isa.
"Chansing ka lang ehh, gusto mo lang silang makita kaya sumama ka" pero ang hayop hindi ako pinansin.
"Bat pala biglang bumait ka ata saakin? "Tanong ko dito habang diretsong naka tingin sa harap.
"I'm an angel na pinababa sa lupa at nagdisguised bilang fairy para tulungan ka sa pagpapahirap ng mga papa sa section mo... You know" nakangiting sagot nito na ikinangiwi ko naman.
Grabe ang creepy naman nun
Nasa kalagitnaan na kami ng cafeteria ng biglang may humarang saamin. What the?... Bat ngayon pa talaga?
"Excuse po makikiraan po" pero hindi parin sya umaalis"makiki----"
"What is that?" Tanong ng isang familiar na boses kaya dali dali kong inangat ang aking ulo para makompirmang si Alex nga ang nasa harap ko ngayon together with his friends na may nakakalokong mga ngiti sa kanilang mga labi pwera nalang kay Jacob na parang nag-aalala.
"Ano kasi Alex pa----"
Putakting lumilipad, Lagot na anong sasabihin ko?na gusto ko lang maging peacefull yung pamumuhay ko kaya sinusunod ko sila? o baka naman
Binubully nila ako kaya wala na akong choice kundi napilitan akong sundin sila?ano na?pano na?.
"Para sa section E ba yan?" Cold na tanong nito saakin.
"Ooohhh my gosh lagot ka kay papa Alex" bulong pa ni bakla na mas lalong nagpakaba saakin.
Bwisit namang baklang tohh ohhh kung ano ano pang sinasabi
"Pasensya na Alex pero kailangan ko ng umalis" hindi ko sya sinagot at dahan dahang humahakbang papalayo sakanila hila hila ko pa tong baklang toh na nakatunganga pa sakanya.
"Put that thing down" mahinahon pero mababakas mo parin ang lamig na sabi nito saakin.
"Huh?" Nagtataka ko syang tinignan.
"I.SAID.PUT.THAT.THING.DOWN!" Sigaw nito na ikinagulat ng lahat ng tao at pati narin ako.
"Pero kuya Alex" pagmamakaawa ko sakanya naiiyak na rin ako dahil sa kahihiyang natatanggap ko ngayon.
Ano ba Alex?masakit na ohh gusto man kitang sundin pero hindi pwede.
"Nakakaintindi ka ba?" Mahinahon na nyang tanong saakin pero imbes na sagotin sya.
"Sorry Alex pero kailangan ko ng umalis" naka talikod kong sagot sakanya at hinila na si bakla para umalis na sa lugar na yun, narinig ko pang tinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na pinansin, kingina kasing mga section E na yun ohh.
Sorry mas maganda na sigurong umiwas muna ako.
Paglabas namin ng cafeteria ay agad agad kong pinunasan ang luha sa mata ko para hindi na makita ng ibang tao.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nitong bakla sa harap ko na agad ko namang tinanguan.
Pagdating namin sa classroom agad ko namang nakita yung mga kaklase naming nakakuha na ng pagkain na nakaupo na samantalang yung hindi pa ay inaabangan kami.
"Bat may kasama kang bakla?" Tanong nung isa naming kaklase.
"Pake mo ba?ehh sa tinulungan ako, hindi katulad nyo na nang uutos lang ang alam" pagtataray ko sakanila saka iniwan na yung order nila.
Bahala na kayo jan
"Una na ako ah" pagpapaalam saakin ni bakla na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
"Ahh sige, salamat nga pala" nakangiti ko ring sagot sakanya.
"Welcome" saka umalis na.
Hinanap ko naman si Sammy at padabog na iniwan yung pera nya sa kanyang lamesa.
Dumeretso na ako sa upuan ko at padabog namang umupo, dahil sa pagod naka tulog na pala ako.
KRIIIIIIIIINNNNNNGGGGG!!
Napabalikwas ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat na dahilan ng pagkauntog ng aking pwetan.
"Aray ko naman, sakit nun huhuhuhu"
"Hahahahahahah" rinig ko pang tawanan nung mga kaklase kong panget.
WTF?!UWIAN NA?!!BA---
Aalis na dapat ako sa aking kinauupuan ng may mapansin akong pulang likido sa aking pwetan.
"Hhhhhhaaaaaaa!" Sigaw ko dahil tinagusan ako at talaga namang madami dami rin na para nang ihi.
"Hahahahahahaha" rinig ko ulet na tawanan nila na ikinainis ko naman.
"Tinagusan ang puta" bulong pa ng isa kong kaklase na rinig na rinig naman hanggang dto sa pwesto ko.
"Alis na tayo, pabayaan nyo sya dyan" sabi ni Sammy sa mga kaklase namin at nauna ng lumabas, sumunod naman yung iba.
"Seryoso ba talaga kayo?, iiwan nyo ako dto?hindi nyo man lang ako tutulungan?kahit isa sainyo?" Pag mamakaawa ko pero ang mga loko parang walang narinig at dureduretso paring lumabas.
"KOIIIIKEEEE!, ARJAY AT YUNG LALAKING NAKAUSAP KO NUNG MERON SILA DIANE NA MALANDE!" naiiyak na sigaw ko sa maliit na tao na sumasayaw pa habang papalabas ng pintuan at yung lalaking nakausap ko nung nakaraan.
" kami ba tawag mo?"tanong ni bansot habang naka turo sa kanyang sarili.
"Ayy hindi, yung other side nyo" pamimilosopo ko pa dto.
"Ayy yung other side namin pala?, sige goodluck nalang kasama yung other side namin" nakangiting sagot nito.
"Hoy Koike , Arjay at Albert, iwan nyo nalang yan dyan, pabayaan nyo na" sigaw pa nung iba na nakasilip parin hanggang ngayon pala sa pintuan, hinihintay siguro si Koike.
"Oo nandyan na" balik sigaw din nito sakanila saka naglakad na sila papunta sakanila.
"Seryoso kayo? iiwan nyo talaga ako?" Humihikbing sabi ko sakanila.
"Oo kasi hindi naman pala kami yung tinatawag mo kundi yung other side namin" mapang asar naman na sagot ni Alber.
"Joke lang naman yun, kayo naman hindi na maloko kayo yung tinatawag ko, sige bilisan nyo tukungan nyo na ako dto" pangbabawi ko sa mga sinabi ko para lang tulungan nila ako.
"Matagal pa daw ba kayo dyan?, mauna na kami byeeee, mwa see you tomorrow" biglang singit naman nung laging kasa kasama ni Sammy.
"Gehh una na kayo, tutulungan lang namin tong si Rr hahahaha" sagot ni Koike dto.
Nagulat ako nung bigla syang tumingin sa gawi ko at ngumiti ng nakakaloko.
"By the way miss beautifull..I'm Renz Sandoval the hottest and the handsome among our classmate in this classroom" mahanging pagpapakilala nito saakin.
Napangiwi ako at nakita ko rin na pati yung tatlong asungot ay napangiwi na din dahil sa kahanginan nitong nasa harap ko ngayon.
"Pwede ba umuwi ka nalang Renz at magpahinga kulang ka lang ulet siguro sa tulog" sita sakanya ni Albert.
"Hahahaha ikaw naman Albert pala biro hindi mo naman kasi aminin na ako ang pinakagwapo dto"
Bumaling ulet sya saakin sabay sabing"tignan mo baka dumami pa yang tagos mo sige ka ikaw din ang kawawa miss beautifull"na ikinahiya at ikinapula ko naman dahil narinig kong mahinang tumawa tong tatlo na katabi ko.
"Byee"huling sabi nya, pagtaas ko ng aking ulo nakita ko syang isinasara na ang pintuan, kumaway pa sya bago tuluyan na itong isara.
"Ohhh heto gamitin mo para pangharang sa pwetan mo" bigay saakin ni Koike ng kanyang polo na hindi ko naman tinanggap.
"Ayaw ko puti yan baka madumihan lang" tanggi ko dto.
"Boys...hawakan sya" utos nya sa dalawa pa naming kasama at ito namang dalawang tukmol sinunod ang asong ulol.
"Hoy!bitawan nyo nga ako" sita ko sa dalawang humahawak saakin.
Ipinulupot ni Koike sa aking bewang yung uniform nya, hindi na ako umangal dahil nagawa naman na nya.
"Kung yang Uniform ko lang naman pala ang problema, don't worry madami naman ako nyan kaya don't worry and stay calm baka malaglag yang anak mo" seryosong sabi nito saakin.
"Anak ko?" Nagtataka kong tanong.
"Oo, anak mo...hindi mo ba alam na buntis ka?" Balik tanong naman nya ulet saakin na hindi ko naman pinaniwalaan.
"Whe?di nga?" Tanong ko ulet but this time tumingin na rin ako sa dalawa na kanina pa tahimik at seryoso din ang mukha.
"Oo tama si Koike, buntis ka nga" sabay na sabi nilang dalawa.
"Pa---paano ako mabubuntis?eh w---wala namang la---lalaking gumahasa saakin?, pwe---de ba yun?" Naiiyak na tanong ko ulet sakanila.
"Oo pwede yun" sagot nilang tatlo.
"Huhuhu pa---paanong *hik* nangyari *hik* yun?huhuhuhu" umiiyak ng tanong ko sa sarili ko.
Sorry inosente kasi ako sa ganitong bagay kaya ganyan ako kung umasta.
"Hahahahahahaha" tawanan nilang tatlo kaya mabilis kong inangat ang aking ulo at nagtatakang tinignan silang tatlo.
"Bakit *hik*bakit kayo tumatawa?" Nagtataka paring tanong ko sakanila.
"Hahahahaga priceless yung itsura nya hahahahaha" biglang tawa ni Alber.
"ang sarap mong pagtripan Rr, ang totoo nyan hindi ka buntis hahahahaha at hindi ka rin nireregla kami lang ang naglagay nyang red na food coloring jan sa upuan mo at sa sahig para magmukhang may period ka talaga hahahhha"sabi naman ni Arjay na ikinainis ko.
Tinanggal ko yung polo ni Koike na nakapulupot sa aking bewang at pinunasan ang luha ko saka ko sila hinabol.
" uyy sorry na Rr, peace na tayo"sigaw ni Arjay na syang hinahabol ko ngayon.
"Walang sorry sorry at walang peace peace na uubra saakin!" Nanggagalaiti kong sigaw sakanila.
Lumabas na sila ng classroom doon ko lang nakita na hindi pa pala umuwi yung iba naming mga kaklase at nandoon lang sila na naka upo sa gili nung door, nakita ko din naman si Sammy na sa hagdan papuntang second floor naka upo.
"Uyy anong kalokohan na naman ang ginawa nyo Albert" tanong nung isa naming kaklase.
"Uyyy harangan mo naman yang palda mo, nakikita namin yang period mo" sabi naman saakin nung isa.
"Hahahahaha kwekwento namin nalang sainyo bukas" sigaw din naman pabalik sakanila ni Alber.
"Ghe" simpleng sagot nilang lahat.
Dahil sa busy ako kakahabol sa tatlong tukmol hindi ko napansin yung bato sa harap ko at natalisod ako kasabay non ay ang pakong nasa gilid nung lamesa na dahilan nang pagkapunit nitong palda ko sa likod.
CRACCKKKK(tunog po yan ng napunit na palda).
Harapan ko ang unang bumagsak kaya nakatalikod ako sa mga kaklase ko na hindi na maipinta ang kanilang mga mukha dahil sa sayang nakikita nila ngayon sa kanilang harapan, pati yung tatlo nasa likod ko narin.
Pagharap ko sakanila, lahat sila nanlalaki ang mga mata at nakatunganga ngayon saakin, habang yung tatlo ang lalawak ng mga ngiti saakin.
"Wow nice butt" si Koike.
Whattt the fudgeee?!---shet siguro pulang pula na mukha ko dto.