CHAPTER 11:CRY

3256 Words
RR POV. Ngayon ko ramdam yung sinasabi nilang kahihiyan although lagi naman akong napapahiya dati pero iba ito, marami silang nakakita at mas worse lahat sila puro lalaki. Mabuti nalang at naawa saakin si Koike dahil pinahiram nya ulet yung polo nya at ako namang dakilang maarte ay yung jacket nya ang hiniram ko na ibinigay nya din naman, pati yung kay Arjay hiniram ko rin, yan tuloy naglalakad akong parang tanga ngayon dito. Pinagtitinginan ako nung ibang mga studyante saka magbubulungan, mga papansin naman ohhh, agaw pansin tuloy tong itsura ko ngayon. Papalabas na ako nang school gate at kasunod ko tong mga hinayupak na may kagagawan nitong kahihiyan ko ngayon. "Ang sexy nya diba?"sabi nung kaklase kong hanggay ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. "oo nga ehh, kahit naka short kitang kita parin yung kasexyhan nya"sagot naman dito ni Koike at tumawa silang lahat Bigala akong tumigil sa paglalakad at tinignan silang lahat ng masama. "Don't get mad it's an complement" sabi ng nakangising si Sammy. "Kainin nyo yang nakakadiri at nakakainis nyong complement" inis kong baling sakanila. "Rr, hwag namang ganyan" sita naman saakin ni Arjay. "Isa ka pa ehh" at pinagpatuloy ko ulet ang aking paglalakad, napahinto ulet naman ako nung makita ko si Alex and friend na nasa harapan ngayon namin ang masama pa masamang tingin ang ipinupukol nito ngayon saakin. "Hi Rr, and by the way what is that for?" Tinuro nya yung dalawang jacket na naka pulupot ngayon sa aking bewang. "Ahhh---" pinutol ni Koike yung sasabihin ko dahil bigla syang sumigaw. "Tinagosan sya" saka sila nagtawanang lahat. Agad akong lumingon sakanila at sinamaan silang lahat ng tingin dahil sa sinigaw ni Koike. Putangina kung ano ano mga sinasabi nila. "Tell me Rr, binubully ka ba ng mga kumag sa likod mo?inis na tanong saakin ni Jacob at tinapunan ng masasamang tingin tong mga kumag sa likoran ko. Naramdaman kong biglang sumeryoso tong nasa mga likuran ko at tinitigan din ng masama sila Jacob...in short mag away na magaganap para ngang biglang nakakakita ako ng kidlat sa pagitan ng dlawang grupo. "ahh oo, tama yung sinabi ni Koike woman thing lang ito... tinulungan lang naman nila ako, ngalang medyo may pagkaisip bata sila kaya yan pinagtatawanan ako"saka akward akong ngumiti para tuloy natatae ako sa itsura ko ngayon. Hay nako kailangan kong isakripisyo ang kahihiyan ko para lang sa ikabubuti ng mundo. "Sure?" Paninigurado ulet nito kaya tumango ako ng sunod sunod para ipakitang okay talaga ako kahit na "hindi talaga". Inalis ko ang tingin ko sakanila nung may mahagilap ako na parang familiar na mukha na naglalakad sa kabilang kalsada. Agad agad akong tumakbo para habulin sana yung taong yun, dahil sa hindi ko na alintana yung nasa paligid ko...hindi ko napansin na red light na pala. PEEEEEEEEEEPPPPPP " Rr!!!!"sigaw nilang lahat sa pangalan ko. KOIKE POV. "RR!!!!!!!!!" kinakabahang sigaw namin lahat dahil sa pagmamadali nya hindi nya napansin na nag go signal na pala at muntik na syang masagasaan ng humaharurot na sasakyan...buti nalang at agad syang hinila ni Alex kaya naiwasan nila ito. Bumaba yung driver ng sasakyan at pagalit na lumapit sa kinaroroonan namin. "P#ta%g$i*@ naman ohh, yang bwisit na alaga nyo itali nyo naman, dalaga na hindi pa alam kung kailan titigil!! Kita na ngang naka red light" Sigaw nya kay Rr na hanggang ngayon ay yakap yakap ni Alex na itinatago ang mukha sa dibdib nito, pansin lang ko lang?, bat parang ang tahimik nya atah ngayon? Nasaktan ako sa sinabi nya tungkol kay Rr kahit sa ayaw namin sya para sa section namin, hindi mo maipagkakailang masaya naman na napasama sya sa section namen. "Ehhh pu----" naputol yung sasabihin ko ng biglang umepal si Sammy. "HOW DARE YOU SAY THOSE THING TO HER!" Mariing sabi nito sa driver kanina at saka kinwelyuhan ito. "Ehh sa pake mo ba?, ehh sa hindi sya nag iingat ang tanga tanga nya kasi dapat dyan namatay na sana" agad kaming napatingin ng masama sakanya dahil masyado ng nakaka sakit na sa ego yung mga sinasabi nya. Napatingin ako kay Rr at ganon parin yung posisyon nya yun nga lang napansin kong parang tumataas baba yung balikat nya. Is she crying? Hindi ko naman sya masisisi dahil talaga ngang masakit yung mga binibitawan salita nitong baboy na nasa harapan namin ngayon. "f**k YOU SON OF A b***h!" Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si Arjay at biglang sinuntok ito dahilan kung bakit napaupo yung driver hindi pa nakontento si Arjay dahil dinaganan nya pa ito at paulit ulit na pinagsusuntok. "Wala kang karapatang sabihan sya ng nga ganyan dahil hindi mo alam kung ano ano yung mga masasakit na pinagdaanan nya kaya hwag kang umastang parang sino" may diin lahat na sambit ni Arjay. Inawat na ng mga kaklase namin si Arjay dahil napapansin naming nanghihina na yung driver. "Heto 15, 000 pwede na siguro to para sa pagpapagamot ng nasira mong mukha kahit pangit naman talaga" inabot ng driver ang binigay na pera ni Alex at tinignan kami isa isa bago lumapit sa kanyang kotse. "Pwede na to" at pumasok sa kanyang sasakyan "Pasalamat kayo dahil kung wala tong pera baka nasa presinto na kayong lahat" dagdag pa nito bago pinaharurot ang kanyang sasakyan. Tinignan ko si Sammy na kanina pa tahimik, nakatingin langs pala sya kay Angelica na girlfriend ni Alex habang si Angelica naman ay nakatingin kay Alex na biglang tinulak ang umiiyak na si Rr kaya agad akong tumakbo sa pwesto nila at agad na sinalo ang wala sa hwisyong dalaga. "WHAT THE HELL?, BAKIT MO SYA TINULAK?!PANO KUNG MAUNTOG ULO NITO?!MAY MAGAGAWA KA BA?COUSIN MO PA NAMAN" ako sana ang magsasalita kaso nga lang biglang umepal sa eksena si Arjay kaya sya na ngayon yung sumisigaw at kinukwelyuhan si Alex. "I don't care...hwag kang masyadong angel be like dahil pati ikaw may kasalanan din sakanya" what the heck?anong pinagsasasabi ni Alex?, kasalanan?saan?. "Halika na, ikaw nalang muna maghatid saakin" biglang salita ni Rr aangal pa sana ako sakanya pero bigla nya akong hinila kaya wala na akong choice kundi magpahila sakanya. Hinila ni Jacob ang kamay ni Rr sabay sabing"ako nalang ang maghahatid sayo"napatingin naman si Rr dto at namula ang mukha?! Totoo ba tong nakikita ko?si Rr namula?wow grabe sya na nga nasasaktan ngayon may gana pa syang kiligin. Hinawakan ko din ang kabilang kamay ni Rr "hindi pwede...ako ang maghahatid sakanya" inis na sabi ko dto, hinatak ko din naman sya agad. "Hehehehe Jacob sorry...pero kasi...ibabalik ko pa sakanya tong polo nya kaya sakanya ako sasabay at isa pa ako din kasi nagyaya sakanyang sya na ang maghahatid saakin" "Ummm...Sige but, next time ako na maghahatid sayo ah" nag nod lang naman dto si Rr kaya hinila na naman ako nitong babaeng toh. Rr pov. Talaga bang sya yung nakita ko oh baka naman namamalikmata lang ako?, pero hindi ehh...talaga ngang sya yun. "Ayos ka na ba?" Biglang tanong ni Koike, sasagot na sana ako ng biglang may maalala ako. "Wow nice butt" "Oo nga ehh, kahit naka short kitang kita parin kasexyhan nya. " tinagosan sya" Siniko ko si Koike dahilan upang mapa aray sya saka ko sya hinead lock. "Ehh sa pu%an#in@ ka kasi ehh...bat kung ano ano yung mga pinagsasasabi mo kanina?" "Ahhggg ma...ma...masakit R...r" saka nya pinagpapapalo yung kamay ko. "Talagang masakit, dahil sa kagaguhan mo kanina parang gusto na kitang iflush sa inidoro" Hinigpitan ko pa lalo yung pagkakahead lock ko sakanya, pinapalo palo ko rin sya sa ulo pero mahina lang baka kung ano na mangyari kong nilakasan ko. "Ma...masakit kashi hi...hi...hindi na a...ko ma...maka...hinga" mas lalong nilakasan nya yung pagkakapalo nya sa kamay ko kaya nabitawan ko sya. *Ubo, ubo, ubo*"talaga bang*ubo* gusto mo *ubo, ubo*akong patayin?" Tanong nito at dumura nalang sa kung saan saan habang nakaupo't lumalanghap ng hangin. Nakaramdam ako ng awa sa itsura nya ngayon, kagat labi akong lumapit sakanya at umupo sa harap nito. "Ikaw kasi ehh, ang gago gago mo kung hindi mo ako pinagtripan sana hindi kita masasakal ngayon" nakokonsensyang sabi ko, naluluha na rin ako dahil sa ginawa ko...hindi ko na naman nacontrol ang sarili ko. Pinaglalaruan ko yung kamay ko habang nakayuko, naramdaman kong hinawakan nyo ito at parang pinapatigil sa ginagawa ko. " Halika na ihahatid pa kita sainyo" tumayo sya at hinila nya rin ako patayo. Nauna na akong naglakad sakanya, sya naman ay sumusunod lamang saakin, hindi na ako kumibo. Hindi ko alam kung galit ba sya saakin o ano.seryoso kasi yung mukha nya panay din ang lingon nya sa paligid. Hala...paranoid na atah tong batang toh. Nakarating kami sa bahay, huminto ako sa tapat ng gate at hinarap sya. "Loob ka muna, magkape muna tayo kasi hihintayin mo pa akong nagpalit ibabalik ko kasi tong jacket mo ngayon na, bukas naman tong jacket ni Arjay" "Ahh hindi na, mauuna na rin kasi ako dahil may gagawin pa ako, hwag mo naring ibalik yang jacket mo marami naman ako nyan sa bahay" maglalakad na sana sya ng bigla kong hinila yung polo nya papasok ng bahay. Sana all maraming uniform sa bahay "Ang dami pa kasing arte, ibabalik ko nga kasi sabi ehh, dyan ka muna ipagtitimpla lang kita ng juice" "Iha ako na ang magtitimpla ng juice para sakanya" hindi ko napansing meron na pala si nanay nancy sa tabi ko. "Sure mo po?" Paninigurado ko, hindi ko rin kasi sanay na may inuutusan ako mas gusto ko pang ako yung gumagawa. "Opo ma'am, ano pa po ba ang silbe namin dto kung kayo din po pala ang gagawa?" May himig ng pagtatampo sa boses nya. Medyo natamaan ako dun so no choice na ako kundi tumango nalang sakanya. "Hintay ka lang ahh?" Bilin ko kay Koike, tumango sya kaya dali dali akong umakyat papuntang room ko para magpalit. Isang pares na pantulog ang isinuot ko, wala na akong choice mamili dahil nagmamadali ako ang by the way yung pantulog din kasi ang nasa tapat kaya yun na ang hinila ko. Tinignan ko yung palda kong may bahid ng pulang likido at yung malaking punit sa likod. "Huhuhu...sayang naman" nakasimangot kong turan. Pinagpag ko muna yung Jacket ni Koike bago ako tumakbo pababa, nakita ko syang ubos na yung cookies at yung juice na hinanda ni ate nancy.naka upo nalang sya habang palinga linga Naninibago siguro tong batang ito. Nang nakita nya akong pababa ng hagdan ay agad syang tumayo lumapit din naman ako sakanya at inabot yung jacket nya. "Salamat nga pala" "Welcome" nakangiti sya ng malapad dyan. Hinatid ko sya sa labas ng bahay. "Babye magiingat ka ha" paalam ko sakanya, paulit ulit din akong nagwawave. "Ghe" nagwave din sya pabalik... Hinintay ko syang mawala sa paningin ko bago ako pumasok ulet ng bahay. Napaisip ako.may napansin akong sumusunod saamin kanina.may masama akong kutob, sana hwag mapaaway si Koike at maging maayos sya. Sino kaya yung mga yun? KOIKE POV. "Akala mo mapapalagpas namen yung ginawa mong pagbugbug sa mga kasamahan namin nung nakaraang araw" sa wakas lumabas na rin tong mga bouncer na kanina pa sumusunod saakin. "Ahyyy kasamahan pala nila kayo?, akala ko kasi kayo sila...magkakamukha lang pala" nakangiting pang iinsulto sa kanila. Hindi ko alam kung insulto ba talaga yun kasi talaga naman yung sinasabi kong magkakamukha silang lahat. "Ehh sa tarantado pala tong bansot na toh ehh" nagtawanan sila nagsimula nya ring patunugin yung mga buto nya sa kamay. Lol kayang kaya ko rin yan...pati nga sa leeg ehhh hahahaha. "Not really"nakangiti pa ako nyan yun nga lang creeping ngiti pero ang lumalabas ka cute an ko hindi tuloy halata yung creepy smile ko.haist buhay Kanina ko pa sila hinihintay kanina pa sila sunod ng sunod nahalata ko silang nakatingin saakin nung nasa labas pa kami ng school ang pagkakaalam ko pa coincidence yung pagkikita naming yun, akala ko nga susugod sila sa harap ng bahay nila Rr buti nalang nahiya tong mga kupal na toh. " hwag ka ngang ngumiti, gagong bata"sita saakin nung nasa harap. leader siguro nila. "Grabe ka naman gorilla, ngumingiti lang ayaw mo pa?" Pang aasar ko sakanila. Anim silang nakapalibot saakin may hawak pa silang kanya kanyang kahoy na pwede na atang pumatay ng isang tao.hindi joke lang hehehe Sumugod sila ng walang pasabi kaya nagulat ako doon at hindi nakapaghanda. Shit, hindi ko yun napansin. Nagawa ko naman silang ilagan kaya lahat sila mas lalong napikon saakin. Napangiti ulet ako ng malapad dahil sa naging reaction nila. "Wow, magaling ka rin palang umilag bata...pero tignan nalang natin kung maiilagan mo pa tong susunod kong suntok sayo" nagtawanan silang lahat pero wala akong pake. "Ahhh ganon ba?,sana all" tumalim tingin nila saakin...ngumiti sila pagkatapos nun. "Alam mo?, maganda yung babaeng kasama mo kanina... hahahaha nakita pa nga namin yung panty nya nung tumatakbo sya...pagkatapos namin sayo ikaw naman ang isusunod namin kaya chill ka lang little boy" nag init yung dugo ko sa mga sinabi nila. Nawala yung ngiti ko dahil sa sinabi nila...dahil saakin pati bago namin na classmate nadamay pa.hindi ko na sana sya hinatid. "Ahh ganon ba?...aasahan kong makakarating yung papuri nyo sakanya dahil sisiguraduhin kong baka hindi na kayo makapunta sakanya" wala na rin akong pasabing sinugod din silang lahat. RR POV. Ang sama ng loob ko dahil sa nangyari sa palda ko...ipapaframe ko na toh sa susunod ala ala lang naman ng namayapa kong palda dahil pinatay sya ng mga kaklase kong loko. "Nandito na pala kayo mga anak" masaya akong napalingon sa pwesto nila aunti kasama yung dalawang kambal na kagagaling lang mula sa Paris. Sa paris kasi sila nag aral kasama si Kuya Emanon ng isang taon yun nga lang dito na daw sila mag aaral ngayong taon dahil sa tapos na si Kuya Emanon ng business nya doon wala kasi silang kasama kaya no choice sila kundi dito mag aral. "Atteeeeeee Rrrrrrrrrr" sigaw nilang dalawa...tumakbo silang dalawa papalapit saakin at agad na dinambahan ng yakap, yinakap ko din sila pabalik. "I miss you mga kambal"bulong ko sakanila.hinalikan ko rin sila sa mga pisngi nila. " miss din po namin ikaw atee"bulong din nila saakin at syempre they also kiss me in my cheeks. Ohha, english. "We have a lot of thing we were going to say to you just like a story" humagikgik silang dalawa...hinalikan ulet nila ako sa cheeks. "Taas muna kayong dalawa at magpalit muna" singit ni auntie saamin. "Yes mommy, ate kwentuhan tayong tatlo mamaya ahh?"tumango ako bago sila nag unahan sa pagtakbo papuntang silid nila. Yuki and Yato ang pangalan nung dalawang yun, sila lang rin ang very close ko dto sa bahay bukod kay auntie.Grade 4 sila nung nag aaral sila sa Paris ngayon Grade 5 na sila.and the fact na miss na miss ko na sila, sila lang kasi yung tinuturing akong talagang ate nila. Nagulat ako nung biglang may tumapik sa ulo ko. "From now on,sasabay ka na kay Alex kasama yung kambal kung papasok kayo" cold nyang sabi.kasama nya rin si Alex ngayon na nakatingin sakin ng masama parang expected nya na yung sasabihin ni kuya Emanon. "But---" tututol pa sana ako ng magsalita ulet sya nakatingin na sya saakin gamit yung famous nyang tingin.Cold stare. Ramdam kong nakatingin parin si Alex ng masama parang gusto nya na akong ilibing mismo dto sa kinatatayuan ko. "No more but's if i said so, you should follow.i already talk to Alex about that thing so don't worry. if your afraid to him just say so" singit nya ulet. "Okay" wala na akong magagawa si Kuya Emanon na ang nagsabi parehas pa naman kaming takot sakanya pwera sa dalawang kambal. Yung dalawang kambal kasi lagi syang iniinis, lalo kapag galit sya hahahaha tapang nila noh?ganyan talaga yang mga pamangkin ko, pwera nalang kapag talagang galit na galit na si Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD