SAMMY POV.
Naglalakad ngayon ako dito sa mall dahil na rin may tinapos akong trabaho sa kung saan tuloy dito ako sa mall napadpad sa hindi ko malamang dahilan may sarili kasi atang isip tong mga paa ko nakakairita tuloy.
Pumasok muna ako dito sa National books store wala lang trip lang ulet nitong magaganda kong mga paa.
Ilang saglit akong tumitingin tingin ng kung ano ano lalabas na sana ako ng biglang may dalawang batang lalaking umagaw ng attensyon ko na nasa harapan ko na naglalakad lakad lang habang lumalapit lapit sa mga taong nilalagpasan lang sila.
Nilapitan nung isa sa kambal yung si kuyang kalbo na tahimik na nakaupo sa isa sa mga bench doon.
"Kuyang kalbo na kauri ni Saitama pwede po bang magtanong?" Kumunot yung noo ni manong.
Natawa ako sa sinabi nya.gusto ko tong batang toh.
"Hindi" pabalang nitong sagot sabay alis sa kinauupuan nya at lumipat sa kabila na sinundan ulet nung bata habang yung isa naman ay nakatayo lang na pinapanood yung kambal nya.
"Kuyang kalbo magtatanong lang naman po ako ehh ang damot mo namang nyo naman pong sumagot keh tamad tamad magsalita" mas lalo pa ulet na kumunot yung noo ni manong na tila hindi na maipinta dahil sa sama ng mukha.
"Bata, rumespeto ka naman sa nakakatanda sayo pwede?" huling sabi nito bago tuluyan ng umalis sa kinauupuan.tuluyan na atang napikon
Naiwang may pagtataka sa mukha yung batang makulit.
"May respeto naman ako ahh gumamit ako ng salitang 'po' sakanya" bulong nya, hindi nagtagal ay lumapit din sakanya yung kambal nya at may binulong dito nagulat pa nga ako ng tinuro nya ako.
Maglalakad na sana ako para umalis doon ng bigla silang tumakbo papalapit sa direction ko.
"Kuyaaaaaasssssssss...s...s...s...s...s" napatigil ako dahil sa sigaw nila.ang dami ko naman atah nyan?may pagkahaba haba kasi silang 's' sa huli ng kuya nila----- may pahinto hinto pa ang pagkakabigkas.
Tumingin ako sakanila na may malamig na tingin pero tong dalawang toh sinuklian din ako ng malamig na tingin.
Mga pilyo tong mga batang tohh/ahhh.
"What do you want?" I ask them with a cold tone.
"Wow foreigner siguro tong si kuya pogi englishero brothe" bulong nung isa na rinig na rinig ko naman.
"Siguro nga kap. ang sabi kasi ni ate kapag englishero daw yung tao Foreigner na daw" bulong din naman nung isa bago sila muling humarap saakin.
Sino ba tong ate nilang kung ano anong tinuturo sa mga inosenteng batang toh kawawa naman sila paglaki nila walang natutunang matino.
Nagharapan ulet yung magkambal.
"Bat tayo?hindi naman tayo foreigner pero nakakapagsalita tayo ng english?"bulong ulet nung isa
"Mamaya na yan kap, ito muna atupagin natin bago natin tanungin si ate at baka iwan nya tayo dito"
"Sige sige"tuluyan na nila akong hinarap pagkatapos ng kanilang mahaba habang bulungan na pati ako ay inaamag na sa kinatatayuan ko dahil sa tagal nila.
" kuya pwede po bang magtanong?"tanong nung isa saakin
"You're already asking" bored kong sagot sakanila
Bumulong ulet yung isa sa kambal.
"Suplado naman" habang bumulong din yung isa.
"I like this guy spoiled brat din katulad mo kapa--------" i cut him by my quetion.
"So what do you want kids?" Inunahan ko na sila sa tanong ko bago pa ako tuluyang maamag dahil panigurado tatagal na naman yang bulungan nila
"Gusto lang po naming magpasama sayo na hanapin si Ate namin kasi nawawala na po kami binilinan nya po kaming hwag umalis sa may fountain pero dahil nga po matigas tong ulo namin ay umalis parin po kami tapos heto po kami missing in action nakalimutan po namin yung daan pabalik"
Seryoso?ganyan na ba sila kakulit para mamasyal pa?binilinan na nga, kung bakit ba kasi iniiwan ng mga guardian nilang pakalat kalat tong dalawang toh mga pabaya.tskk
"Buti alam nyo, halina nga kayo sasamahan ko nalang kayo kawawa naman kayo" may bahid na pagkainis sa tono ko.
RR POV.
Kanina pa ako paikot ikot dito sa mall pero ni anino nung dalawang makukulit na kambal wala akong makita man lang any time tuloy babagsak mula sa mata ko yung pinipigilan kong luha kanina pa pagod na pagod na nga ako.
"Yun po sya ohhh yun yung ate namin" rinig kong sigaw ng familiar na boses luminga linga ako para hanapin kung saan nanggagaling yung boses na yun.
"AAATTTEEE NAAAMIIINNN!" sigaw nila napatingala ako...doon nakita ko sila mula sa escalator papunta sa kinaroroonan ko may kasama silang talaga namang napaka familiar saakin.
Nang makalapit na sila ay agad ko syang sinamaan ng tingin pero tong damulag na toh wala lang pangisi ngisi lang habang nakatingin saakin ng diretso.
"So?ikaw pala tong tinutukoy nitong dalawang toh?hindi na ako magtataka.
"Sana all hindi na nagtataka" umirap tuloy ako ng hindi ko namamalayan bwisit kasing taong toh.
Nagkibit balikat lang sya habang nakangisi bago walang sabi sabing naglakad papalayo saamin.
Hindi pa sya nakakalayo ng biglang sumigaw tong isa sa kambal habang tumakbo naman tong isa papalapit sa epal na lalaking yun.
"KKKUUUUUYYYYYYYAAAA" shouted Yato while Yuki run toward him.
"What?" Bait baitang tanong nito.
Alam ko namang nagpapanggap lang sya dahil bata tong kausap nya, plastic sarap isunod...knows ko naman kasi na hanggang langit ang kasungitan nitong si kupal sagad hanggang bones kala nya ahh.
"As a token of gratitude for helping us finding our beautiful ate we want to treat you for a diner" wow english yun Yuki ahh lalim.
Putcha hindi nga ako nakapagmoment ng nahanap ko kaya na dapat sana ay iiyak ako ng pagkalakas lakas para maappriciate nyo naman na sobrang depress ako kanina dahil sainyo tapos ngayon may treat treat pa kayong nalalaman mas lalo tuloy nasira yung moment ko.
"Hep, hep, hep, may pera kayo para sa treat treat na sinasabi nyo?" Harap harapan na kung harap harapan, pakapalan na kung pakapalan, walang respeto man kung wala basta ang gusto ko mawala sya sa harap ko.
"Loko ka naman ate, meron ka naman" nagtaka ako sa sinabi ni Yuki.
"Alam mo ate, dapat mo talaga syang pasalamatan sa pamamagitan ng panglibre sakanya dahil kung wala po sya baka hanggang ngayon naghahanapan parin po tayo" explain naman ni Yato.sana all may mahiwagang malalim na pananalita sakit kasi sa nose.
Habang nakalingon sa direction ko yung dalawa ako naman sa direction nila nakalungon kaya kitang kita ko kung paano kalawak yung ngiti nong mokong.
Kung alam nyo lang talaga kung gaano kasama ugali nung pangit na yan baka kayo pa maglayo saakin sakanya.
"Per----" wala na akong nagawa ng bigla kaming hilain nung kambal pati nga si Sammy hindi na nakaimik.
"Yato saan banda yung Carinderya na sinasabi mo?" Tanong ni Yuki kay Yato.
"Hindi na tayo sa Carinderya kakain nakakahiya naman dito sa kasama natin baka sosyal gusto nya" tumingin lang ako sa lalaking prente lang atang naglalakad habang may nakapasak na earphone sa kantang tenga.
"But i want to eat giniling and dinuguan with extra rice right now beacause this is once in a blue moon lang baka nga po hindi na toh maulit" aww...naaawa ako sa batang toh pwede sana kung wala tong mokong na toh kasi kung doon man kami kakain hindi ko alam kung magugustuhan nya baka sabihan pa kaming cheap.
"Next time na----"
"NOOO!!" sigaw nya mangiyak ngiyak na nga rin sya dahil sa gustong gusto nya talagang kumain ng giniling at dinuguan.
"Nakakahiya kasi sa kasama natin baka hindi nya gusto yun---"nakisabat si panget yan tuloy naputol yung sasabihin ko.
"Sige, doon nalang tayo sa Carinderya kumain" nagduda ako sa sinabi nya
Sure ba tong gusto nya?
***** ***** ***** ***** *****
Lunes na ngayon kaya ready to walk walk na ako papuntang schooling schooling.
Wala parin akong balita hanggang ngayon kay arjay magtatatlong araw na syang absent kung wala pa sya hanggang ngayon.
"RRRRRRRRRRRRRRRR!!"may tumawag sa napakaganda kong pangalan kaya agad ko tong nilingon.
Alam nyo kung sino bumungad saakin?
Si Koike lang naman na may hawak na baseballbat na nilalabas labas pa nya at may kasama syang hindi na atah pwedeng mawala sa paningin ko...take note ahh...naka sakay sila ng kotseng hindi ko alam ang pangalan basta ang alam ko lang sport car sya at si Sammy the great lang naman ang nagmamaneho dito.
May lisensya na sya?pano sya nakakuha nun?bat hindi ko atah yan napansin nung sabado?hinatid pa nga nya kami...masyado atang napasarap ako dun ahh.
(yeah right meron napansin mo na nga yan nung chapter 6 ehh nung nag away kayo ni Diane).
Alam nyo kung ano na naman ginagawa nila?
Wala lang naman,sinasabay lang naman nila yung CARing kingking nila sa paglalakad ko habang tong bansot na toh ay pinapatong patong nya sa ulo ko yung hawak nyang baseball bat.
"no naman problema nyo ngayon?"taas kilay ko silang hinarap...
wala na!!!beast mode na naman ako ngayon.
Ngumisi lang naman driver nung sasakyan pero sa unahan sya nakatingin.
"Gusto ko lang namang ipaalala sayo na masaya ako sa naging date natin kasama ng mga anak natin" sinamaan ko sya ng tingin.
"Ano?nagdate kayo?tapos may anak na rin kayo?kailan yan?" Tanong ni Koike pero walang pumansin sakanya dahil nagtitititigan lang kami nitong abnoy na toh.
"So?ano ngayon kung naging masaya ka?tinatanong ko va?" Wow taray ko atah.
Ang saya saya naman nya dyan kala mo naman kung sinong umasta.
"Wala...share ko lang...by the way ang ganda ganda mo ngayon, kita nalang tayo sa classroom sorry kung hindi na kita maisasabay baka masira kasi tong kotse baka maging si halk ka na pagkatapos namumula ka na kasi sa galit hahahahaha...Bye bye wifey" nakangiti nyang sabi bago pinaandar na ng mabilis yung sasakyan nyang bulok... ako?...naiwang nakatulala lang naman.
"F*C# Y*U KAAAAA! PU%@%G%N@ MO ULOL TINOTOO MO NAMAN YUNG SINABI NUNG DALAWA!! MAMATAY KA NA" nagsisisigaw ako ng bumalik ako sa hwisyo, ang sasama na tuloy yung tingin nung mga dumadaan na mga tao dito baka sinasabi pa nga nilang wala akong respeto dahil kung maka mura ako wagas sagad hanggang bones.
Pano ba naman kasi ako hindi magmumura kung demonyo naman yung makikita ko umagang umaga bwisit.
Gusto nyong malaman kung ano nangyari nung sabadong pumunta kaming Carinderya?...
FLASHBACK.......
Kumakain na kaming apat bakas ang katahimikan sa aming dalawa nitong lalaking kaharap ko ngayon habang yung kambal naman ang maingay na magkaharap din.pa square kasi tong lamesa kaya harap harapan nalang kami tuloy parang family bonding lang ang peg.
"Mare ang cute naman nilang tignan"
"Kuya sana magkaroon din ako ng ganyan na pamilya"
"Inggit ako day pamilya ng mga magaganda't gwapo ohh"
"Diba si-----"
"Shh tumahimik ka nga"
"Look ohh sis mukhang ang bata bata pa nila para magkaroon ng mga anak...tsk.tsk.tsk mga kabataan nga naman ngayon hindi makapagpigil" namula yung mukha ko hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kahihiyan sa huling narinig ko.
Kung alam lang talaga nila masyado kasi silang judgemental.
"Mommy, daddy masarap nga po talaga dito nakakabusog pa" nanlaki yung mata ko sa tinawag ni Yuki saamin.
Nilingon ko si Sammy pero nakangisi lang ang loko habang nakatingin sa kinakain nya.
"Yuki wala dito sila au------"
"Mommy tapos na po akong kumain" sabi naman ni Yato.
Tumaas na ang kilay ko dahil sa mga pinagsasasabi nila.
Pinalapit ko silang dalawa para bumulong "ano ba yang mga pinagsasasabi nyo ha?"
Inocente lang silang tumingin saakin sabay bumulong din.
"Sabi po kasi ni kuya boyfriend mo daw sya kaya napag isip isip po naming gawin kayong mga magulang namin kung magkasama po kayong dalawa" katwiran ni Yato.
Humahagikgik naman yung damulang sa tabi namin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Nakikinig pala tong kumag na toh?
"At isa pa atee lagi po kasing wala si papa at mama sa bahay, gusto lang naman po naming mafeel mingsan yung feeling na may magulang na kasama mong mamasyal hindi naman po kasi kami pinapasyal nila mama" katwiran naman ni Yuki.
Biglang sumabat naman sa usapan namin si sabaterong chismoso
"Gusto ko yang iniisip nyo mga kiddos, magmula ngayon ituring nyo na akong daddy at ang ate Rr nyo naman ang mommy nyo para everytime na magkikita tayo may instant mommy at daddy na kayo" nakangiti sya dyan kaya nagtaasan naman lahat ng balahibo ko.
Siguro may gusto toh saakin na hindi nya lang sinasabi?may paganyan ganyan pa kasi sya hindi nya pa aminin tatanggapin ko rin naman.
Oppsss joke lang, kung ano ano na tuloy pumapasok sa kukote ko dahil sakanya.
"Grabe nakakatindig balahibo ka naman"
Hindi nila ako pinansin.wawa naman si ako.
"Mommy hatid na daw tayo ni daddy"
"No, hindi pwede"
"Pero mommy----" aangal pa sana sila pero bigla na akong tumayo para pumuntang cashier para magbayad pero dahil may likas kaming kasamang papansin ay inunahan na ako ni flash 'sa inodoro' at sya na ang nagbayad.
Sabi ko na nga ba, may gusto sya saakin...ashuming overload
Hinihila ko na yung dalawa na ayaw sumama saakin dahil ihahatid daw kami ng tatay DAW nila pauwi pero hindi ko sila pinakinggan at iniwan doong nagbabayad yung tatay DAW nila tumakas lang kami hindi ko na pinapansin yung reklamo nitong dalawa.
"Mommy ihahatid nga daw tayo ni papa"
"Para makamura na rin tayo sa pamasahe"bwisit pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa dalawang toh.
" whaaaaaaaaaaaaa"sigaw ko.....
"Ibaba mooo koooooooo" patuloy parin ako sa kasisigaw at kahahampas sa lalaking may buhat buhat saakin na parang isa lang sako ng bigas.
"Will you shut up that f*****g mouth of yours?" Iritang sita na saakin.
Hindi parin ako tumitigil sa kasisigaw hanggang sa narealize kong hindi ko mahagilap yung mga kambal kaya tumigil na ako sa kasisigaw.
"San na naman yung dalawa?" Bumabalik na naman yung pagkataranta ko na nakalimutan ko ng buhat buhat pa pala ako ni kumag.pano kung nawawala na naman sila?
"Nandito lang sila sa tabi ko" bored nyang sagot sumilip na rin ako para makasigurado hanggang sa nakita ko silang nakahawak si Yuki sa free na kamay ni Sammy at nakahawan naman si Yato sa kabilang kamay ni Yuki.
"Bat mo ba toh ginagawa saakin?" Bumabalik na naman ako sa pagwawala ng mapagtanto kong ayos naman pala yung dalawa
Nasa parking lot na kami habang wala parin akong sawa sa kadadada habang sila tahimik lang.
"Pasok na kayo mga anak patatahimikin ko lang tong nanay nyong kanina pa maingay" hala sumunod naman tong dalawa.
"Sige po papa" pumasok na sila.
Nanlalaki yung mata ko matapos nya lang naman akong paluin sa pwet...hindi yun malakas at hindi rin yun mahina sakto lang.
"Ano ba----" hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko ng muli nya na naman akong paluin sa pwet.
"Hindi ka titigil ng paulit ulit kitang papaluin wala akong pake kung mamula man yan" namumula na ako sa galit.
"Pero hindi naman ako bata ahh" reklamo ko pero sa ikatlong pagkakataon muli na naman nya akong pinalo sa pwet kaya naitikom ko nalang tong bibig ko na wala sa oras
Huhuhu buttered wife na ba ako agad?huhuhu discrimination na rin yun ahh
Hindi na muli ako umimik hanggang sa pinaupo nya ako sa front seat nabalot kami ng katahimikan at yung mga bata lang sa likod ang maririnig mong maingay hanggang sa maihatid nya na kami. Bahala sya dyan wla kong pake.
Hindi ko alam kung pano nya nalaman kung saan kami nakatira... wala na kong pake basta ang importante lumayas na sya sa paningin ko huhuhuhu.
Nagpaalam lang naman sya don sa dalawa bago umalis hindi ko na sya pinansin at hinimas himas nalang yung pwet kong namumula papasok ng bahay habang paika ika dahil sa sakit tatlong beses nya akong pinalo panong hindi yun sasakit.
Narinig ko nalang na pinaharurot nya na yung kotse nya.
END OF FLASHBACK...
Ganyan lang naman nangyari saamin kaya nga ang laki laki ng galit ko sakanya.
Bwisit na lalaking yun.