CHAPTER 16:MALL

1782 Words
THIRD PERSON POV. Hating gabi na pero hindi parin dinadalaw ng antok si Rr hanggang sa nauhaw sya kaya napagdesisyunan nyang pumunta munang kusina para uminon. "Ahhh sarap talaga ng tubig na malamig"hinugasan nya na yung baso pagkatapos ay naglalakad na sya para bumalik ulet sa kwarto nya. Napatigil sya sa tapat ng kwarto ng kuya Emanon nya dahil bahagya itong nakabukas at dahil may boses din parang nag uusap galing sa loob. "----hwag na natin tong ituloy kawawa naman yung bata" "Wala tayong magagawa... Pati ako, gustuhin ko man pero ang tito nyo na ang may plano nito at talagang gustong gusto nya tong makuha" sumilip sya sa siwang ng nakabukas na pinto pero hindi nya makita kung sino yung kausap ng kuya Emanon nya dahil masyadong madilim yung loob. Ano kaya yung pinag uusapan nila? Hindi naman ugaling makinig ni Rr sa usapan ng may usapan pero parang feeling nya na may mali sa usapan nila at kinukutuban sya dito. "Pero pwede naman natin syang kumbinsihin...wala naman kasing kasalanan yung bata.hayaan nalang natin syang maging masaya" Sino kaya yung tinutukoy nila? "Kapag nakagawa na sya ng desisyon hindi nya na yun binabawi... alam mo naman yun, buti sana kung kaya natin syang kumbinsihin diba?" Sinusubukan talagang sumilip ni Rr kung sino yung kausap ng kuya Emanon nya...pero talagang wala syang makita at tanging dalawang anino na nakatayo lang ang kanyang nakikita. Napaigtad sya ng bumukas yung pinto ng kwarto ni Alex na malapit lang din sa kwarto ng kuya Emanon nila. Lumayo sya sa pintuan ng lamabas ng kanyang kwarto si Alex. Naka kunot noong lumingon si alex sa direksyon ng dalaga dahil feeling nya may nakatingin sakanya. Napaatras si Rr kasi ang sama ng tingin sakanya ng kanyang cousin. "Matulog ka na" sabi nito at bumaba papuntang kusina. Parehas na nagulang ang kanyang kuya Emanon at ang kanyang Auntie dahil hindi nila inaasahang nakatayo ngayon si Rr sa tapat ng pinto habang nakatingin sa hagdan kung saan bumaba si Alex. "Ohhh ba-bat gising ka p-a?" Kinakabang tanong ng kanyang auntie sa nakatulalang si Rr. Kinakabahan ang mag ina at baka narinig ni Rr yung usapan nila. Ngumiti si Rr sakanila"hindi po kasi ako makatulog"kumamot pa sya sa kanyang ulo. "Ehh b--bat nandito ka?" Hindi paring matanggal ang kaba sa kanyang dibdib ng nakaramdam sya na may tumapik sa kanyang balikat, alinlangan syang ngumiti kay Emanon na syang tumakip sa kanyang balikat. "Nauhaw po kasi ako kaya lumabas muna ako para uminom pero napatigil ako sa harap ng pinto nyo ng nakita kong lumabas din si Alex sa kwarto nya kaya nag titigan muna kami bago sya bumaba ang kaso naabutan nyo po akong nakatayo dito" paliwanag nya...hindi nya na sinabi na may narinig sya sa kanilang usapan at baka kung ano pa ang isipin ng mga toh. Nakahinga naman ng maluwag ang mag ina dahil sa sinabi ng dalaga. "Sige matulog ka na at baka malate ka bukas.good nyt" ngumiti sya dito at tumango nagdireyso naman na ang kanyang auntie sa kanilang kwarto. "Good nyt din po" Timingin naman sya sa kanyang kuya na nakatayo parin sa harap ng kanyang pinto. Bahagya namang ginulo ng kanyang kuya ang buhok nya "good nyt din naman pamangks" Ngumiti sya dito"good nyt din po kuya"dumiretsyo na sya sa kanyang kwarto...humiga sya sa kama hanggang sa makatulog na sya. ***** ***** ***** ***** ***** Yes it's already Sabado na...ang paboritong araw ni Rr pati na rin ang linggo dahil sa dalawang araw na yun pwede syang magliwaliw kahit saan nya gusto dahil nga mahilig syang mamasyal. "Aunt labas po muna ako" paalam ni Rr sa kanyang auntie na ngayon ay paalis na rin para pumunta sa kanilang companya. "Aalis ka?" Nagtatakang tanong dito ng ginang. Tumango lang naman dito ang dalaga. Pasimpleng napangiwi ang kanyang Auntie. RR POV. "Ehhh pwede mo bang isama muna ang kambal sayo?wala kasi silang kasama dito ngayon hindi ko naman kasi alam na pati ikaw ay aalis din pala...yung si kuya Emanon mo nyo ay nauna na sa companya ehh si Alex naman ay nagpaalam din kanina na aalis daw sya dahil may aasikasuhin daw sya habang yung si aling Nancy ay umuwi muna ng probinsya dahil nagkasakit yung anak nya wala daw kasi syang kasama doon na magbabantay sakanya ehh ako naman pupuntang companya alam mo naman"Nag aalinlangan pa sya dyan.nahihiya siguro. Ngumiti naman ako habang tumatango. "Sige po tita" "Salamat, take care" binigyan lang nya ako ng pera para daw kung nagutom kami ay may pangbili kami ng pagkain pagkatapos nyang ibigay ay umalis din naman na sya...hindi na sya nagpaalam sa kambal dahil parang nagmamadali sya. Lumulundag lundag akong papunta sa kwarto nung kambal na hanggang ngayon ay tulog pa. Hindi na ako nag abalang kumatok...pagpasok ko tumakbo ako papunta sa kama nung isa sa kambal pagkatapos ay walang pasabeng dinaganan sya. "HHHHHHHAAAAAA!!" napahiyaw sya dahil mabigat atah ako yan tuloy nagising na rin yung kambal nya. "What happened?" Pupungas pungas na umupo si Yato mula sa kama nya dahil sa lakas ng sigaw nitong kambal nya. "ATTEEE NAMAN!!ANG SAKIT KAYA NUN!!" ang sama ng tingin nitong isa saakin.hasus...beast mode pa atah tong isa ahh. Nagpeace sign ako sakanya saka ko sya mahigpit na niyakap, hinalik halikan ko pa sya sa kanyang pisngi ng paulit ulet. "Ihhh bat sya lang pano ako?" Reklamo naman nung kambal nya sa kabila...nakatingin na pala sya saamin. Aww how sweet naman bebe boy. Ngumiti ako saka pumunta sa higaan nya, yinakap ko sya ng mahigpit sabay hinalik halikan ko rin sya katulad ng sa kamabal nya. "Kaw naman selos agad" sabi ko dito. Lumapit naman saamin yung isa at nakiyakap na rin na simuklian ko naman din. "Magbihis kayo mamamasyal tayo" "Yeheeeyyy" masaya nilang tugon, tumalon talon pa sila sa kama bago pumunta sa banya para maligo. "Nasa baba lang ako ahh" "Opo" Ang cute cute talaga nila hehehe Naglalakad lakad kami ngayon sa mall kasi nung dumeretso kami sa "DOLITTLE RESTAURANT" nila uncle CJ ay nakasara ito sa hindi ko malamang dahilan balak ko kasi dapat na magwork doon ng 3 hours pero dahil wala nga sila ay nagduretso nalang kami dito sa mall, gusto ko rin naman kasing ipasyal tong dalawang bansot na tohh. Ngayon ko lang kasi sila kasamang mamasyal dahil wala sila dito ng ilang taon idagdag mo pa na hindi ako kanila auntie nakatira noon. "Atee,I'm tired na po can we take a rest first?"naka nguso na ngayon si Yato.hindi ko naman mapigilang kurutin yung pisngi nya bago kami lumapit doon sa fountain na may bench sa gilid nya, doon kami umupo masarap kasing pakinggan yung tunog ng agos nung tubig. "Gutom na ba kayo?" Sabay naman silang tumango. Kanina pa kasi kami palakad lakad dito sa mall na ang tanging ginagawa lang ay ang magwindow shoping. "What do you want?" Sabay ulet silang nag isip ng gusto nilang kainin, naka pout pa silang pareho parang gusto ko ulet panggigilan yung mga pisngi nilang matatambok may dimples pa sila pareho.so cute talaga ng mga batang toh. "I want to eat chocolate flavor ice cream" "I want to go to the carinderya and eat giniling and dinuguan"in chorus nilang sinabi pero magkaiba naman. Ito kasing si Yato ang pinasyal ko sa Mall nung bumisita sila sa amin noon ehh nagkataong nagkasakit naman kasi si Yuki kaya hindi sya sumama kaya nung nagutom si Yuto doon ko sya sa Carinderya dinala na nagustuhan nya naman masarap daw kasi yung mga pagkain nila kahit daw na pangmahirap at least masarap, si Yuki naman hindi ko pa sya napapasyal kaya hindi nya pa alam. Nagkatinginan sila tapos nag away pagkatapos. "i want ice cream so we should eat ice cream"Yuki "Noo!!we need to go to the carinderya and eat healthy foods like giniling and dinuguan"Yato "Your so mean!i want to eat ice cream!!ehh madumi rin naman kasi sa mga Carinderya at pang poor people pa yun kaya pano mo yung matatawag na healthy foods?"Yuki said. Napasinghap ako dahil nasaktan ako sa sinabi nyang yun, ganon na ba tingin nya sa mga kinalakihan kong pinagkakainan?masarap naman ahh nakakabusog pa pwedeng pwede kang magparefill nang rice at libre pa. Tumingin saakin si Yato ngunit mas lalo pa syang napasimangot ng nakita nyang napalitan ng simangot yung kaninang naka ngiti kong labi kaya sinamaan nya ng tingin si Yuki. "Ahh basta pang healthy parin yun and beside I'm really hungry tapos masarap naman kasi doon promise at malinis din naman" naiiyak ng sabi ni Yato. Natawa naman ako dahil sa itsura nila ngayon, para na kasi silang maiiyak na dalawa, unti unti rin namang nawawala yung disapointment ko hindi ko rin kasi kayang magalit sakanilang dalawa. "Okay, okay ganito nalang...bibili tayo ng ice cream pagkatapos ay kakin tayo sa Carinderya gusto nyo?" Napatingin silang dalawa sakin sabay unti unting ngumiti. "YEEEHHHEEYY" Tumayo naman ako sa pagkakaupo"anong gusto nyong flavor?ako nalang bibili baka pagod pa kasi kayo basta hwag lang kayong aalis dyan okay?" "Okay po" silang dalawa. "Ikaw Yato anong sayo?" "I want manggo flavor" "Sayo Yuki ano naman sayo?" "Chocolate po" "Dito lang kayo ahh hwag na hwag kayong aalis okay?marami pa namang bad guy na pakalat pakalat na ngayon dito okay?" Bilin ko sakanila natatakot pa naman akong baka umalis sila yung mga ugali pa naman nilang 'no one tells me what to do'matitigas din naman kasi yang mga ulo nila kahit tumatango tango sila kung hindi naman sinusunod wala ring silbe. "Walang aalis dyan ahh okay?" Bilin ko pa ulet sakanila bago ako nagmamadaling umalis para makabalik agad. Ayaw ko naman kasi silang iwan pero dahil nga pagod sila, tamad pa naman sila ehh hindi ko na sila pinasama alam ko namang tatanggi rin sila. Mahaba yung pila kaya naabot ako ng 10 minuto bago nakabili ng ice cream. Naglalakad na ako para balikan yung dalawang kambal ng hindi ko sila makita doon sa bleachers ng fountain. Hinanap ko pa sila kung saan saan pero hindi ko talaga sila makita sobra sobra na rin yung panic ko na pati pawis ko ehh tagaktak na naiiyak na rin talaga ako dahil hindi ko sila makita. Ihh san na ba kayong dalawang matitigas ang ulo?huhuhu gusto nyo atah akong patayin sa pag aalala sainyo. "Shet lagot ako nito" bulong ko may tumutulo ng luha sa mata ko. "Bwisit san na ba kayo?huhuhu" binasura ko na yung ice cream at muling naghanap. BAHALA NA MYSELF MAHAHANAP MO RIN YUNG DALAWANG TUKMOL NA YUN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD