ALEX POV.
"Canteen tayo?"Micho asked me.
Uggh why bothering asking me?, pwede naman silang pumunta ng wala ako as if naman na mamamatay sila ng wala ako.
"Hay, kumusta na kaya ang Irog kong maganda?" Nananaginip na tanong nitong si Jacob.
"at sino naman yang irog mong tinutukoy mo?" si Mykel naman.
Hindi sya pinansin ni Jacob bagkus ay sakin sya tumingin.
Ilang minuto syang nakipagtitigan sakin bago nya ako tanungin.
Puta bakla ba toh?makatingin naman wagas.
"Kumusta na pala si Cousin mo na magiging asawa ko soon?" Tanong nito saakin kaya napataas kilay ako sa narinig ko.
"Siguro mas lalo syang gumaganda noh?kung yayain ko kayang makipagdate saakin?" Dagdag nya pa.
"Cousin ko parin yun" walang ganang sagot ko sakanya.
"Kaya nga...Halika nga samahan mo ako nabalitaan ko nandun daw sya sa Garden"
Napangiwi ako dahil don "stalker ka ba nya?" Nakangiwing tanong ko sakanya.
"Hindi naman, sadyang destiny lang kami kaya may connection kaming dalawa"
Nangangarap na naman ng gising ang loko.
"Tskkk" tanging naiusal ko.
Napatingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas iyon at agad na bumingad ang mala anghel na mukha ni Angelica na papalapit ngayon sa pwesto namin.
(Awttss Corny ha)
Pagkalapit nya ay agad nya akong hinalikan sa pisngi.
"Samahan mo ako sa Garden" yaya nya saakin.
"What for?"
"Gusto ko lang magpahangin" naka nguso nyang sabi.
"Okay" kapag sya ang may sabi wala na akong magagawa, masyado na atah akong nainlove sakanya.
(Awttss isa pang Corny).
Pagdating namin sa Garden nakita ko agad doon si Rr na nakatungangang naka upo malapit sa Fountain.parang tanga lang.
"Sabi ko nga ba Destiny kami" biglang nagsalita si Jacob mula sa likod namin.
Sumama pala tong mga toh?
Nabaling yung tingin ko sakanya na ngayon ay naka ngiti na ng malapad dahil kay Rr...siguro?
"Haistt obssessed ang puta" si Micho na nakatingin na rin sa direction ni Rr.
"Pake mo ba?...at least loyal hindi katulad nyo mga babaero" inis na ang tono ni Jacob na may pakamot kamot na sa kanyang ulo.
"Ayy nagsalita ang hindi" mapagbiro namang sabi ni Mykel.
Biglang itinaas naman ni Jacob yung isa nyang kamay na parang nangangako"honest to promise" parang tanga pa sya dyan habang nangangako.
(Hooo lalim nun)
"Hahahahahaha puta" tumawa naman silang lahat pati na rin tong si Angelica.
"Bahala ka nga dyan para kang tanga" naiinis na ako kaya hinila ko na si Angelica para lumayo sakanya, sumunod naman yung iba at naiwan syang ngingiti ngiti.
RR POV.
Nandito ngayon ako sa garden na nakatunganga hindi parin kasi matanggal dito sa isip ko kung sino yung lalaking kumakaway saakin kagabi.
Sino kaya yun?
"HHHHHHHAAAAAAAAAA!" Sumigaw ako bigla dahil wala lang trip ko lang, ganyan kasi ako biglang kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko kapag natutulala ako...kung hindi sumisigaw,kumakanta naman, kung hindi naman kumakanta nag aalien word ako, basta ganyan lang yung mga ginagawa ko.
*pffttt*pito po yan"hoy, hoy, hoy, miss bawal po yung mga kalalabas lang ng mental dito" biglang may sumisigaw medyo malayo pa yung bosses kaya batid kong malayo pa yung nagsasalita.
Lumingon lingon ako para hanapin kung sino man yung feeling pulis na yun.
Nanlalaki yung mga magaganda kong mata ng makita ko na yung nagsasalita na papalapit ngayon saakin na may hawak hawak na manipis na kawayan may mga alagad pa syang kasama.
"Miss diba sabi ko bawal po dito yung mga kalalabas lang ng mental kaya kung pwede lang po umalis na po kayo" sabi nito ng makalapit na sila humahagikgik pa yung iba...ikala mo naman.
Sumaludo sakanila yung panggitnang daliri ko kaya nanlalaki yung mga mata nilang nakatingin saakin.
"Woooaaaahhhh" sabay sabay nilang sigaw.
Lumapit naman saakin yung si Renz saka nya hinawakan yung kamay ko at hinalikan.hindi na ako magugulat dahil lagi nya naman yang ginagawa sa mga babae kapag nakikita ko sya.
"Hwag kang atat Rose... Magpapakasal muna tayo bago natin gawin yang gusto mo"sabi nyang nakangiti habang nakatitig sa mga mata ko.
Nag init bigla yung ulo ko dahil sa sinabi nya kaya bigla ko syang na upper cut yan tuloy napa upo sya.
" ouch"
"Tol, ano na ngay?bakbakan na naten"
"Sakit nun"
"Kailangan mo na sigurong magpacheck up"
"Double kill"
"Triple kill"
"Patay ka na"
Kwinelyuhan ko sya at ngumiting parang demonyo.
"Ibahin mo ako sa ibang mga babae kung ako ang lalandiin mo ay magpapabebe muna ako parang pa hard to get lang ganon, kaya nga kung ako sayo back out na ako bago ka pa mangamote" banta ko sakanya.
"Oooooohhhhhhhhhh" sigaw ulet nilang lahat.
"HAHAHAHAHAHAHA" napatingin kaming lahat sa malakas na tumatawa.
Ang grupo nila Alex na nakatayo na ngayon sa harap namin habang yung dalawang kasama nila yung malakas na tumatawa.
Napakunot naman ako ng noo saka ko hinila si Renz para makatayo.
"Let's go guys don't mind them" nakasimangot kong sabi sa mga kaklase ko, ayaw ko din naman kasi ng away baka madamay pa ako. Makasarili pa naman ako...yeah that's right.
Naglalakad na ako ng makasalubong ko si Sammy na nakapamulsa habang poker face na nakatingin saamin.
Kumunot pareho yung noo namin, siguro dahil gustong gusto naming makita ang isa't isa kaya sa kaexciting an ay parehong napapakunot yung mga noo namin sign na greetings na namin yun.ha.ha.ha.sarcasm overload.
"Ano na namang ginawa mo?" Cold na tanong nito.
Ngumiti lang ako sakanya saka nagfliying kiss"I love u too"yan nalang ang nasabi ko bago ako umalis papalayo sakanya.
Napaigtad ako ng may bumulong sa tenga ko"i love u too"
Naniningkit akong tumingin sa hinayupak na yun at ang loko naka ngising malapad,ginaya nya pa ako dahil nagflying kiss din ang kumag.
Hindi naman ako nagpatalo dahil kunwari ko yung kinuha sa ere tapos nilagay sa bibig ko saka ako mapangloko na ngumiti sakanya.
"I love u too" sabi nya... Ginantihan nya din ako ng mapanglokong ngiti bago sya nakapamulsang umalis.
Gago yun ahh
Hindi ko alam na tahimik na palang nanonood saamin yung section E, yung grupo nila Alex,ibang mga treacher at yung mga studyanteng ang sasama na ng tingin saakin habang nakanganga pa silang lahat.
Bahagya akong yumuko dahil sa kahihiyan.
Shet na malupet nakakahiya yun ahhh.
Unang bumasag ng katahimikan si Koike"wow ang lupet nun"wala sa sariling sabi ni Koike bago sya unti unting ngumiti ng nakakaloko.nahimasmasan na ata.
Sari sari na sila ng reaction pagkatapos nyang sabihin yun nakarinig pa ako ng masasakit na salita galing sa mga babae nangunguna na doon si Diane na nakacross arm na at nakasimangot.
"Grabe, sino ba sya sa akala nya"
"Lande lang teh?"
"Who's that girl?"
"Yung nag iisang babae sa section E"
"Grabe naman kalandian nyan"
Hindi ko na sila pinansin, umalis nalang ako ng nakayuko parin.
"Ayyyiiieee, bagay sila" tukso sakin nung mga kaklase kong baliw... sumunod pala sila saakin hindi ko yun napansin ahh.
"Ayyiiieee bagay kami"sarcastic kong gaya kung sino man ang baliw na nagsalita.
" ayyiieee ang sweet nila"sabi naman nung isa
"Ayyiiee sweet kami" sacrastic ulet na ginaya ko.
"Ayyiieee kilig ako"
"Ayyiiieee kilig ako"gaya ko ulet
" ayyiieee loving loving sila"
"Ayyyyiiieeee loving loving kami" ako
" ayyiieee kiss mo ngarod ako" tuluyan na akong huminto sa paglalakad at hinarap ko silang lahat.
Bahagya kong sinilip yung kuko ko sa kamay bago ako magsalita "Ano ba talagang problema nyo?"
"Sinusuportahan kalang naman namin sa walang hangganan nyong pag iibigan ni bossing" si Koike ang sumagot nun.
Sinilip ko ulet yung kuko ko sa kamay bago ulet ako sumagot"kung ikaw kaya suportahan ko sa kapandakan mo?"
"Okay lang basta cute naman hahahahaha"tumalon talon pa sya
"Okay...dyan na nga kayo mga baliw" saka ako naglakad na nakapamulsa yung isang kamay sa uniform ko.
Tsskkkk mga baliw.
SAMMY POV.
I smile that the fact that she's so beautifull and... hardheaded but strong enough to protect herself.
That b***h, she never fail to amuse me...
"Let's go" untag sakin nitong si Stingray.
"Where?" I ask without looking at him.
"At the basement, remember their are also thing's we need to do" sagot nito.
Hindi na ako sumagot at sumama nalang sakanya.
RR POV.
Naglalakad na ngayon ako papuntang bahay nila Donald at least sabado naman ngayon wala pang assignment kaya pwedeng pwede ako ngayong gumala.
Yung tungkol kay Arjay tatlong araw na syang absent tinext ko sya kanina pero hindi sya nagrereply sinubukan ko pa syang tawagan pero can not be reach naman.hay ano kaya nangyari sa taong yun?.
Maliit lang yung bahay nila Donald kaya no prob wala pa syang gate parang ordinaryo lang syang tignan.
Nang nasa tapat na ako ng bahay nila wala na akong katok katok at bigla nalang na pumasok ganyan kasi ako kabastos...hindi joke lang...kilala na kasi ako ng magulang nya at ang sabi nila since tinuturing daw nila ako na parang anak kaya kahit hwag na daw akong kumatok basta hwag lang daw akong magnakaw dahil mahal daw ang mga gamit sa panahon ngayon.
Anong akala nila saakin?magnanakaw?
"Tiiittttaaaa, Tiiiiitttttoooo, Dooonnnnaaaallllddd!!!!I am Hanggaaarrriii!!!"sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko palang.
Yeaahhh ganyan talaga ako, pero ito lang ang sasabihin ko sainyo...mas baliw pa saakin yung mga magulang ni Donald.
" where na youu?!"sigaw ko pa ulet nung hindi ko sila makita sa Sala.
Pumunta akong kusina dahil nagbabakasakali akong baka nadoon sila sa kusina pero wapakels sila.
Aalis na sana ako doon para maghanap pa ng may nahagilap yung mga mata ko na papel na nakasikit sa Ref...may nakasulat kaya binasa ko ito.
"Anak mag babakasyon kami ni Papa mo free galing sa work na pinagpapart time job namin kapag boring kami sa Restaurant di na namin kita sinama kasi may pasok ka pa...pag nagutom ka may pagkain sa Ref nag market na rin kami bago umalis, 3araw lang kami dito ok?...ingat ka lagi...we love you
❤mama Dyosa and Papa Pogi"
"Wow lupet nun" nasabi ko nalang.diba?sabi ko na sainyo ehh mas baliw pa yung dalawang yun kaysa saakin.
Napaigtad ako ng biglang may kumatok sa pinto.
"Sino naman kaya yun?"
Binuksan ko yung pinto ng biglang isang lalaki ang mabilis na pumasok at isinara yung pinto.rinig na rinig ko pa yung hingal nyang pang athletic.
Hindi ko nakita yung mukha nya dahil ang bilis nyang pumunta sa likuran ko at pinigilan ako sa pagharap sa kanya.
"Meron pa sila" bulong nito
"SINO K-----" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil agad nyang tinakpan yung bibig ko gamit yung kamay nya.
"Shhh!!" Naningkit yung mata ko dahil sa inasta nya.
Nakakunot noo akong humarap sakanya.
"Hoy, ikaw yung lalaking matigas ang katawan na nakatayo sa harap nung school namin ahhh... lumabas ka nga b-----" tinakpan ulet nung lalaki yung bibig ko.
"Sabing tahimik ehh" tinanggal ko yung kamay nyang naka takip sa bibig ko.
"Bat ka ba kasi nandito?" Bulong ko na sakanya,mahirap na baka takpan nya ulet yung bibig ko baka pati ilong ko matakpan nya na.
"Shhhh" sinamaan ko sya ng tingin.
"Nyeta nawalan tayo kung san siya pumunta" boses galing sa labas.
"Alis na tayo" yung boses ulet
"Sige, sige" iba namang boses pero marami yung nagslita.
So marami pala sila?ano na kasing problema nitong taong toh?
Narinig nalang namin na pahina ng pahina na yung mga boses. Sumilip ako sa bintana kung may tao pa pero wala na kaya all clear na.
"Wala na sila" baling ko dun sa lalaki na ngayon ay papuntang kusina.
"Phheeww, buti nakatakas" kumunot yung noo ko dahil sa sinabi nya at dahil parang pusang binubuksan yung mga kaldero ng walang paalam.
"Hoy, hoy, hoy, hoy bakit yan?ha?gusto mo pa atang gawing karinderya tong bahay na toh ahh at sino ba yung mga yun?"
"Salamat ahh" hawak hawak nya yung tinapay na kinuha nya sa kabinet...aalis na sana sya ng bigla akong sumigaw saka ko hinarang yung katawan ko sa pintuan para hindi sya tuluyang maka alis.
"HOOOOOYYYYYY!" BULL%H%T TOH.
"may balak ka pang layasan ako ahh" naiinis na sabi ko sakanya.
"Arthur?" Lumingon kaming dalawa sa nagsalita na kabababa lang galing sa kwarto sa second floor.
"Ohh hello" bati naman nitong masungit na toh.
"Magkakilala kayo?" Nanlalaki ang matang naka tingin sakanilang dalawa.