CHAPTER 14:WHO ARE YOU?

2281 Words
RR POV. Lunch break na kaya heto ako ngayon hila-hila si Koike papuntang Canteen pero tong taong toh ayaw atang pumuntang Canteen ehh kanina pa kasi nya pinapalo yung kamay ko tapos nagtatampong parang bata pano ba kasi ayaw nyang maglakad tapos tumatalon talon pa habang sumisigaw kala mo naman kakainin sya nung canteen. Matapos kaming palabasin ni Ma'am dimakapigilhininga kanina ay tumambay lang kami sa labas habang inaasar asar parin ako nitong batang tukmol hanggang sa magring na yung bell kaya wala na akong choice kundi hilain na tong batang toh wala rin naman kasi si Arjay absent...kung anong nangyari don hindi ko na alam. "Ihh ayaw ko sa Canteen ikaw nalang pumunta, hihintayin nalang kita sa Graden...Enchanted nga lang" sinamaan ko sya ng tingin dahil kung ano ano na naman lumalabas sa bibig nya. Tinaas nya naman yung dalawa nyang kamay na parang sumusuko. "Chill, ikaw nalang bumili hihintayin nalang kita sa Graden, okay?ayos na yan, gora ka na Chupi" nag huhum sya pagkatapos...ayaw nya ata talagang pumuntang Canteen. Problema ba kasi nila?bat ayaw nilang pumuntang Canteen?. Binatukan ko naman sya. "Aray!"reklamo nya ulet habang sapo sapo nya yung ulo nya. " anong sayo?"tanong ko nalang dito, suko na ako alam ko namang hindi rin sya sasama kahit anong gawin ko. "Hmm...chicken tapos dinuguan at rice...extra rice yung akin ahh tapos soft drink na rin" tinaasan ko naman sya ng kilay at inilahad ko yung kamay ko sa harap nya. "Pera mo?, madami kang gusto ehh" taas kilay paring sabi ko sakanya. Tinignan nya lang ako tapos ngumiti ng pagkalawak lawak kaya lumabas yung tinatago nyang dimple na gustong gusto ko sakanya. Nilakihan ko naman sya ng mata dahil parang alam ko na kung ano yung gusto nyang ipahiwatig. "Ayaw ko yang iniisip mo" pagtataray ko sakanya pero ang loko pinalaki lang yung mata tapos ngumiti ng magkalawak lawak tumatango pa ng dahan dahan pagkatapos nun ay tumawa na sya ng pagkalakas lakas yung pang demonyo...o pagkontrabida.. "Gusto mo tong naiisip ko" sabi nya pa saka tumawa ulet. "Your treat" simpleng sagot pagkatapos nyang tumawa at naghum ulet "Anong treat ko?may pera ka bang pinatago saakin?" Inis na sabi ko sakanya. Hindi na sya sumagot at tinulak tulak nya lang ako na parang bata na gustong ipakuha yung laruan nya na hindi nya makuha kuha.tsk bata talaga. Pagkatulak nya saakin kunwaring may isinara syang pintuan.wew nemen may ganyan na syang nalalaman. "Hwag kang uuwi hanggat wala kang dalang pagkain" sabi nya pa na naka kunot ang noo. Tinaasan ko ulet sya ng kilay bago bumubuntung hiningang naglakad paalis.pinipigilang sabunutan yung batang mayaman sa asukal dahil sa kakulitan. Nang nasa harap na ako ng Canteen napahinto ako dahil sa papel na nakadikit sa pader. "NO SECTION E IS ALLOWED INSIDE. P.S PATI YUNG MAGANDANG DALAGA." binasa ko yung nakasulat saka sumilip sa loob. Nakita ko si Joemarie na nagseserve malapit sa pintuan kaya sinitsitan ko sya.nalaman ko lang naman yung full name nyang Joemarie Salvestre nalaman ko ring magkapatid sila ni Albert sinabi nya ring kilalang kilala nya lahat ng meron sa section E.nag offer din syang maging magkaibigan kami kaya pumayag nalang ako. BACK TO STORY... "Psttt" sitsit ko pero ang loka loka ayaw tumingin saakin. "Psstt, bakla" mahinang sigaw ko para walang makarinig at sa wakas ay humarap na sya sa pintuan. Pinandilatan ko sya ng mata saka sinenyasang lumapit saakin na agad din namang nakalapit. "Whey?, what do you need Friend?" Parang nang aasar na tanong nya. Tinanggal ko naman yung papel na nakadikit sa pader at ipinkita sakanya. Ngumiti naman sya saakin. "Yan ba dear?, hmm sila naglagay nyan, hindi ko alam kung ano yung rason nila basta pagpasok ko meron na yan" explain nya kaya napatango tango nalang ako. "I shee...i shee"nakasimangot ako nyan. "Sulat mo nalang dito dear ang order mo at dadalhin ko kung nasaan kayo" nagliwanag naman yung mata ko dahil sa sinabi nya. Agad kong sinulat lahat ng order namin at sinabing magkita nalang kami sa garden, sinabi ko ring nandoon yung anak nya DAW. "Ako muna ang magpapay tapos bayaran mo nalang saakin mamaya...baka kasi may makakita saatin at isumbong pa tayo" tumango nalang ako at naglakad palayo. ***** ***** ***** ***** ***** Nasa garden na kami sa may puno puno para may pagsandalan at tahimik na kumakaing tatlo...yes tatlo kami kasi nakisabay na saamin si bakla. "Hmm...alam mo Rr?" Pagbasag ng katahimikan ni bakla. "Ano yun?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kinakain namin. "Ahh wala...kalimutan mo nalang yon" nagkibit balikat nalang ako saka sya nagpaalam dahil may gagawin daw sya at time na daw, baka malate din daw kami. Napansin ko, parang nakita ko na sya noon?hindi ko lang talaga maalala tapos nung tinanong nya ko kanina?parang kakaiba may halong... Kaba at...at...lungkot?. Hindi ko nalang yon inintindi dahil bigla akong hinila ni Koike. "Dami pa kasing iniisip hindi pa kasi maglakad pinaghintay mo pa ako, paasa ka talaga kahit kailan" reklamo nito habang hila hila nya parin ako. Bumuntung hininga nalang ako at tahimik na sumunod sakanya ang lakas kasi ng impact ng ginawa ni Joem kanina na pati ako nawalan na ng gana. ***** ***** ***** ***** ***** Naglalakad ngayon ako papuntang *Dolittle Sweet Restauran* ng biglang may mga motor bike na dumaan sa harapan ko na parang susugod ata sa gyera ng magcro crossing na sana ako.mabuti nalang at naawa pa saakin yung nangunguna dahil naisipan nya pang bumusina bago huminto sa harapan ko. "PUTCHA KAYO KITA NYO NA NGANG NAKA GREEN LIGHT HINDI PA KAYO HUMINTO...MGA WALANG HIYA!" agad kong sigaw sakanila. Tinanggal naman nung nasa unahan yung helmet nya pero napataas lang ako ng kilay at napairap nalang ako na wala sa oras dahil mga demonyo pala tong nasa harapan ko. "Ohhh ikaw lang pala?, sana hindi na ako bumusina doon" sagot ni Sammy...oo yung mga kaklase ko lang naman ang sakay ng mga motor bike na yan. "So?, edi sana hindi mo nalang ginawa" pagtataray ko saka naglakad ulet para dumeretso sa pupuntahan ko. "And where do you think your going?" Tanong nito. "Kung saan ako dadalhin ng mga paa kong magaganda" patuloy parin ako sa paglalakad ng maramdaman kong may tao ng sumusunod saakin. "At saan mo naman balak pumunta aber?" Tanong ko kay Sammy habang naglalakad parin kaming dalawa, yung mga tokmol nandoon parin at nakasakay sa mga motor nila ang seseryoso ng mga mukha nila pupunta kasi talagang gyera tong mga toh. "Sa gusto kong puntahan" pamemelosopo nya kaya napairap ulet ako. "Ohh shige" saka pasimpleng lumalayo sakanya hanggang sa napatakbo nalang ako. Nandito na ngayon ako sa *Dolittle Sweet Restaurant*at nagseserve na ngayon ng mga pagkain ng mga costumer. Oo may side job ako... nakakatamad lang kasing tumambay sa bahay kaya heto ako ngayon nagtratrabaho...pero hwag kayo dahil pumupunta lang ako dito kung wala akong Homework, project, groupwork at kung ano ano pang ka ekekan na pinapagawa ng mga teachers. Alam na rin naman toh nila auntie.at kung tatanungin nyo kung anong nangyari doon sa halimaw? Hwag na kayong mag aksayang tanungin ako dahil hindi ko rin alam. *iling iling*.basta ang alam ko lang tinakbihan ko sya. Time check(8:00p.m) na pala kaya heto ako ngayon aalis na sana ng bigla akong tinawag ni Donald sya lang naman ang anak ng may ari ng Restaurant nato at tulad ko pumupunta rin lang sya dito upang tumulong kung wala rin syang ginagawa.nerd yang si Donald at lampa pero kahit na ganyan yan mahal na mahal ko yan as a FRIEND dahil mabait sya. "Yow men, what's wrong?" tanong ko nung nakalapit na ako sakanya. "Sabay na tayo?"pag aya nya saakin kaya agad na lumiwanag naman tong mga mata ko. " sige ba basta manglibre ka" tumango tango sya sa sinabi ko. Yan din ang isang gusto ko sakanya laging nanlilibre hahahaha. Nandito na kami sa fishbolan malapit na medyo malapit sa bahay at masayang nagkwekwentuhan.sayang nga lang wala kasi si Arjay ehh lagi namang kaming tatlo tong nagtatambay dito. "Saan nga pala si Arjay?" Tanong nito. Sumubo muna ako ng kwek kwek saka ako Nagkibit balikat bago ko sya sagutin. "Hindi ko alam, absent naman sya kanina" nakasimangot ko syang sinagot. Mariin nya akong tinitigan bago ulet sya nagsalita. "Nag-away ba kayong dalawa?" Tanong nito. Tinaasan ko sya ng kilay"pano mo naman nasabi?" Sya naman ngayon ang nagkibit balikat"beast mode ka ehh" simpleng sagot nito. "Ehh hindi naman kasi sya nagrereply sa mga text ko kung bakit sya absent"nakanguso kong sumbong. Tumawa sya bago nya biglang hinila yung nguso ko kaya napa "aray" ako. Hinimas himas ko yun magkatapos nyang hilahin saka sya sinamaan ng tingin.may tinignan muna sya sa gilid bago nya ako ayaing pauwi. "Halika na hatid na kita" tumango lang naman ako saka kami naglakad. Nung nasa tapat na kami ng bahay ay agad syang nagpaalam saakin, inaya ko pa nga syang pumasok muna pero ayaw nya. Napansin ko lang, kapag hinahatid nya ako dito sa bahay at aayain ko syang pumasok muna ay tumatanggi sya may rason sya lagi kaya wala na akong nagagawa. Kung hindi sya busy, may emergency daw, yan lahi yung mga rason nya. "Pumasok ka na" sabi nya saka nya ako bahagyang itinulak. "Babye" kumakaway kaway pa ako bago ko naisipang pumasok na. Lumingon muna ako para masigurong umalis na sya, pero imbes na sya ang makita ko, ibang tao na yung nakatayo sa harap ng gate ...naka itim sya na jacket na may hood ang nakita ko na kumakaway kaway pa sa direction ko. Hindi ko makita yung mukha nya dahil masyadong madilim yung pwesto nya at naka hood pa.Hindi rin ako sigurado kung ako nga ba o iba yung kinakawayan nya. Bahagya akong lumingon lingon sa paligid kung may iba pang tao pero wala akong nakita...bigla akong kinabahan ng napagtanto kong ako nga yung kinakawayan nya dahil wala naman na akong ibang kasama. Lumingon ulet ako sa direction nya pero wala na sya doon. Medyo nakabahan ako dun. Mumu?totoo pala ang mga mumu?huhuhu Nagmamadali nalang akong pumasok sa bahay dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Who are you? Yan ang nabuong katanungan saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD