Subalit tila walang narinig si Lenmark at patakbong lumapit sa kanila. Itinulak nito ang nakaharang na katawan ni Zigfred saka siya niyakap nang mahigpit, isiniksik ang kanyang mukha sa dibdib nito. "It's okay, Lovan. Andito na ako. Huwag ka nang matakot," pag-aalo sa kanya habang paulit-ulit na hinahagod ang kanyang likod. Umalingawngaw ang boses ng kaibigan sa lugar kung saan siya naroon, ramdam niya ang tila kamay na humablot sa kanya mula sa bangungot na iyon. Nang tuluyan siyang mahimasmasan at iangat ang ulo ay mukha ni Lenmark ang bumungad sa kanya. Nang maramdamang muli ng p*******t ng ulo'y saka lang niya naalala kung ano'ng nangyari. Agad siyang gumanti ng yakap sa kaibigan. "Lenmark, sinusumpong na naman ako," sumbong niya sa pagitan ng pag-iyak. Si Zigfred na napatayo

