Excited na pinagmasdan ni Lovan ang sarili sa whole body mirror sa bagong kwartong ibinigay ni Zigfred sa kanya. Iniregalo na nito sa kanya ang maluwang nitong kwarto at inilabas ang mga gamit nito at inilipat sa mini-library, maliban lang sa kama at malaki nitong closet. Sa totoo lang, kahit saan pa ito malipat ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay may sarili siyang silid, sariling mga gamit at bagong mga damit na pumuno sa buong kabinet. Binilhan rin siya ng lalaki ng bagong wig, pinagawan ng mas malaki pang nunal at isang atache case ng puro make-up upang magamit niya sa pagpapapangit ng mukha. Pero ang suot niyang office attire ay naaayon pa rin sa standard ng kompanya. Isa iyong cream long sleeve sweetheart neck chiffon blouse na ini-tucked in niya sa itim na slacks. No worri

