Hindi Siya Si Lovan Claudio

1790 Words

"Good morning po, Sir!" masaya niyang bati sa pumasok na HR manager sa loob ng opisina ni Zigfred. Eksakto namang naglilinis siya ng table ng amo, nahinto lang nang makita ang lalaki. Pupungay-pungay pa ang mga mata ng panauhin na tila hindi nakatulog magdamag sa itim ng eyebags ngunit napamulagat pagkakita sa kanyang naglilinis sa loob ng opisina. "Oh, ba't andito ka? Hindi ba't ginawa na kitang janitress sa labas?" pumipiyok pang usisa. Siya naman ang takang napatitig dito. "Hindi po ba sinabi ni Mr. Arunzado na pinabalik niya ako bilang secretary nang makita niyang kausap ko sina Lenmark at Ma'am Aeon kahapon?" balik-tanong niya. Lalong nanlaki ang mga mata ng kausap saka curious na lumapit sa kanya. "You called Mr. Villaloso by his name?!" 'di makapaniwalang bulalas nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD