Sa building na iyon, tanging ang rooftop lang ang tila naging puntahan ni Lovan kapag malungkot. Napakapit siya sa barandilya sa gilid niyon habang iwinawaksi sa isip ang nangyari kanina. She took a deep breath. Kailangan niyang paluwagin ang dibdib. She shouldn't be affected by bad circumstances. Toxic lang 'yon sa buhay. Iniikot niya ang tingin sa buong paligid. Maliban sa malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at tila nagbibigay sa kanya ng comfort, wala na siyang ibang maramdaman sa lugar na iyon, ni wala siyang makitang tao sa palibot. Tila ba may bumubulong sa kanyang utak, 'You can cry here if you want. Nobody can hear you.' Napahikbi siya ngunit agad ding pinigilang pumatak ang namumuong luha sa mga mata. No! She must be strong enough to control her feelings. Isa pan

