"Really?!" Miss Chua exclaimed and stared at her in a confused manner. "Oh, don't get confused with her looks. They're fake. Her hair is a wig and she put fake mole and pimples on her face to look ugly," maagap na paliwanag ni Zigfred sa kliyente. Doon lang nawala ang pangungunot ng noo ng huli saka tinitigang mabuti ang kanyang mukha upang alamin kung totoo nga ang sinasabi ng nakaakbay sa kanya. Pero nanatili siyang tigagal at hindi makahuma sa narinig. Hindi pa rin siya makapaniwalang bigla siyang ipinakilala ni Zigfred bilang asawa nito. Why? Dahil ba sa pinuri siya ng kliyente nito? Subalit ang higit na gumugulo sa kanyang utak ay ang nanonoot nitong pabango sa kanyang ilong at ang marahan nitong pagpisil sa kanyang balikat. Kasama ba 'yon sa pagpapakitang-tao ng lalaki? 'Ma

