Ang Paglalayas

1603 Words

Mula nang makahalikan ni Lovan ang estrangherong iyon ay hindi na siya makatulog nang maayos. Paulit-ulit na rumirehestro ang mukha nito sa kanyang utak, ang bawat anggulo niyon, mula sa mga mata hanggang sa kaliit-liitang detalyeng nakita niya nang gabing iyon lalo na ang mga halik nitong lagi na'y dinadala siya sa kung saan sa twing naaalala ang nangyari sa kanila. "Lovan! Halika rito! May bisita ka!" malakas na sigaw ng ama ang nagpabalikwas sa kanya mula sa pag-daydreaming sabay baba sa kama at nagmamadaling nag-ayos ng sarili, kinuha ang wig sa lagayan at isinuot iyon saka isinalpak sa pisngi ang fake na nunal. Baka si Ricah iyon, aayain siyang mamasyal. Papayag siya kesa naman magmukmok sa loob ng kwarto at isipin ang mukha ng lalaking ni pangalan ay 'di nga niya alam pero ipinag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD