Pabagsak na inilapag ni Jildon ang sliding folder sa ibabaw ng work table upang makuha nito ang atensyon ng among si Zigfred na tahimik lang na nakaupo sa swivel chair at nakatitig sa mesa ngunit halatang wala roon ang isip. Hindi tuminag man lang si Zigfred pero naagaw ng kaibigan at Human Resource Manager ng Arunzado Holdings Corporation ang kanyang atensyon. "This is the list of qualified applicants that suit your standard as secretary." May halong sarcasm sa boses nito, nakataas pa ang isang kilay, sadyang pinahahalata sa kanyang pagod na ito kakahanap sa mga babaeng papasa sa kanyang panlasa bilang secretary. Nag-angat siya ng mukha, sinulyapan itong nakapameywang nang nakaupo sa gilid ng kanyang mesa, nakatalikod sa kanya. Saka lang ito umayos ng tayo nang maramdamang hinihila

