Sa parking lot pa lang ng gusaling pag-aaplayan nila'y ang haba na ng pila, abot hangang sa katabing gusali maliban pa sa mga nakapasok na sa loob ng building. Tingin pa lang niya sa mga nag-aaplay, mas mga pangit pa sa kanya, nawalan na agad siya ng pag-asang matanggap nga pero nang maalalang kailangan niya ng trabaho'y sumunod lang siya sa dalawang kasama at nakipila na rin sa kabila ng init ng sikat ng araw na kahit payong ay wala sila. Humanga siya sa dalawa, malalakas kasi ang loob ng mga ito kahit kung titingnan ay may mga itsura naman, hindi tulad sa disguise niyang pangit talaga. Biglang umugong ang bulungan kung bakit gano'n ang hanap na secretary ng kompanyang pag-aaplayan. "Baka pangit din ito kaya mas prefer ang pangit na secretary," narinig niyang sabad ng isang babae ma

