Bago mag-alas kwatro nang hapon ay nasa loob na ng Megamall si Lovan, naghahanap ng pwedeng maisuot bukas sa kasal ni Madison. Nakapagdesisyon na siyang dadalo at ipapakita ang totoong mukha sa okasyong iyon para patunayan ditong hindi siya mukhang palaka at hindi kahiya-hiya sa mga bisita nito. Eksakto namang may nakita siyang dress sa H & M na babagay sa kanya. Nagmadali siyang isukat iyon sa loob ng dressing room. Isa iyong halterneck bodycon dress, exposing her sexy collarbones and smooth, flawless shoulders. Hapit sa kanya ang damit, revealing her mermaid's figure lalo na't hanggang tuhod lang ang haba nito't nalantad ang kanyang makikinis na mga binti. "Hmmm...perfect!" nakangiti niyang bulalas habang manghang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, nakailang ulit munang umikot sa

