Sa halip na magalit sa ginawa niya'y mas lumapad pa ang tila ngising-aso nito nang muling bumaling sa kanya. Sa tingin niya, isa itong r****t na anumang oras ay pwede siyang gahasain. Naramdaman niya ang panginginig ng mga tuhod sa takot nang bigla nitong hilain ang kanyang braso at idikit sa dibdib nito. Kung hindi niya naitukod ang isang kamay sa dibdib nito'y baka pati mukha niya'y naidikit din sa mukha ng huli. "Ano ba'ng ayaw mo sa'kin, ha? Kaya ko namang ibigay sa'yo ang lahat, mahalin mo lang ako. Kaya kong magbago para sa'yo. Sabihin mo lang kung ano ang kailangan kong gawin para mahalin mo," puno ng emosyong sambit nito ngunit naruruon pa rin sa mga labi ang nakakalokong ngisi na tila ba naging mannerism na iyon. "Hindi kita kailanman magagawang mahalin! May boyfriend na ako a

