"Zigfred!" Kalalabas lang ni Zigfred sa Audi R8 Spyder luxury car nang mula sa main door ng malaking bahay ng mga magulang sa Urdaneta Village, Makati ay pasigaw na bumungad sa kanya ang inang naka-bath robe pa, halatang katatapos lang maligo, ni hindi pa nga seguro nakapagsuklay ng buhok, buhaghag pa iyon at wala sa ayos na minsan niya lang makita dito. Sa nakakunot na noo at namumulang pisngi ng ina habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanyang papalapit dito, masasabi niyang galit ito at alam na niya ang dahilan niyon, but he maintained his indifferent composure upang ipaalam ditong hindi siya apektado sa nararamdaman nito. "My gosh, Zigfred! What have you done to Lovan? She's been crying for an hour dahil sa ginawa mo sa kanya sa mall! Do you really have to be rude to that v

