Lovan, anak! Nakabihis na kami ng papa mo at papunta na sa venue ng kasal ni Madison. Nakabihis ka na rin ba? Aabangan kita sa labas ng simbahan, ha?" bungad agad ng madrasta ni Lovan pagkarinig lang ng kanyang boses sa kabilang linya. Napahagikhik siya, sa tono kasi ng pananalita nito'y parang mas excited pang makita siya sa kasal kesa sa anak nitong maglalakad sa aisle sa araw na iyon. Halos wala siyang tulog kagabi sa kakaisip kung paanong makatatakas kay Francis. Ngayon nga'y medyo masakit ang kanyang ulo sa puyat ngunit gumaan pa rin ang kanyang pakiramdam pagkarinig sa sinabi ng madrasta. "Oho, Ma. Nakabihis na rin ako. Tumawag lang ako para ipaalam na papunta na rin ako sa venue ng kasal," nakangiti niyang sagot. "Sige na anak, pumunta ka na roon at aantayin ka namin ng pa

