"Ma," malambing na tawag ni Lovan sa madrasta pagkabukas lang ng huli sa gate ng bahay. Matagal itong natigagal at nanatiling nakatitig sa kanyang mukha. Nawala na kasi ang kanyang make up na nagpapangit sa kanya. Nunal na lang ang naiwan at ang kanyang makapal na wig. "Ma, ako ito, si Lovan," pakilala niya. "Lovan?!" Doon lang ito tila natauhan sabay yakap sa kanya. "Ano ka ba namang bata ka, ba't ngayon ka lang umuwi?" Gumaralgal agad ang boses nito, may kahalong tampo sa kanya. "Ma, sorry," gumaralgal na rin ang kanyang boses. Nang maramdamann basa ang kanyang damit ay agad itong kumawala ng yakap saka siya hinila papasok ng gate at dinala sa sarili niyang silid, kinuha ang kanyang shoulder bag, saka siya pinaligo sa kanyang banyo. Kalalabas lang niya ng banyo nang mapansin

