Sa halip na sumagot ay tinanggal nito ang suot na sunglasses at inilagay sa tuktok ng ulo, saka siya matamang pinagmasdan mula sa ayos ng kanyang buhok hanggang sa laylayan ng kanyang suot pababa sa kanyang paa. Hindi niya alam kung bakit nagsalubong ang kilay nito nang dumako ang mga mata sa nakalantad niyang binti. Siya nama'y gumanti ng titig sa buo nitong katawan. Hindi niya mapigilang mapasinghap sa hindi matatawarang kagwapuhan ng lalaki kahit halatang may pasa ito sa mukha at putok ang ibabang labi dahil sa nangyari kagabi. "Lovan, sino ang lalaking ito? Ano, kaya ka ba naglayas noon dahil sumama ka sa pataygutom na lalaking ito?" bulyahaw sa kanya ng ama sa labas mismo ng kanilang bahay habang kaharap si Zigfred, ni hindi man lang marahil napansin ang pagbabago ng kanyang itsura

