Ang Simpleng Yakap

1487 Words

"Anak, totoo ba na asawa mo siya?" usisa ng madrasta nang magkasarilinan sila sa loob ng kwarto ni Lovan. Hindi siya makatingin man lang nang deretso dito, inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanyang kobre-kama. "Lovan, totoo ba?" pangungulit nito sa mahinang boses, hinawakan na ang kanyang braso upang itigil niya ang ginagawa. Sinulyapan lang niya ito, pagkuwa'y napayuko. Nahihiya siya dahil sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kung sasabihin niyang napagkamalan lang siya ni Zigfred bilang asawa, baka kung ano'ng isipin nito kaya minabuti niyang tumango dahil siya naman talaga ang aksidenteng humarap sa altar sa araw ng kasal ng lalaki. Parang dalagang humagikhik ang madrasta, tila kinikilig na marahan siyang hinampas sa balikat. "Sabi na nga ba't asawa mo talag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD