Gusto niyang kausapin si Zigfred upang alamin kung bakit pinagli-leave siya ng dalawang linggo samantalang wala pa siyang isang buwan na nagtatrabaho. Dahil ba sa nangyari kagabi o dahil nagalit ito sa sinabi niya kanina? Subalit bigla iyong naalis sa kanyang isip nang maramdaman niya ang paninikip ng dibdib, para bang nakadagan sa kanya ang kung anumang mabigat na bagay. Biglang siyang natuliro at hindi na mapakali lalo na nang maramdaman ang malamig na hanging nagmumula sa aircon hanggang maramdaman niya ang pangangatal bigla ng katawan. Napahawak siya sa braso ng katabi. "Hey, what's wrong?" usisa agad ni Zigfred nang makitang namumutla siya at nangangatal ang bibig na tila kinukumbulsyon. Noon lang nito naalalang ayaw niyang sumakay ng kotse kaya't bigla nitong inihinto sa gilid

