Kinabahan bigla si Lovan. Mukha pa lang ni Avril nang lumabas ng sasakyan hawak ang kulay lilac na payong ay nakakakaba na. Napahigpit ang hawak niya sa shoulder bag ngunit hindi niya pinahalatang nakaramdam agad ng takot lalo na nang makita ang maasim na mukha ng mga kasama nitong lalaking tila mga regular customer sa gym sa laki ng mga muscle sa katawan. "Hmm... What a coincidence," palatak nito nang makalapit sa kanya. Pinatigas niya ang mukha upang iparamdam ditong handa siya sa anumang balak nitong gawin. Naglakad ito pasulong, bumuntot ang mga alalay. Humakbang siya paatras habang pinapakiramdaman ang susunod nitong galaw. Huwag sana nitong mapansing nanginginig ang kanyang mga tuhod sa takot. Kilala na niya ang babaeng ito. Ito ang klase ng taong hindi pwedeng masagi man

