Pakiramdam ni Lovan, tumigil sa pag-inog ang mundo, huminto sa pagtakbo ang oras na kahit ang malakas na buhos ng ulan ay hindi niya maramdaman, hindi niya marinig ang pagbagsak niyon sa lupa. Ang tangi niya lang ramdam ng mga sandaling iyon ay ang panlalambot ng mga tuhod niya habang dama ang mainit na halik ni Zigfred, ang pagpisil ng kamay nito sa kanyang beywang at unti-unting paglikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Pakiramdam niya, may mumunting siga ng apoy itong binuhay sa buo niyang pagkatao. May libo-libong boltahe ng kuryenteng nanalaytay bigla sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan dahilan upang mapapikit siya't mapakapit sa batok nito. She could feel his fast heartbeat reciprocating hers and his body emitting the same heat as hers. It was just a single minute per

