Biglang natauhan si Lovan sa kabaliwang panandaliang naramdaman, tila napasong agad na itinulak si Zigfred at mabilis na itinakip ang dalawang palad sa nakaumbok niyang dibdib, pulang-pula ang magkabilang pisngi sa hiya. Sandaling natigilan ang lalaki, nang makabawi ay muling dumagan sa kanya, pinugpog siya ng halik sa leeg hanggang sa marinig ang kanyang hagikhik. "Ziggy, ano ba? May tao sa labas," saway niya. "I'm not done with you yet. Let's finish it, Lovan," lambing sa namumungay na mga mata, ikinulong na siya sa mga bisig nito. Tumigil siya sa paghagikhik ngunit nakatakip pa rin sa dibdib ang mga kamay habang dama ang naghuhumindig na p*********i nito sa kanyang puson. Kagat-labi niya itong tinitigan, pigil ang makilig. "May tao sa labas, baka importante 'yan," giit niya.

