Heto si Lovan, tila lutang na nakatitig sa kawalan habang nakatayo sa loob ng elevator papunta sa suite ni Zigfred. Si Lenmark nama'y tahimik lang ding pasulyap-sulyap sa kanya. Ngunit nang makalabas na ng elevator ay hindi ito nakatiis na hindi siya kausapin. "Lovan..." basag nito sa katahimikan. Hindi siya sumagot, tahimik lang na naglakad hanggang huminto sa tapat ng suite ni Zigfred at kumatok sa pinto. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano pa'ng iisipin at gagawin pagkatapos ng pag-uusap nila ng ina ng lalaki. Ayaw nitong mapalapit siya sa anak nito pero ayaw din nitong umalis siya sa kompanyang pinagtatrabahuan. Napakagat-labi siya. Ang gusto lang naman niya'y mabawi ang sariling kwintas at magkaroon ng trabaho upang hindi siya umasa sa kahit na kanino. "Lovan, you can st

