'Zigfred!' Sa namumutlang pisngi, ano't bigla iyong nagkakulay at namula habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mukha ng lalaking naniningkit ang mga matang sumulyap sa nakaluhod na si Aeon, pagkuwa'y pinunasan ang luhang bumasa sa kanyang kabilang pisngi. Naramdaman niya ang pag-slide ng kamay nito sa kanyang likod dahilan upang mapasinghap siya. "Zigfred. Mabuti't andito ka," ani Aeon na agad tumayo at kumapit sa braso ng lalaki. "Sabihin mo kay Lovan na layuan ang fiancé ko--" pakiusap nito sa garalgal pa ring boses. Nagpantig bigla ang kanyang tenga, uminit sa narinig lalo nang makita ang dalagang mahigpit na nakakapit sa braso ng kaharap. Kinabig siya ni Zigfred padikit sa katawan nito at hinawakan ang kanyang ulo upang halikan ang mabango niyang buhok, saka lang bumali

