"Pakinggan mo ako, Zigfred. Hindi ako 'yan, maniwala ka." Mga salitang pilit na umuukilkil sa utak ni Zigfred habang tahimik na nakaupo sa driver's seat at pinagmamasdan si Lovan papasok sa inuupahan nitong apartment. Kahit ilang beses niyang pakinggan ang recorder na ibinigay ni Avril sa kanya kung saan dinig na dinig ang masamang balak ni Lovan mahulog lang ang loob niya rito upang maangkin ang yaman ng kanyang pamilya, hindi niya kayang itangging boses ng kanyang asawa nga iyon. Subalit may parte ng kanyang utak ang ayaw maniwala. May munting boses na nagsasabing hindi ito 'yon, na inosente ito, na walang itong alam sa nangyari kanina lang sa loob ng canteen. Naguguluhan na siya. Ramdam niyang ito si Lovan, ang kanyang si Lovan. Pero bakit siya nagdadalawang-isip na magtiwala rito

