Tunog ng alarm clock ang umistorbo sa masarap na tulog ni Lovan. Tumihaya siya ng higa at balak uling matulog habang hindi pa rin nagmumulat ng mga mata. Subalit ayaw tumigil ng bwisit na alarm clock kaya't napilitan siyang bumangon at hinanap ang tumutunog pero napatayo bigla mula sa kama nang makitang alas-syete na nang umaga. Patay! Mali-late siya sa trabaho. 8AM ang pasok niya, maliligo pa siya, magmi-make up at ilalagay ang pampa-pangit niya sa mukha tsaka magbibiyahe pa papunta sa kompanya. Patakbo siyang lumapit sa pinto ng kwarto subalit napahinto rin nang mahagip ng tingin ang bed ng ama ni Lovan Claudio. Pagkuwa'y awang ang bibig na napatingin naman sa isa pang bed kung saan siya nahiga. Bakit dalawa na ang bed sa silid na 'yon? Naalala niya kagabi, tumabi siyang natulog sa

