Naunang lumabas ng suite ang ina ni Lovan Claudio kaya't nagkaroon siya ng time kausapin si Yaya Greta sa loob ng kusina habang si Zigfred ay pansamantalang nagbantay sa byenan nitong lalaki. "Tell me, ano'ng ugali ni Lovan Claudio?" usisa niya. Tinitigan siya nito nang mariin, mayamaya'y tumalikod, kumuha ng baso sa lagayan at nagsalin ng tubig sa dispenser saka nagmadaling uminom ng tubig. Lumapit siya rito. "Ba't ayaw niyong sumagot? Tama ba ang hula kong masama ang ugali niya? Na pera lang ang habol niya kay Mr. Arunzado?" sunud-sunod niyang tanong, ang mga mata'y naghahanap ng kasagutan sa gumugulo ng kanyang isip. Mabuti na lang pala at hindi siya nagsabi ng totoo na hindi siya ang anak ng ginang. Kung hindi'y baka napahamak na siya ngayon. "Hindi. Maniwala ka, mabait ang t

