"Salamat," ang unang lumabas sa bibig ni Lovan nang makababa mula sa motorsiklo ni Lenmark, pagkuwa'y ibinalik dito ang gamit niyang helmet. "Sasamahan na kita papasok," yakag nito. "H'wag na," maagap niyang sagot, hindi ipinahalatang biglang namutla ang kanyang magkabilang pisngi. Nang bumaling ito sa kanya'y agad siyang yumuko't kukunin sana sa bag ang binigay nitong phone ngunit noon lang napansing hindi pala niya hawak ang bag at ang phone nito'y itinapon ni Zigfred sa basurahan kanina. "Kahit hanggang sa counter lang," giit nito't hindi na hinintay na makatanggi siya, hinawakan na uli siya sa kamay at umakbay sa kanya hanggang sa makapasok sila sa loob ng hotel. Hindi na siya umimik pa. Sumabay na lang dito sa paglalakad. "Lenmark, ako na lang ang papasok sa elevator. Umuwi k

