Nagising si Lovan sa mahinang kaluskos malapit sa kanyang kinaroroonan. Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata, inikot ng tingin ang buong paligid, pagkuwa'y nangunot ang noo nang mapansing nasa isang estrangherong kwarto siya. Napako ang tingin niya sa pinaghalong kulay azure at puting kisame patunay na lalaki ang may-ari ng silid na iyon. Kahit ang mga dingding ay gano'n din ang kulay maliban sa mga appliances at furnitures na nasa loob niyon. "Lovan, gising ka na pala." Naagaw ng tinig na iyon ang kanyang antensyon at agad napabaling sa nagsalita. Ang nakangiting mukha ng babaeng umagaw ng kanyang kwintas ang tumambad sa kanyang paningin. "Ang kwintas ko! Asan na ang kwintas ko?" agad niyang usisa at akmang babangon ngunit nagmadali itong lumapit sa kama't pinigilan ang kany

