Ilang minutong palakad-lakad si Lovan sa loob ng kwarto ni Zigfred habang pinag-iisipan ang gagawin para lang mapapayag itong ibalik sa kanya ang kwintas nang makaalis na siya sa lugar na iyon pero sa sinabi nito kanina, lahat seguro ng pabor ay magagawa nito maliban lang sa pagsasauli ng kanyang kwintas. Gigil na naipameywang niya ang mga kamay saka matalim na tumingin sa saradong pinto. "Grrrr! Ang mayabang na 'yon! 'Kala mo kung sinong hari! Naku! Sarap sapakin!" gigil niyang sambit saka muling nagparuo't parito sa loob ng kwarto. Bakit ba kasi hindi pa nagpapakita ang totoong jowa ng hambog na 'yon para maniwala na itong hindi nga siya ang una? Na mukha lang at pangalan ang magkatulad sa kanila pero magkaiba sila ng katawan at personalidad. Sinipat niya ang suot na relo. Alas

