"Kuya, wala na po bang ibibilis ang takbo ng motor niyo?" untag niya sa driver ng Angkas na sinasakyan. Hindi ito sumagot, sa halip ay halos paliparin na ang minamanehong motor. Sa pagkakataong iyo'y wala nang pakialam si Lovan kung gaano iyon kabilis, ang mahalaga'y makarating agad siya sa pupuntahan. Ilang oras din siyang naglibot sa tatlong mall para lang makahanap ng wig na kahawig ng sa dati niya at ng gagawing fake na nunal. Bumili na rin siya ng itim na shoulder bag bago napagdesisyunang sumakay na lang sa Angkas. Laking pasalamat na lang niya't nangyari nga ang kanyang gusto nang hindi sila nadidisgrasya. Bago magtanghali ay nakahinto na sila sa tapat mismo ng building na pinag-aplayan noong nakaraang araw. Buong limandaang piso na ang kanyang ibinigay sa driver at hindi n

