'Sinusundan ba ako ng asungot na 'to? O baka stalker ko talaga siya?' Naitakip niya ang isang palad sa bibig. Baka nga stalker niya ito! Nakapagtatakang nagsipagbalik sa kani-kanilang mga cubicle ang lahat ng mga empleyadong nakiusyoso kanina maliban sa dalawang nasa kanyang harapan. Siya nama'y 'di maiwasang itago ang sarili sa likod ng kasamang empleyado habang ito'y tensyonadong napaharap sa paparating kasama ang lima pang mga lalaking nagpaka-three-piece suit na navy blue at oxford shoes. Marahil ay iyon ang uniform ng mga ito sa kompanyang iyon. Lihim siyang sumilip sa pamilyar na lalaking naglalakad dalawang metro na lang ang layo sa kinatatayuan nilang tatlo. Si Zigfred nga iyon! Nakasuot itong grey coat na umiba sa kulay ng suot ng mga kasama, ang style ng sapatos nito'y n

