Sa malungkot na opisinang iyong tanging tunog lang ng orasang nakasabit sa dingding sa bandang itaas ng kanyang cubicle ang bumabasag sa katahimikang matagal na namayani sa paligid ay himalang hindi napansin ni Lovan ang oras. Kung hindi pa tumunog ang phone na inilagay niya sa bulsa ng suot na uniform ng mga janitress ay hindi pa siya magigising sa tila mahimbing na pagkakatulog habang iniisa-isang isaulo ang lahat ng mga nakasaad sa bawat folder na laman ng USB na ibinigay sa kanya ni Zigfred. Kahit nang kunin niya ang phone sa bulsa at idikit sa tenga'y hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig niya sa nasa screen ng computer. "Lovan, aantayin kita sa rooftop." Si Lenmark, halata sa boses ang tuwa habang kausap siya. "Bakit, ano'ng oras na ba?" maang niyang tanong, wala sa sariling na

