"Hi! kilala mo pala si Lenmark?" muling untag ng kasama ni Lenmark sa katahimikan nang pagkapasok lang ni Zigfred sa opisina'y kapwa sila natahimik ng kaibigan. Sumulyap muna siya sa binata bago ngumiti at tumango sa babae. "Opo, Ma'am. Bestfriend ko po siya," pagtatapat niya sabay baling kay Lenmark. "Sensya ka na. Bukas mo na lang ako ihatid pauwi," aniya rito. "No! I can wait," maagap nitong sagot saka mabilis na hinugot sa loob ng bulsa ng suot na slacks pants ang smartphone saka ibinigay sa kanya. "Here, take this. Naka-phonebook na d'yan ang number ko. Aantayin kita mamaya sa rooftop," anito saka siya marahang tinapik sa balikat bago nagpatiunang maglakad papunta sa Admin department. Hindi na siya nakatanggi pa lalo't nanibago siya sa kaibigang ngayon lang nangulit nang g

