Chapter 47 Zoe POV NAKAKARINIG ako ng malambing na tinig ng aking munting anghel, at tila ba nakikita ko ang kanyang mga ngiti sa aking isipan. Sa bawat pag–alala sa aming mga masasayang sandali, bumalik ang init ng pagmamahal sa aking puso na nagbibigay sa akin ng kaligayahan. Unti–unting nagmulat ako ng mga mata. Kumurap–kurap bago tuluyang naipokus ang mga mata ko sa paligid. Unang namataan ng mga mata ko ang kurtinang nilipad–lipad ng hangin sa bintanang nakabukas. Nakakarinig ako ng mga huni ng ibon at malamig na simoy ng hangin. I groaned painfully and uttered a help, pero wala akong makitang tao sa paligid ko. Nagtangka akong kumilos subalit napangiwi ako. Sinikap na igalaw ang katawan subalit hindi ko magawa. What happened to me? Why I can't moved? Tinaas ko ang dalawang kamay

